Chapter 30
Znela
"ZEEEEE!" sigaw ni Sam saka ako mahigpit na niyakap. Natawa ako dahil ang aga-aga umiiyak siya "Zee sorry na ah, sorry na kung pinainit ko ang ulo mo, sobrang sorry, ako ba ang dahilan? Huh?" sunod sunod niyang tanong.
"Huh?" pagtataka kong sagot sa kanya.
"Kaya ka umalis!" sagot niya, humahagulgol siya na parang namatayan kanina, agad namula ang mata at ilong niya dahil doon.
"Umalis?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo, naglayas ka ba? Kaya ka di nakapasok ng ilang araw? Sorry talaga Zee!" sabi niya, ngumiti ako saka hinila ang dalawang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Halika nga dito!" I cupped her face matapos iyon saka pinunasan ang mga luha niya. "I should be the one to say sorry." Nabigla siya, nakita ko iyon sa mukha niya "I'm sorry Sam, the way I acted. It was inappropriate." Tumayo siya ng tuwid at nakakunot ang noong tinignan ako.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Huh?"
"Anong nangyari sa iyo? Saan ka galing?" tanong niya ulit "Anong ginawa mo? Bakit parang may nag-iba? Bakit...B-Bakit ganyan ang aura mo?"
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko saka tumawa.
"YAN!" para siyang nakakita ng multo "Yan! Yan, yan mismo, tumatawa ka na ng ganyan, bakit? Anong ginawa mo? Nag drugs ka ba? Zee ah!" hinampas ko siya sa may braso saka ngumiti.
"Loka loka ka talaga!" sagot ko. Dumiretso ako sa may upuan ko saka nilapag ang bag.
"Saan ka nga galing?" pangungulit niya.
"Sa lugar kung saan hindi mo aakalaing totoo." Sagot ko sa kanya saka umupo. Nag talumbaba ako saka ngumiti sa kanya "The place was surreal. Sobrang ganda doon Sam." Umupo siya sa upuan niya na naweweirdohan sa akin. Natawa na lang ako.
Napatingin ako sa upuan ni Terrence, wala pa siya at mukhang late nanaman.
Flashback
"Oh bakit tahimik ka ata?" tanong ko ng malapit na kaming makarating sa bahay, Terrence insisted na ihatid ako, wala daw siyang pakialam kung makikita siya ni Mommy o Daddy. Di daw siya natatakot kaya pumayag na ako. "Na-miss mo agad ang Kibok-Kibok?" I asked him.
"Hindi naman, makakabalik naman ako doon kung kailan ko gusto eh." Sagot niya ng huminto sa harap ng bahay namin, gabi na kami nakarating.
Gustuhin man namin pero hindi na kami pwede magtagal doon, we still have responsibilities here in Manila, kung magtatagal pa kami lalo doon, pagbalik namin mas malaking problema naman.
"Eh bakit tahimik ka? Nakakapanibago ata." Sagot ko saka inabot ang bag ko sa likod matapos alisin ang seatbelt.
"Wala may iniisip lang." sagot niya sa akin saka pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako ng hinatid niya ako hanggang sa may gate.
"Ano iniisip mo?" tanong ko saka tumayo lang kami doon.
"Ah?"
"Sabi ko ano iniisip mo!"
Kapwa na kami nakababa ng kotse, hinatid niya ako hanggang sa may gate.
"Ahh, wala, iniisip ko lang kung may pag-asa ba talaga ako sa iyo." diretsong sagot niya. Biglang nag-init ang pisngi ko. "Sige pahinga kana, maaga pa pasok natin bukas." He was about to turn his back at me ng tinawag ko siya.
"Terrence!" mabilis siyang tumingin at bumalik, kumunot ang noo ko. "B-Bakit ka ganyan?" natatawa kong tanong. Biglang namula ang mukha niya pero sinagot niya naman ako.
"Kala k-ko kasi, bibigyan mo ako ng good night kiss!" nabigla ako at hindi nakasagot agad. He was telling the truth. Makikita yun sa full of hope na facial expression niya kanina nung lumingon siya " S-Sige, bye!"
"T-Teka!" tawag ko saka lumapit sa kanya, tumingkayad ako saka mabilis siyang hinalikan sa may pisngi, pagkalayo ko sa kanha, nakita ko ang paglapat ng palad niya at napatulala habang nakatitig sa akin. "Thank you kiss." sabi ko saka mabilis na pumasok sa loob.
End of Flashback
"Ela!" nagkita kami ni Theo during break. Nakangiti ako sa kanya ng lumapit siya. Inabot niya yung dala niyang iced coffee sa akin saka umupo sa tabi ko. "Are you okay? Nalaman ko sa Yaya mo na nagkaroon kayo ng sagutan sa bahay kaya hindi ka umuwi, the last time I called you, you sounded weird."
"Galing ka sa bahay?" I asked him, tumango siya "I told you not to worry, Theo kaya ko ang sasarili ko." I assured him "Isa pa, hindi niya naman ako pinabayaan."
"Niya?" kumunot ang noo ni Theo "S-Sino ang kasama mo."
"A-Ahh? You don't have to know." Sagot ko na lang saka umiwas ng tingin.
"Are you with Terrence?" he suddenly asked me, napatingin ako sa kanya "Sam told me na wala din siya sa klase niyo habang wala ka, siya ba ang kasama mo?"
"I don't have to report everything to you Theo!" sagot ko.
"I am not asking you to pero hindi mo maaalis na mag-alala ako sa iyo Ela!" lumunok ako saka nilapag ang iniinom "Siya ba ang kasama mo?" hindi ako sumagot.
"Siguro alam mo naman ang rason kung bakit ako umalis saglit di ba?" tanong ko sa kanya "You told me na pumunta ka sa bahay to ask Yaya and I know na sinabi niya sa iyo ang lahat, kaya Theo please, wag mo na akong tanungin about dito, I came back, yun ang importante!"
"I'm sorry." Agad niyang sagot. "I can't stop myself from not worrying, alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko sa iyo di ba?"
"Theo!" sita ko sa kanya "How can you say that? Kung tutuusin kababalik mo palang dito di ba? Paano ka nakakasiguro sa nararamdaman mo sa akin? Look, ako lang ang close mo dito kasi ako ang childhood friend mo, why don't you look for some other friends, baka nalilito ka lang between a care of a friend and a care of a lover."
"I'm not an idiot Ela." Sagot niya kaya natahimik ako "I know what I feel and we are not too young para sa mga ganitong bagay, I like you Ela, I know it and I feel it." Umiwas siya ng tingin "At a-alam ko rin kung ano ang ibig mong sabihin sa mga sinabi mo."
"Theo."
"You like someone." He concluded "Is that Mr. Genius?" he asked, nabigla ako. "Siya ba? Yung sinusulatan mo noon nung una tayong nagkita ulit?"
"T-Theo."
"I'll take that as a yes." Sagot niya. Ngumiti siya saka tumayo, ngiting alam mong hindi totoo.
"T-Theo-"
"I'll talk to you next time." Sabi niya saka tumalikod sa akin.
"I don't want to hurt you." Sabi ko that made him stop "You're my friend and you know you're close to my heart. Please Theo, please let us stay that way." Ngumiti siya ng mapait sa akin matapos niya akong lingonin.
"You don't want to hurt me?" he asked "But guess what, you just did! A-Alam mong hindi pwede ang gusto mo." Pag-amin niya "Alam mong hindi lang kaibigan ang turing ko sa iyo. B-But don't worry, nandito lang naman ako. I won't give up easily, that's for sure pero hindi ko rin ipipilit ang sarili ko sa iyo." He bit his lower lip saka tumingin sa malayo "He is so lucky to have you. Please be happy, it will make me happy too."
"Theo..." tinalikuran na niya ako saka tinapon yung iniinom sa nadaanang trashcan. I took a deep breath saka pumikit. "I'm sorry. I'm sorry."
"Zee look at what I did!" pinakita ni Sam sa akin yung ginawa niyang term paper "Can you check it for me?" she asked, tumango ako at ngumiti, nilagay ko iyon sa bag saka siya sinagot.
"I'll give it tomorrow." Sabi ko at malapad siyang ngumiti.
"The best ka talaga!" sabi pa niya at nag thumbs-up.
It was a long day. Nakakapagod pero very productive ako ngayon. Nagkaroon ng org meeting at na-settle na rin ang problema sa budget. Naipasa ko na rin yung requirements sa special awards kahit muntik ng mahuli. Na-cancel yung seminar na pupuntahan namin at nagpapasalamat ako dahil mas magkakaroon ako ng time sa paggawa ng term papers at iba pang school works.
Terrence was sitting beside me. Paminsan minsan nahuhuli ko siyang tumitingin at sa tuwing mangyayari iyon, kikindatan niya lang ako. Break time namin, nakatayo kami ni Sam sa may pinto, nakita ko rin na umiinom sa drinking fountain si Terrence ng may lumapit sa kanya. Base sa uniform college na rin pero ibang department.
Naningkit ang mata ko ng may iniabot siyang paper bag sa kanya. Napangisi ako ng tinanggap ni Terrence iyon. "Huh!" I uttered ng ngumiti pa ang loko.
"Iba talaga si Papa Terrence." Komento ni Sam "Pero sorry sila, ikaw ang gusto niya!" sabi pa niya saka tumili, hinampas ko si Sam. Naglakad si Terrence papasok sa room at napatigil ng makita niya akong nakatingin sa kanya, nilagay niya sa likod yung hawak niyang paper bag saka ngumiti sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Umupo siya sa upuan niya at sinabi ko kay Sam na mag-ccr lang ako saglit. Pagbalik ko sa room, magsisimula ang klase namin. I put my ballpen on my desk ng gumulong iyon. I picked it up at laking gulat ko ng sinabayan ako ni Terrence sa pagpulot ng ballpen. But instead of holding the pen, yung kamay ko ang hinawakan niya.
"ANG SWEET!" sigaw ng iba kong kaklase at narinig ko ang pag pito at sigaw nila. Pati ang prof namin napatingin sa aming dalawa.
Terrence winked at me saka ngumiti ng malapad. Binawi ko ang kamay ko saka pinipigilan ang sarili sa pag-ngiti. Yumuko ako at pilit na pinapakalma sarili. Para akong kinuryente dahil sa ginawa niya. Terrence whispered at me and that turned my face red.
"Want to hold hands until the class ends?"