Chapter 17

1707 Words
Chapter 17 Znela "Good luck!" bati sa akin ni Theo saka matamis na ngumiti "Alam kong kayang kaya mo yan!" bigla akong kinabahan matapos niyang sabihin iyon, he laughed at me matapos makita ang pamumutla ko "Kalma lang, okay? Hindi ba darating ang parents mo?" he asked and I frowned. "As if! Baka gugunaw na ang mundo bukas kung ginawa nila iyon!" sagot ko saka kinuha ang bag at pumasok na sa auditorium kung saan gaganapin ang contest. Maraming tao, sobrang dami kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakita ko ang uupuan namin sa may stage at nakita ko na rin kung saan banda ang chair na may nakasulat ng 'SIERIN UNIVERSITY', doon ako uupo mamaya. "Zee, good luck alam naming kayang kaya mo yan!" alo sa akin ni Sam saka ako binigyan ng two thumbs up. Theo smiled at her that made her flashed. "Thank you!" sagot ko at pilit na ginala ang tingin sa paligid, bukod kasi sa aming tatlo, ilang professors from our university rin ang sumama para manuod at sumuporta, may mga ibang students din ang nadinto kaya naman dapat ko pang galingan. "Sino hinahanap mo?" Sam asked me at napalunok ako. "W-Wala!" sagot ko at napatingin ulit sa paligid. "Si Terrence ba?" biglang tanong ni Sam, napatingin si Theo sa akin. "A-Ahh? Hindi ah!" sagot ko na pumiyok pa ng kaunti. "Hindi ba niya sinabi na pupunta siya?" tanong ni Sam "H-Hindi!" sagot ko saka biglang nakaramdam ng inis. Nung isang araw kasi nag text siya sa akin, sabi niya good luck at bukod doon wala na akong natanggap na iba pang messages mula sa kanya, that was the last time din na nakausap ko siya at nakita. He didn't even called me kanina o kahit kagabi man lang! "Baka na late lang, wag kang mag-alala, alam ko darating yun!" sabi ni Sam na may tonong nang-aasar "Wala akong pake kung makakapunta siya o hindi, tapos na oblegasyon niya sa akin, laban ko na itong mag-isa!" sagot ko saka sinabit ang bag pack sa likod "Ang pride!" komento ni Sam, I just rolled my eyes on her. Totoo naman ah, kaya siguro di na siya pumunta kasi alam niyang tapos na ang obligasyon niya sa akin! "Di bale andito naman ako eh!" singit ni Theo saka ako kinindatan, I shook my head "By the way Ela, may binili ako para sa iyo, lucky charm!" saka niya nilabas ang isang pahabang box at tumambad sa amin ni Sam ang isang necklace na may clover pendant. Yung tatlong petals niya ay green crystals, iyung isa naman hugis puso. "T-Theo-" "Ela, you can't reject this gift now, bad luck yun!" saka siya tumawa at tumayo sa likod ko, he even collected my hair at hinawi iyon saka mabilis na sinuot ang kwentas "See, it suits you well!" "O-Oo nga..." dagdag naman ni Sam, kahit halita ang pagkalungkot. I wanted to end this conversation right away. It feels uncomfortable seeing Sam like this. One day I'll talk to her regarding Theo. "W-We'll talk later Sam!" sabi ko at bigla siyang umiling na mabilis "Ano ka ba? Wag mo na nga akong isipin, focus lang sa contest, okay? Prove them that you deserve that spot!" saka siya ngumiti sa akin at mabilis na yumakap "Kaya mo yan Zee!" Narinig ko ang pagtawag ng mga contestant. I even checked my phone bago ako tuluyang maglakad papunta sa backstage pero walang message mula kay Terrence. Bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya. Kala ko ba naman susuportahan niya ako hanggang dito pero ano? Wala talaga siya. May patanong tanong pa siya kung gusto ko siyang pumunta. ------ "And we came to the final round, who among the top three universities ang makakauwi ng grand prize this year?" lumunok ako matapos marinig ang in-announced ng emcee. Malakas ang sigawan ng mga tao, may kanya kanyang pambato pero umabot na ako dito that's why I am giving my best shot! "Will it be the SIERIN?" tanong ng emcee and the crowd went wild. I closed my hand saka huminga ng malalim, ang bilis ng t***k ng puso ko at pinagpapawisan na ako ng malamig. Napalunok at napayuko rin ako matapos makaramdam ng kirot sa may sentido. Not now, please! Other universities were called but I was so oblivious to what's around me. Bigla akong nabalot ng takot, ng kaba sabayan pa ng pananakit ng ulo. Nanginginig kong kinuha ang whiteboard marker ko at pilit na pinakalma ang sarili. I need to focus now! I gulped habang patuloy na pinagpapawisan ng malamig. Nakikinig na ako sa sinabi ng emcee na siya ding nagbabasa ng question para sa amin. Huling round, huling pagkakataon. I need to win! I need to win in order to prove them wrong! In order to prove my parents wrong na hindi lang ako laging pangalawa! "From Sierin University?" tawag pansin sa akin ng emcee ng hindi ko pa sinisimulang magsulat "You only have 1 minute to answer the question!" lumunok ako. Alam ko ito! Tinuro ni Terrence ito! Alam ko ang short cut dito pero bakit hindi ko maalala? Pumikit ako habang pilit na iniisip kung paano sasagutan ang huling tanong. I nearly cried in front pero talagang na mental block ako this time! Hinigpitan ko ang hawak ko sa whiteboard maker na hawak ko pero hindi ko talaga alam ang isusulat ko habang ang dalawang kalaban ko ay patuloy lang sa pagsosolve sa magkabilang gilid. Naririnig ko na ang bulong-bulongan. Some people were trying to calm the crowd at unti-unti ko ng ibinababa ang kamay ko. I think I can't do it. I t-think d-di ko na kayang s-sagutan ito! Di ko maiwasang maluha d-dahil pumalpak nanaman ako this time. "ZNELA!" bigla kong naiangat ang tingin ko matapos marinig ang sigaw. Tumingin ako sa harap, hindi ko siya makita pero kilala ko ang boses niya "ALAM KONG KAYA MO YAN! FOCUS! Ayyy- ayyy! Wait lang-" yun ang huli kong narinig sa kanya ng biglang nagkaroon ng spot at tumutok sa kanya. "T-Terrence?" singhal ko at ang loko nagawa pang kumaway at ngumiti sa akin habang inilalabas na siya ng guard. He raised his thumb sabay kindat sa akin. Nagbulung-bulungan sa paligid, pinatahimik iyon ng emcee at napangiti na lang ako bigla. "Miss-" tinaas ko ang kamay ko para patigilin ang emcee. "I can do it!" putol ko sa kanya, narinig ko ring nagsisigaw sila Sam pero agad ding tumigil dahil bawal nga naman yun dito sa loob. I focused and I was smiling the whole time na sinasagutan ko ang tanong. "T-Thank you Terrence..." bulong ko habang isinusulat ang final answer ko! ------ "WAAAAAAHHHHHHHHH!" sigaw ni Sam saka ako niyakap ng mahigpit. She even grabbed my trophy at nag picture pa kasama nun. "I told you, you're going to win!" proud na proud niyang sabi. Theo handed me a bouquet of flowers na galing sa mga professors ko. I smiled at them and we took several pictures together. "You did a great job!" bati ni Theo, ganun din ng mga professors. Ngumiti ako at napatawa. "You did your part too, kung wala kayo baka nanghina na ako doon sa harap!" sagot ko, natahimik ang lahat ng dumating si Terrence, kahit ako, namula at nag-init din ang pinsgi ng makalapit siya sa amin. He was still massaging his arms na hinila ng guards kanina. "A-Ahh aalis na muna kami!" sabi ni Sam sabay hila kay Theo, wala na akong nagawa, sumabay na rin ang ibang mga professors. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya. Nakangiti siya ng malapad at kinindatan ako ulit. I bit my lower lip saka umiwas ng tingin. "Congratulations!" he sincerely said na hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi. Lumunok ako saka inabot sa kanya ang trophy. "T-Thank you!" tumawa siya saka kinuha ang trophy. "Galing! Sabi ko naman kayang-kaya mo yun!" he commented habang nakatingin sa trophy "You really deserved this!" saka niya inabot pabalik sa akin. Nagsimula kaming maglakad palabas ng hall. Madilim na sa labas at malamig na rin. Papunta kami sa may parking area kaya napadaan na din kami sa may garden, may mga Christmas lights ng nakasabit sa mga puno at halaman. "S-Seriously, thank you!" basag ko sa pagsisipol niya habang naglalakad kami. Sumulyap ako sa kanya at lalong lumapad ang pagkakangiti niya "K-Kung hindi mo ginawa yun kanina b-baka wala pa akong naisagot sa harap!" "Anything for you seatmate!" sagot niya saka lumapit sa akin "Or should I start calling you, Zee?" Naiangat ko ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin. Parang kumikinang ang mga mata niya or dahil lang yun sa background niyang Christmas lights sa puno? "A-Akala ko hindi kana darating..." I honestly confessed. "Is that even possible? Nauna pa nga akong dumating sa inyo nung Theo mo eh!" sabi niya sabay bulsa ng kamay at nagpatuloy sa paglalakad. "T-Talaga?" I asked him habang sumusunod sa kanya "Eh bakit hindi mo ako in-ninformed?" "I think that you should have a stable mind before the contest kaya I don't want to bother you at all!" seryoso niyang sagot. I pouted "I don't want to distract you, kaya tignan mo, muntik kanang matalo, alam mo kung bakit?" tumigil siya sa paglalakad saka hinarap ako "Theo distracted you! Sabi ko na eh, hindi siya makakabuti sa iyo!" hindi ko mapigilang tumawa dahil sa sinabi niya. He even paused and smiled too after that "See, at ako lang nagpapatawa ng ganyan sa iyo, I'm actually good for your health, Zee!" "Hindi rin, sumasakit kasi ulo sa tuwing kasama kita!" I mocked him saka siya tinaasan ng kilay, he pouted and saka naningkit ang mata. He looked at my necklace saka hinawakan iyon. "Ang pangit naman nito, kanino galing kay Theo?" he asked na kinabigla ko. "A-Anong pangit? Ang ganda ganda nga eh!" sabi ko sabay bawi doon. Naglakad ako at sumunod siya sa akin. "Tss, osige saan treat mo sa akin? Nanalo ka di ba?" Huminto ako sa paglalakad at biglang lumingon matapos marinig ang sinabi niya but to my surprise huminto rin pala siya at nakaabang sa may gilid ko. Mabilis niyang nilapat ang labi niya sa pisngi ko. Napaawang ang bibig ko at nailapat ko na lang ang kamay sa may pisngi na hinalikan niya. "W-What did you do?" tanong ko habang nagliliyab ang mukha sa sobrang init, ngumiti siya sa akin sabay bulsa ng kamay. "Kinuha ko lang ang paunang bayad!" sagot niya sabay kindat sa akin ulit. P-Paunang bayad? Akala ko ba hindi siya maniningil?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD