Chapter 1
Znela
Dear Mr. Genius,
Matanong ko lang, masaya ka ba sa ginagawa mo? Sa paglalagay ng chewing gum sa ilalim ng desk ko? Nakakadiri kaya kung aksidente kong mahahawakan iyon! Eh sa pag do- doodle sa harap ng notebook ko? Seriously? Sa harap ng notebook ko talaga ah! Pwede naman sa likod! Bakit sa harap pa?
Eh yung pagtulak sa akin habang umiinom ako sa drinking fountain? Hello, ano ba ako sa paningin mo? Babae ako! Mahina! Marupok! Malambot! Ikaw kaya ipatulak ko ng masubsob ka sa nguso ko? Oii! Kala mo gusto kita? Utot mo! Kahit saksakan ka ng gwapo, talino at kayabangan hindi kita gusto no! Naiinis lang ako sa iyo kasi-
“ZEE! ANO NANAMAN YAN?” bigla kong tinakpan ang scented paper na sinusulatan ko “SULAT KA NG SULAT, IKAW BA NAGAWA MO NA ANG ASSIGNMENT NATIN?” tanong sa akin ni Sam, umupo siya sa harap ko saka ako inusisa “Ano ba kasi iyan? Ano ba yang pinagsusulat mo? Grade school palang ganyan kana!” saka niya sinilip silip ang tinatakpan kong papel.
“WALAAA!” sagot ko sakanya saka iyon diniretso sa bag, nilabas ko ang notebook ko saka binuklat kung saan nakasulat ang assignment “Ayan tapos ko na, ako pa di gagawa ng assignment?” tanong ko sa kanya “Takot ko lang!” saka siya ngumisi.
“Sabagay, being number two is the most important to you!” sagot niya saka umiling, kumunot ang noo ko.
“Number two?” ulit ko sa sinabi niya, tumango siya.
“Oo! Alam mo ba lumabas na yung result ng departmental exam, doon naka post nasa department office...” imporma niya sa akin habang nagsimula ng magsulat, mag-aalas otso na ng umaga at ilang minuto nalang darating na yung professor namin.
“Talaga?” napatayo ako bigla “Nakita mo ang akin?” tanong ko saka siya niyugyog.
“Aish! Wag ka nang ma-excite, alam mo na kung pang-ilan ka!” sagot niya sa akin kaya bigla akong napaupo, I pouted and looked at her “Oh sis, alam kong pinagpuyatan mo yun pero wag kang mag-alala two points nalang ang lamang niya sa iyo this time!” dagdag niya kaya lalo akong nalungkot, two points tapos di ko pa nagawa? Lintik naman oh!
“Ano bang kinakain ng lalaking iyon?” bulong ko pero rinig ni Sam “Lagi naman siyang late, lagi naman siyang tulog, lagi naman siyang hindi nakikinig!”
“Sows, parang di mo alam ang sagot!” sagot ni Sam sa akin “Oh kumusta, nakapagpa-checkup kana ba?” tanong ni Sam at bigla siyang natigil sa pagsulat ng makita niya ang nakasapo kong ulo sa aking kamay “Ano Zee? Anong nararamdaman mo?”
Huminga akong malalim saka kinuha ang canister ng gamot ko saka kumuha ng isang tablet at ininom iyon.
“Migraine...” sagot ko sa kanya matapos uminom ng gamot, lately kasi ibang sakit ng ulo ang nararamdaman ko, parang pinipiga at dinudurog, gusto ko mag pacheck up pero di kaya ng sched ko kaya kumuha nalang akong gamot sa migraine at iiinom iyon para maibsan ang sakit nanararamdaman ko.
“Migraine lang ba talaga yan? Baka iba na yan Zee ah! Wag mo na kasi i-stress ang sarili mo, genius yung lalaking yun, di mo mapapantayan yun!” sabi niya at napangiti na lang ako.
“Oo na, I’ll get some sleep after the finals...” sagot ko at nanlaki ang mata niya saka umiling-iling.
“Finals?Hellooooo?Kakasimula lang ng term mare ah! Kakapost nga lang ng nag top last term tapos sasabihin mo nasa finals ka matutulog? Zee maloloka ako sa iyo!” saka ako ngumiti sa kanya.
Hindi lang naman dahil gusto ko mag-top kaya ako nag pupuyat ng ganito eh, hindi lang din dahil kay Mr. Genius! I grew up with my Yaya beside me, oo si Yaya lang, akala ko nga nung una siya ang Mommy ko eh, ganun ka busy ang parents ko sa pamamalakad ng negosyo.
Our family owns The Money Tree, isa sa pinakamalaking lending company iyon sa buong bansa. Mom and Dad wants me to ace in the field that I am now, gusto ko rin, gusto ko rin kasi I want to prove them that I am too, worth it of their time. Sabihin na nating nakukuha ko lahat ng gusto ko but that not excludes my parent’s time and attention. They are always busy, hindi ko nga alam kung nagkakapag-usap din silang dalawa kung nauuwi sila sa bahay eh!
Sa loob ng isang buwan, isa o dalawang beses lang kaming nabubuo sa harap ng hapagkainan, I don’t have any siblings kaya bukod sa mga books, yung mga instrument ko sa bahay ang lagi kong kasama.Naiingit ako sa mga classmate ko noon, lalo na nung gradeschool kasi umaattend ang parents nila kung may family day o kaya naman meeting or any school activities, pero ako? Si Yaya lang parati ang pumupunta, wala kasing time si Mommy.
“Sam, ganito na talaga buhay ko, third year na tayo ngayon, ka pa magtatanong ng ganyan!” sagot ko at biglang natakbuhan ang mga classmate ko sa gilid at dumungaw doon, nakita ko ang pagkinang sa mata ni Sam saka iniwan ang sinusulat.
“AHHH ANDITO NA SIYA!” sigaw ng ilang babae, ngumuso ako “GRABE ANG HOT NIYA! GIRL!” yugyog niya sa katabi, napatingin ako sa lalaking nakasakay sa isang red DUCATI BIKE, naka black leather jacket siya at basang-basa sa helmet na suot niya ang tatak ng motor na sinasakyan, rinig sa room ang ingay ng motor niya, maraming nakatingin, maraming nag-aabang, napailing ako ng makita kong pumasok sa loob ng building ang motor niya.
“Lagi nalang bang ganito?” tanong ko sasarili ko sabay ng takbuhan ng mga babae papunta sa pinto ng room, lalong lumalakas ang ingay ng motor.
Oo! Ang mahangin, pinasok nanaman ang motor niya sa loob ng building palibhasa nasa ground floor lang ang room namin.
“TERRENCE! TERRENCEEEE!” sigaw ng mga babae na parang fans niya, oo nga ata, may fans club ata talaga siya! Tumayo ako sa may gilid ng pinto saka sumandal doon, hininto niya mismo ang motor niya sa tapat ng room namin, I just shook my head, kahit na isa sila sa may ari ng school, masyado parin siyang mayabang!
“Hi!” bati niya sa mga babaeng nakapalbot sa kanya saka ngumiti, doon ko inasahan ang malakas na tilian, I saw him bit his reddish lips saka bumaba ng motor niya, tinanggal niya ang jacket niya saka sinabit ang helmet sa motor niya, at oo hahayaan niyang nakapark ang motor niya sa tapat mismo ng room namin! “Late na ba ako?” pa charm niyang tanong.
I rolled my eyes, late? HA.HA.HA! Kailan pa siya naging concern kung late siya o hindi?
“NAKU MAAGA KA PA TERRENCE!” sagot ng mga babae, para silang speech choir, sabay sabay sa pagsagot sa kanya, he brushed his hair saka ko nakita ang pag unzip niya ng jacket, hindi siya naka uniform as usual!
“Oi seatmeat!” bati niya sa akin saka siya ngumiti, tinaasan ko siya ng kilay saka ngumoso “Na check mo na bayung Gallery mo?” tanong niya sa akin “Wag mong ikakalat yun ah!” saka niya ako kinindatan, nakita ko ang pag-irap sa akin ng mga babae.
Gallery? Sa phone? T-teka, anong ginawa niya? I hurriedly checked my phone saka ako nagulantang sa mga selfies niya na lumantad sa akin, biglang umusok ang ilong ko ng makita ko pa ang note na sinave niya.
‘Kung ibebenta mo ang pictures ko, taasan mo ang presyo ah! Okay na sa akin ang 60, 40 na hatian.
PS. Wag mo akong pagnasaan, baka di ako makatulog!’
Kinuyom ko ang kamay ko saka naramdaman ang pag-usok ng ilong, naiwan ko lang saglit ang phone ko tapos ganito na ang nangyari, ganito rin yung ginawa niyang scratch ang harap ng notebook kong minsang nag CR ako!
TERRENCE VILLAFLOR! KAHIT KAILAN KA TALAGA!!!!