Kabanata 18: "Oh, kumot." Inabutan ako ni Kevin ng kumot, pagkatapos nang nangyari sa dagat ay mabilis na kaming umahon, ako ang naunang magbihis. Niyakap ko sa katawan ko ang kumot saka umayos ng higa, magkaharap kami. I remember the last time we slept together. A mistake that I can't correct now. Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon gabi, hindi ko naman alam na ganito pala ang pupuntaham namin. Pumikit ako, ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya dumilat ako. "Maganda ka pala," he whispered, his eyes gleamed. Natigilan ako at pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil sa kilig na naramdaman pero sa huli ay natawa na lang. "Aray ha? Ngayon mo lang nalaman? Grabe ka naman," I joked. Sandali kaming natahimik, naging mabagal ang aking paghinga dahil natatakot marinig niya ang

