Kabanata 35: "Congratulations Miss Montero, you're hired." The Principal announced with a smirk, I smiled at him, he offered me his hand. "Thank you, Sir Travis." Tinanggap ko ang kanyang kamay, sobrang laki no'n. Bahagya pa siyang natawa nang maramdaman ang panlalamig ng aking palad, nahiya ako bigla. Sinong hindi kakabahan? Nag-demo ako sa harap niya, sobra siyang nakakaintimida. Nakipagkamay ako sa kanya, dati ko siyang Professor sa college na asawa ng kaibigan ko. Hindi ko akalain makakabalik ako sa Pampanga at makakapagturo ulit. Tumango siya saka umalis na pagkatapos kong pirmahan ang kontrata. Ngiting-ngiti ako pagkalabas ng office, dala-dala ang aking bag at folder. Gumagawa ng ingay ang suot kong stilettos habang naglalakad sa hallway, may mga guro na napapatingin sa akin

