Kabanata 16: "Ma'am, nasa labas po si Sir Kevin, tinatawag po kayo." Napalingon ako sa isa sa mga estudyante ko nang sabihin niya iyon, kumunot ang aking noo saka napatingin sa labas ng room. I saw Kevin outside the room, he waved his hand. Sinenyasan niya akong lumabas sa sandali, tumayo ako. "Finish your lecture," bilin ko sa mga estudyante ko bago lumabas, wala pa naman ay nag-ingay na sila kaya sumilip ulit ako. "President, maglista ka ng maingay, bawas sa scores kanina," pananakot ko, kaagad silang natahimik. I'm wearing my gray uniform, like Kevin. May roon burda sa balikat hanggang dibdib. Hindi maiwasan puruhin ang itsura niya sa uniform niya, napaka linis niyang tingnan lalo't nagpa-clean cut siya noong nakaraan. "Bakit? May klase pa ako, tapos na 'yong ginagawa niyo?" bunga

