Kabanata 14: MABILIS kong isinuot ang aking damit habang nanginginig pa ang kamay, nananalangin na sana ay panaginip lang ito pero hindi dahil kahit anong kurap ko ay nandoon pa rin siya, nakahiga pa rin si Kevin doon habang payapang natutulog. Sinigurado kong wala akong maiiwan na kahit ako bago umalis sa hotel. Nagpalinga-linga ako sa parking lot, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang aking phone. Napahikbi ako nang mabilis sagutin ni Terron ang aking tawag. "Lisa? Hey, what happened? Are you okay? Where are you?" sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya. "P-Please sunduin mo ako, please." Sinabi ko ang lugar kung nasaan ako, hindi ko kayang mamasahe ng ganitong itsura, wala pang limang minuto ay dumating na siya. Tulala ako habang nakasakay sa kanyang kotse. He didn’t ask, he

