Kabanata 11 Nagulat ko nang ilagay ako ni Kevin sa kanyang likuran, bahagya akong sumilip kay Terron na nagulat din sa biglang sulpot ng bestfriend ko. "Hina-harass ka ba nito, beb? Hoy! Hindi porket gwapo ka attitude ka na ha! Nag-aral ako ng teakwondo." Umasta pa si Kevin na parang attack sa kalaban kaya kaagad ko ng hinawakan ang braso niya. "Kevin . . . hoy t-tama na 'yan." Tumabingi ang ulo ni Terron bago umangat ang sulok ng labi at lumingon sa akin. Mukhang natuwa siya sa inasta ni Kevin. "I have to go, Miss Lisa. Nice meeting you and you too . . . Mr. Taekwondo," may bahid ng pang-aasar ang tono niya at makahulugan akong tinitigan bago tumalikod at kumaway pa. Umamba si Kevin na sisipain si Terron kaya tanggal ang sapatos siya, pinanlakihan ko siya ng mata. Nakakahiya, pin

