“Siren Jewel Jewel! Eto na naman tayo! Umaga na pahirapan na naman tayo sa gisingan." Nakaramdam ako ng inis dahil sa pag sigaw na pang gigising ni Auntie actually kanina pa pala pero kanina pa ako ginigising hindi ko kaya yung matinding antok na nadarama ko. "Hoy wag kang simasimangot dyang bruha ka!" "Auntie naman!" reklamo ko. Kanina panay lang ang tawag niya ngayon ina-alog alog na niya ako. "Ano oras ka ba natulog?" inis na tanong nito. Bumangon ako at naupo pero nanatiling naka pikit ang mga mata ko dahil gusto ko pa talagang matulog ng mahaba. "SIREN!" sigaw na pagtawag ni Auntie sa pangalan ko. Napadilat ako agad. Antok na antok talaga ako ng sobra. Hirap na hirap akong bumangon. Papikit pikit pa din ang mata ko habang naka upo doon. "Siren ako nagtataka na sayo bakit b

