Naramdaman kong may yumapos ng mahigpit na yakap sakin. Masarap at komportable iyon. Yumakap din ako ng mahigpit pabalik. Napakunot nuo ako. Naiisip ko na nasa kusina ako pero malambot at komportable amg hinihigaan ko? Paano nangyari iyon. I open my eyes. Bumungad ang gwapong mukha ni Kavien. Ano ba yan masyadong gwapo ang nilalang na ito. Kamukhang kamukha siya ni Kaizen. Siguro ay binuhat niya ako paakyat dito. Hindi ako maka kilos dahil sa higpit ng yakap niya. Anong oras na kaya? Inaalala ko yung mga anak ko baka hanapin ako. Wala silang alam na umalis ako at ang ama nila ang kasama ko baka gising na nag aalala na kung nasaan ako. Tiningnan ko si Kavien na mahimbing na natutulog. Nakapatong ang mukha niya sa dibdib ko malapit at naka pulupot ang mga binti pati mga braso sa akin

