“Ren tara na at magpalit ng PE uniform para maka punta na tayong gym.” Narinig ko na sabi ng classmate ko. Inaaya na nila ako.
Tiningnan ko lang si Yen na nasa harapan ko na. “Huy bakla tara na!" dagdag ni Wessy. Lutang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa naganap kahapon. Ayaw tanggapin ng aking isip ang mga kaganapang nangyari.
Hindi ko alam na may ganoong side pala ang isang Kavien Ross— wild pala niya. Sobrang wild ng bebe boy ko jusko hindi ko kinakaya. Kumakain pala siya ng hilaw na karne. Punyeta hindi ko makalimutan ang mga kaganapan.
Halos di na nga din talaga ako pinatulog kahit pa naka inom ako ay di naging sapat yung tama ng alak para makatulog agad.
Kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko ngayon araw. Buong magdamag ko at ang iniisip yun at binabalik balikan ang mga tagpong naganap. Na late padin akong pumasok paano ay hindi ko alam kung paano ko tatakpan yung ginagawa ni Kav sa leeg ko. Pag nilagyan ko ng band aid halata masyado alam na agad na may hikey gawaing high school daw yun sabi ni Osang pag tinakpan ko naman ng make up ay mabubura naman kaagad baka di ko pa namamalayan naka expose na pala iyon kaya tinakpan ko nalang ng buhok ko pero di ako mapakali dahil baka may makakita at kung anong isipin sa akin na isa akong malanding babae dahil sa hikey na ito.
Tumayo na ako daladala ang pamalit kong damit na kasunod ako sa kanilang naglalakad papunta sa girls bathroom. Madaming tao doon ngayon dahil sa mga estudyante na nauna ng mag PE ay nag shower na o di kaya nag papalit ng damit.
"Demie is so hot!"
"Yeah napaka snob naman kasi ni Kavien!"
"Ang sungit naman kasi nila, lahat ay suplado!"
“Boltier is yummy!”
“Even Caino.”
Narinig ko usap-usapan ng mga babae na nakasalubong namin. Pagpasok namin ay maraming tao mag papalit lang naman kami kaya mabilis lang. Nauna na silang pumasok sa cubicle ako ay pinanood ang mga babaeng nagkakagulo sa pag aayos naglagay sila makeup. PE lang ngayon kailangan pang mag makeup pag pinapawisan lang din naman.
"Ikaw na Ren." pukaw sa akin ni Wessy.
Lumabas na siya ako na ang pumasok sa loob ng cubicle. Tamad na tamad talaga ako kaya ibinaba ko yung takip nun toilet bowl at umupo doon. "Ano ba ang gagawin ko?" tanong ko sa aking sarili. Antok pa rin ako.
Nanatili lang akong nakaupo nag-iisip ng gagawin ko. Kailangan ko pa bang mag panggap na walang nangyari manatili sa malayo tulad ng dati. Knowing Kavien Ross hindi big deal sa kanya ang naganap ako lang ang over acting at di maka get over. Tumayo ako at mabilis na nag palit ng damit pang PE.
"Tagal mo.” reklamo ni Yen.
"Sorry." paghingi ko ng pasensya.
Nag ayos nalang muna ako ng buhok dahil pulang pula padin iyon at may kalakihan pala tinakpan ko ng maigi yun ng aking buhok.
"Tara na anong oras na pagalitan na tayo."
Tinanguan lang namin sya ni Wessy, nag punta na kameng gym. Para sa aming P.E today. Nandoon na yung iba naming classmate at si Sir Robin na naka formal attire may conference na naman siyang pupuntahan.
“Haaaay substitute na naman!"
Nakakainis kasi laging may substitute si sir Robin. Crush din siya ng mga classmate namin kaya nanghihinayang pag hindi ito nakikita.
"Sabi ni Sir kanina seniors daw ang nagbabantay satin sa class niya!" tili ni Gela.
Naupo lang kami sa gilid. "So class hintayin nyo na lang yung seniors niyo na dumating sila yung pagtuturo sa inyo please listen to them." paalam ni Sir Robin tsaka umalis. Inaantok naman ako, ngayon ko lang naramdaman ang hangover na dapat kanina pang pag gising ko.
Nilibot ko ang tingin ko iba't iba silang circle iba-iba din ng usapan. “Huy Ren kanina ka pa lutang ah!" sita ni Yen.
Tumingin muna ako kay Yen na parang nagtataka na sa akin.
"Inaantok ako ih." dahilan ko na lang sa kanya.
Nag-ayos na sila ng upo sa lapad sumunod naman kaming lahat.
“Uy diba si Caino yan?"
"Oo girl siya yun."
Bulong bulungan ng mga classmate ko. “Good morning I'm Caino De Leon." pakilala niya.
Mga nagdatingan na ang mga lalaki sa senior year na akala mo model.
“Isa ako sa mag aassist sa inyo sa activities na binili na ipinagawa ni Sir Robin." dugtong pa niya.
Umayos na ng tayo yung mga na huli. “Nasaan na naman si Ro—
"Eto na!" sigaw ni Kavien na tumatakbo palapit doon.
Nag-umpisa ako na kabahan ng sobra. Parang gusto ko na lang umalis at hindi na pumasok sa class. I need to act normal. Panay naman ang siko sa akin ng dalawa. nilakihan ko sila ng mata para tumigil. They know that I really like Kavien Ross siya kasi ang ultimate crush ko. Kalat na sa mga friends ko.
"Ang swerte mo girl dito crush mo.” kinikilig na bulong ni Yen.
"Sayang wala si Dem.” sabi pa ni Wessy.
Tumahimik na yung dalawa nag start ng mag explain si Caino. Lahat kami ay nakikinig sa kanya. “I will assign you into a group okay."
Nag usap usap silang mga sub, kilig na kilig naman yung mga classmate ko ang haharot.
"Trion, group 1."
"Legaspi, group 2."
"Go, group 3."
"Ross will be the last group number 4."
Kanina ay nag bunutan ng group number sila Wessy at Yen mag kagroup ako di ko pa tinitignan kung anong number ang nabunot ko. Sana naman ay hindi number four putek hindi ako makagawa nun.
"Go to your groups bawal lumipat ng group kaya wag niyo ng balakin dahil per-group is 10 members." sabi ni Caino.
Lahat sila ay nagkakagulo na sa pag punta ng kanilang group. Binuksan ko na yung maliit na papel para makita ko kung anong group ko.
Dahan-dahan ko itong binukla. "Syet!"
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong number 3 yung nakasulat doon. Pumunta ako kay Ky Go.
"Uy ka-group kita Siren." sabi ni Gen. Tumango lang ako, nag start na magbigay ng mga notes. Nakikinig lang ako doon.
Hindi ko mapigilang hindi makatingin kay Kav na nasa tabi lang ng group namin, nagsasalita din siya doon. Hindi naman niya siguro ako natatandaan kaya ayos lang. Nag-focus nalang ako sa mag-explain baka may quiz pagkatapos na at wala akong masungit nakakahiya naman. Lahat kami ay tahimik lang na nakikinig. "Magiging finals niyo ay cooking show required ata sasali lahat." sagot niya sa classmate ko.
Tapos na sila mag discuss kaya pinagsama sama na ulit kami. “I expect naman na may naintindihan kayo."
"Let's try to apply it as an activity ngayon."
We start our practical test, naging magulo iyon pero ang saya naman. Lahat ay nag enjoy pilit ko pa rin na idistansya ang sarili ko kay Kav nanatili akong nanonood sa malayo. Tsaka iniingatan ko din yung nasa leeg ko, hindi ko na itanong kay Osang kung gaano katagal ito bago mawala.
"OKAY THAT'S ALL FOR TODAY GUYS THANK YOU." Caino announced.
Lumapit na ako kila Yen at Wessy. "Ang gwapo ni Legaspi!" kinikilig na tili ni Wessy. Yun yung na assign sa kanila, tuwang tuwa yung dalawa. Nagpunta na kami sa girls bathroom to freshen up.
I felt relieved noong matapos ang PE class. I'm so lucky na walang commotion ang naganap ngayong araw. Mukhang balik na sa tahimik ang buhay ko. Kailangan ko lang itago ito hanggang sa mawala ang ginawang tatak ni Kavien. Hindi naman siguro isang buwan ito bago mawala kaya ko pa naman siguro itago ito hanggang sa mawala. Thankful ako na hindi ako nakita at napansin ni Kavien ngayong araw hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyaring ma-conner niya akong muli. Baka bigla nalang akong hinatayin dahil nasa harapan ko ang ultimate crushie ko pero dapat di ako pahalata kasi nakakahiya naman diba.
Sa section palang namin ay maraming nagkakagusto kay Kavien kaya marami akong karibal nasa paligid ko lang sila. Kaya kailangan kong kumilos ng mapansin niya ako kaso nagdadalawang isip na ako dahil baka maalala niya na ako yung nakapanood ng eating sesh niya last time kaya mag lay-low muna ako sa kaniya baka bigla nalang makahalata kaya dapat onting distansya muna ako mula kay Kavien habang nag aantay akong makalimutan niya.
Bumalik na kami sa classroom. Hanggang sa room namin ay usap usapan padin yung mga seniors na nag sub kay Sir Robin, parang hanggang uwian pa siguro iyon dahil talaga kilig na kilig sila sa mga seniors kaniya. Psh! Nakakainis mga malalandi akin si Kavien Ross ko. Walang aagaw Siren Jewel lang malakas. Nakatunganga na naman kami ngayon. Wala si Mrs. Rental nasa meeting ata kaya wala na naman kameng class tamang tunganga at daldalan na naman ang ganap. Ayaw kasi mag-iwan ng mga gagawin kaysa sa nakatunganga buong subject. Mamaya pag maaga pa pupunta ako kila Osang para maka tambay ako ng saglit. Sana maaga.
Sobrang sakit ng ulo pati na din mga brain cells ko dahil sa inuman namin kagabi jusko. Sabi ko konti lang pero hindi naman nasunod. Ewan ko ba kung anong gagawin ko parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Idagdag mo pa yung kay Kavien Ross o diba ang bongga nakaka stress naman. Matulog nalang kaya ako wala namang prof ngayon para naman makabawi bawi ako ng tulog. Malalagot ako kay tita pang nalaman niyang nag inom na naman ako kahit na may pasok ako, pinapagalitan na naman ako nito. Kaya kailangan okay na ako bago pa niya malaman. Panigurado na katakot takot na sermon ang makukuha ko mula sa kanya.
“Alam niyo ba na nakita daw si Kavien kahapon sa girls locker room.”
Mabilis kong nabuka ang mata sa narinig kong iyon. “Sino raw nakahuli?”
“Si sir Rob ata.”
“Mabuti kung si sir Rob lang kasi kung ibang teachers lagot siya at yung babaeng pinuntahan niya doon.”
“Yeah one of the rules is bawal makikita ang boys na pupunta sa girls locker room ganun din naman ang girls off limits din sila sa boys locker room.”
“Ano namang ginagawa niya doon sa girls locker room?”
“Baka meron na siyang girlfriend.”
“Ay! Sino nga kaya yun?”
Ayan ang mga usap usap ng mga classmate ko. Syet. Nakita si Kavien kahapon. Kinakabahan tuloy ako. Baka nakita din ako. Ayan hindi na naman ako mapakali. Nawala na yung antok ko dahil sa mga narinig ko. Dean's office ako nito pag nakita talaga ako.
Iba na naman ang iniisip ko. Para akong mababaliw. Mula ng mapansin ako ni Kavien ay ganito na ang mga pangyayari sa aking buhay. Tahimik lang ako noon na nakasusunod sa kanya pero ngayon ay magiging magulo na ang lahat.
Paano na lang kung malaman ni tita iyon panigurado mapa-pauwi na ako sa bahay nila mommy at daddy ayoko pa naman doon. Sana ay hindi. Tsaka kakalat sa buong school yun. Then iisipin nila na ako ang lumalandi kay Kavien. Totoo naman na nilalandi ko si Kav kaso pasimple lang.
Tumayo ako at lumakad palabas ng room. Bibili na muna ako ng makakain gutom nako. Nakaka stress mag isip ng mag isip. Apaka naman kasi ni Kavien. Real quick. Nung isang araw tahimik pa buhay ko ngayon magulo na. Sabi ko pa naman dati mapansin lang ako ni Kavien masayang masaya nako. Bakit ngayon stress ako sa pag iisip kung sakaling nakita ako ay paano ako makaka-lusot. Baka hindi na school ng pasukan ko sa susunod mental na ang bagsak ko.
Tumingin muna ako sa paligid baka kasi nandito si Kavien. Iniiwasan ko pa naman siya. Walang bakas ng Kavien Ross kaya lumakad na ako papasok. Nagtungo ako doon sa may counter at tumingin kung anong menu nila today. Masarap din kasi luto dito sa cafeteria ng University na ito. Nakakatuwa dahil worth it naman ang binabayad namin sa food masarap talaga at pasok pa sa budget.
Napangiti ako ng makita kong meron yung favorite ko.
“Good morning.” bati ni ate Bekang.
Nginitian ko siya pabalik.
“Good morning Ate, Hmm isang order ng daing na bangus at garlic rice.” Nag-isip pa ako ng idadagdag.
“Ren baka gusto mo ng cupcake?” tanong niya.
Meron ng cupcake. “Meron na ulit?” pag uusisa ko. Dati naman meron inalis lang kasi hindi naman ganun kasarap.
“Meron na kaka-approved lang sa taas.” nakangiting sagot niya. “Sige hmm isang chocolate slice.” dagdag ko.
Umalis muna sandali si ate para ihanda ang mga order ko. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at paglabas ng pera pambayad. Pagbalik niya dala na nito ang mga order ko.
“Ayan na Ren, pakabusog ka.” nakangiti nitong sabi. Binigay ko na yung bayad ko.
Pero bago ako umalis ay tinikman ko muna ang cake. Pamilyar ang lasa nito sa akin.
“Ate! KM sweets ba ito?” tanong ko.
“Paano mo nalaman.” nagtataka ng tanong nito.
“Doon ako nag-part time.” sagot ko. “Sige na teh kakain muna me.”
Lumakad na ako sa isang malapit na table. Tahimik na kumakain. Mamaya ay pupunta ako kila Osang.
After my last subject. Chill out again.