Muli akong tinawag ng Mc na lumapit doon. Domodoble pa ang t***k ng puso ko. “s**t!” gulat na sabi ni Bolt. Kahit sino naman ang makakita kay Kaizen ay malalaman na si Kavien ang ama ng batang iyon. “Come here Ms. Siren.” Alanganin akong tumayo ay lumakad pa tungo doon. I need to calm down. Collect myself. Hindi ko alam ang gagawin ko blanko ang isip ko hindi ko alam ang gagawin ko. Maka akyat ako doon ay tanaw na tanaw ko si Kavien hindi ko maipaliwanag ang itsura ng kaniyang mukha ng mga oras na iyon. Galit, gulat at hinanakit. Eto na ang araw na kinatatakutan ko na mangyari. Ang malaman o makita ni Kavien ang kaniyang anak sa akin. Tagal kong tinago at iningatan na hindi malaman o makarating kay Kavien ang totoo. Kalanan ko ba na gusto ko lang na protektahan ang mga anak ko sa k

