I don’t know what to do. Nablanko na ako bakit ba humantong sa ganitong tagpo. Kailangan ko mag stand para sa anak ko ayaw ko mag karoon pa siya ng mas maraming tanong patungkol sa kaniyang ama. Dapat lakasan ko ang aking loob upang magawa ko ang bagay na iyon. Lumapit ako kay Kavien na yakap si Kaizen. “Baby go to your Kuya, later we will talk.” malumanay kong sabi. Tumingin siya sa akin na may pag tatanong. Alam ko at madalas kong naririnig ang pag tatanong niya kay Dekdek kung anong itsura ng ama nila. She wants to have a dad with her. Alam na alam ko iyon. Si Daddy lang naman kasi ang bukod tanging naging daddy figure sa kanila mula noon hangang ngayon. “Nanay I want tatay.” pag mamakaawa niyang sabi. s**t! She don’t deserve to beg for her dad. She has all rights. “Okay okay

