LATE na natapos yung party. Syempre sino paba ang mga natira. ABCDE ang mga malalakas uminom ng malala. Si Kavien naman todo ang dikit sa anak namin. Masayang masaya naman si Dekdek at Kaizen. Nakikipag bonding din ang mga kaibigan namin sa mga anak ko. Gulat na gulat ang iba na may anak pala ako at dalawa pa. “Masaya ako dahil alam na niya.” sabi ni Wessy. “Look at them ang saya saya nilang tignan.” Tama ang sinabi niya masaya nga ang mga ito havang kinakausap ni Kavien. May kung ano ang humaplos saking puso habang pinapanood ang tagpong iyon. “Tangina iba talaga si Ross!” pang aasar ni Luvien na epal. Pinukol ko nga siya ng masamang tingin. Kahit kailangan panira ng moment. “MARUPOK YERN?” tawang tawa namang pang aasar ni Wessy. Ayan tag team na naman ang dalawang alaskador ng malal

