Pag akyat ko sa kwarto ay naligo na ako dahil malagkit na ang pakiramdam ko at nakakairita. Nanatili ako doon habang iniitay si Kavien dahil tatawagin niya naman ako para mag paalam kung uuwi na siya kaya’t nilibang libang ko muna ang sarili ko. Nilalabanan ang antok na nararamdaman ko. Mas nanaig ang antok hindi ko na namalayan na nakatulog ako dahil habang iniintay ang pag akyat ni Kavien para mag paalam na uuwi. Nagisingan ko na lang ng may naramdaman ako yumayapos sa akin ng yakap. “Hmm ang bago mo naman baby.” sabi niya sa aking tainga. Naamoy ko ang alak sa kaniya. Hinalikan niya ako sa leeg ko. Kumakalat na sa buo kong sistema ang matinding init dala ng labi ni Kavien. Naglulumikot na din ang kaniya kamay sa akin katawan. “Uhmm Kav— Para papuputol ang hininga ko dahil sa gina

