Chapter 6 Eunice's POV Kinabukasan ay hindi talaga ako laumabas ng bahay. Magkukulong muna ako hangga't ' di pa naayos ang problemang pinasukan ko. Grinounded muna din ako ni mama. Sinabi niya na mas makakabuti kung di muna ko magpapakita para hindi nila ako pag initan. Kaya jusko nagsisisi talaga ako kung bakit niyakap ko pa si Paolo that time. Tinakip ko ang mukha ko ng unan. Wala akong ginawa kung hindi mag muk-mok ng mag muk-mok. Wala pa kong lakas ng loob na gumala ngayon, baka kasi kuyugin ako ng mga madlang people. Binuksan ko nalang ang TV. Saktong-sakto naman na pagmumukha ko ang bumulaga sa kin. Nagulat ako nang mag-explain sa media si Paolo. Sinabi niya na wala naman daw yung yakap na iyon. Sinabi niya na dati kaming magkababata. Nakita niya lang daw akong pakalat-kalat ma

