Ano ba talaga ang depinisyon ng love? Ang problema kasi sa akin ay nagmahal ako ng wagas na animoy walang natira para sa sarili ko. Labag man sa kalooban ko na sukuan siya ay wala akong magagawa, dahil bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya gayong nalaman ko na ang totoo? Kaya ko pa ba silang paniwalaa? Kaya ko pa kaya? Sila na ang nagbigay sa akin ng rason na tigilan na sila, na palayain na siya at gawin ang gusto niya sa taong talaga namang nagugustuhan niya. Nakarating na akong Korea, at si Treyton ang sumalubong sa akin dito sa Airport. "Babe, What brought you here babe", aniya at sinalubong ako ng matamis na yakap at halik sa noo. "Nandito ako para umihi, babalik rin akong Pilipinas", pamimilosopo ko. "Tatawa na ba ako babe?",nakangiting aniya. "Try mo umiyak".

