Malaking bagay ang pagpapakasal. Pinag-iisipan at pinagpaplanuhan ito nang mabuti. Kaya kahit ako ay nasurpresa nang madali kaming nagkasundo ni Zavier na magpakasal. Kung gaano kakumplikado ang buhay namin, ganun kasimple ang naging desisyon namin tungkol sa kasal. At kakambal ng desisyong ito ay dedikasyon kong bigyan ito ng proteksyon laban sa kahit anong bagay na maaaring makasira rito… “Seryoso ka ba, ate? Pinapaalis mo ‘ko rito?” hindi makapaniwalang tanong ni Andeng; kita sa mga mata niya ang pangingilid ng luha. Agad akong nag-iwas ng tingin para ‘di na tumindi pa ang kirot sa dibdib. Hindi naging madali para sa ‘kin ang desisyon ko pero pinag-isipan ko ito nang mabuti. Nasa sala kaming tatlo, kasama si Zavier. Kakatapos lang namin mag hapunan. Ipinaalam namin ni Zavier kay

