Ginupit ko ang ribbon sa harap ng pinto ng LUMINA bilang markahan ang opisyal na pagbubukas ng bookstore ko ngayong araw. Sa harapan ko’y nakapalibot ang mga taong eksklusibong imbitado na agad nagpalakpakan. Ngunit dahil sa kaba, habang nagbibigay ng maigsing mensahe ay nadaanan lang sila sandali ng mga mata ko. Napako ang tingin ko kay Zavier na mataman akong pinagmamasdan. "Zavier recommended the name LUMINA for our bookstore nung halos mabaliw na ‘ko kakaisip.” Natawa ng mahina ang ilan; kasali na si Andeng na may ideya sa mga pinagdaanan namin. Every day before this one wasn't easy, but Zavier made it easy. “Gusto ko kasi ng pangalang simple pero elegante– ‘yung ‘di lang basta tindahan ng mga libro ang ibig sabihin. Tanda ko pa ang paliwanag ni Zavier noong nirekomenda niya ito…LUMI

