Mas lalong binalot ng nakakabinging katahimikan ang main hall. Ramdam ko ang bigat ng tingin nilang lahat sa akin, parang naghihintay ng sagot – o sa pwedeng gawin sa ‘kin dahil lang sa pagtatanong ko. Pero nagpakatatag ako. Hindi ko inalis ang tingin sa harapan. Bahagyang yumuko si Pietro, tila may aliw sa ekspresyon niya nang marahang umiling. Naglaho nga lang ito kaagad nang muli siyang nag-angat ng tingin sa lahat. “We only do lockdowns for emergency situations.” May bigat sa bawat salitang binitawan ni Pietro, sapat para manginig ang sistema ko. “Recently, I heard an interesting story—there has been a leak in our operations.” Nagkatinginan ang lahat, halata ang pagkabigla sa mga mukha nila. Parang may tumapik naman sa ‘kin. Naalala ko ang maigsing engkwentro nina Iza at Pietro k

