Déjà vu ba ito? Parang nangyari na kasi sa ‘kin ang sitwasyong ito noon. Sabagay, ganitong-ganito rin ang pakiramdam ko noong pinagdudahan ko sina Zavier at Andeng dahil sa pagpunta nila sa hotel nang magkasama. Tanda kong pinag-isipan ko sila ng masama pero may surpresa lang pala silang inihanda para sa ‘kin. Ang pinagkaiba lang kasi ng sitwasyon ngayon kaya hindi maganda ang pakiramdam ko, malaki ang posibilidad na may kinalaman si Pietro rito. Kaya naman pilit kong kinumbinsi ang sarili na si Pietro lang ang kontrabida sa buhay namin hanggang sa marating ko ang kwartong pinasok ng dalawa sa larawan. Natigilan ako sa harapan ng pintong naabutan kong hindi nakasarado. May daga man sa dibdib, huminga ako nang malalim at tsaka ito dahan-dahang pinasok. Maingat akong naglakad papasok a

