Chapter 88 (Part 3)

1337 Words

Hindi ko inakalang makakabalik pa ulit kami ni Zavier nang magkasama sa kanyang isla. Tanda ko na noong una naming punta rito, papalubog ang araw habang sakay kami ng yate. Nakakatuwa dahil ngayon naman ay naabutan naming papasikat ang araw. Pagkatapos ko kasing mag-aya, bumyahe kaagad kami at hindi na natulog pa. Huminga ako nang malalim, nilanghap ang sariwang hangin, habang tanaw ang malawak na dagat. Napayakap ako sa sarili nang tila umihip ang malamig na hangin sa balat ko. Ngayon ko mas napagtantong totoo ang nakikita ko, na hindi ito panaginip o kathang-isip lang. Ilang minuto rin ang lumipas nang may telang pumatong sa balikat ko. Paglingon, nakita kong papaupo si Zavier sa tabi ko kaya tipid akong napangiti. Binalot ko pa sa sarili ang kumot na binigay niya sa ‘kin. Naalala k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD