Malakas ang kabog ng dibdib ko pagpasok sa gusali. Sinalubong ako ng mapagpanggap na ngiti ng receptionist. Parang kahit sino yata ang maabutan ko rito, iisa ang ekspresyon ng mukha. Para makapasok, karaniwang ipinapakita ang tattoo na simbolo ng mafia group. Maaari ring badge ang gamitin—ito ang una kong ginamit noon. Kalaunan, dahil kay Zavier, nakalalabas-pasok na ‘ko sa headquarters nang hindi hinihingan ng identification. Inabot ko ngayon ang luma kong badge na hindi pa rin binabawi ni Zavier. Sinadya kong dalhin ito para mas madali akong makilala. Matagal na rin kasi mula noong huling punta ko rito, at hindi ako sigurado kung papapasukin pa nila ‘ko. Nagpabalik-balik ang tingin ng receptionist sa badge at sa mukha ko. Bahagyang kumunot ang noo niya, kaya hinigit ko ang hininga ko.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


