Sumama ako kay Pietro. Marahil malaking pagkakamali ang desisyon ko para sa iba pero mas magandang harapin ko agad ang kalaban imbes na paulit-ulit ko itong takasan. Magandang pagkakataon na rin ito dahil ngayon, malalaman ko ang sitwasyon base sa kanyang pananaw. Hindi ko na kailangan pang manghula at matakot sa pwede niyang gawin. Sabi nga sa nabasa ko noon, keep your friends close and your enemies closer. Ayon nga lang, dahil sa desisyon ko ay hirap akong huminga habang nakasakay sa kotse ni Pietro. Magkatabi kami sa likuran, habang may dalawang tauhan siya sa harapan, ang isa’y mabagal na nagpapatakbo ng sasakyan. Walang nagsasalita sa amin. Kahit si Pietro ay kanina pa tahimik. Nakatingin sa bintana, hindi ko naman mapigilan ang paglipad ng isip ko dahil kay Andeng. Hindi ako mak

