masyado syang malapit sakin nung inabot yung bandaid and anyway he has piercing, also. one of the things i hate about boys, a PIERCING and TATTOO. but he don't have tattoo.
"damn, don't expect. pinaabot lang 'to ni Brix. "
as if nag e-expect ako..
"di ko na kailangan okay na yung kamay ko" sabi ko at tinalikuran sya ngunit tinawag nya pa ulit ako "ano na naman?"
lalo syang lumapit sakin at doon ko na napagtanto ang sobrang katangkadan nya at masasabi kong hanggang balikat nya lang ako.
pinagmasdan ko sya
he was wearing black pants and white polo shirt with the logo of our school, may suot syang sumbrero at bumagay naman ito sa kanya. sakto lang ang kulay ng balat nya hindi masyadong maputi at hindi rin masyadong maitim, makapal ang kilay nya at isa yon sa dahilan upang magmukha syang masungit pero masungit naman talaga. pinagmasdan ko ang sapatos nya, it was high cut and limited edition of Jordan.
"tama na ang pagtitig, masyado kang napapasarap" napatigil ako sa sinabi nya
"k-kapal naman n-ng mukha mo" tinalikuran ko na sya at itinuloy na ang paglakad
"hoy! ribbon mo.. nahulog." lumingon pa ako sa kanya at kita ko na pinulot nya ang color pink ko na ribbon sa buhok
kinuha ko ito sa kanya at hindi na nagthankyou dahil naaalala ko pa rin yung ginawa nya sakin kanina dahil sa gitara
bwisit sya
nakauwi na ako sa bahay at agad na humiga sa kama ko
rest is everything
kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll na lang sa sss and ig
gusto ko maglabas ng sama ng loob sa twitter pero ayoko.. mas gusto ko sa sss
Keira Deniz Bernardo
tamgina naman ba't nyo ako sinuggest as a g10 representative sa battle contest? wala akong talent hoy
binaba ko ang cellphone ko at nag isip at nam-mroblema sa contest na 'yon, anong gagawin ko? putangina
sasayaw ba ako? pero tigas naman ng katawan ko
kakanta ba ako? pucha, boses palaka naman ako
magpauto lang naman sa lalaki ang talent ko
inopen ko ulit ang sss ko at nakareceive ng maraming notification
Bela Lisco commented on you post
Rix Suarez commented on your post
Mika Janis commented on your post
Brix Suarez commented on your post
tiningnan ko ang mga comments
Keira Deniz Bernardo
tamgina naman ba't nyo ako sinuggest as a g10 representative sa battle contest? wala akong talent hoy
Bela Lisco : ayaw mo pa ba? ako na papalit whwhahaha kidding
Rix Suarez : desurb
Mika Janis : you're so pretty po kasi..
Brix Suarez : kiss muna
tangina naman
Jaril De Vera commented on your post
nagulat ako sa bagong notification na natanggap
ba't nya nakita post ko? alam kong nakapublic pero is he stalking me?
Keira Deniz Bernardo
tamgina naman ba't nyo ako sinuggest as a g10 representative sa battle contest? wala akong talent hoy
Jaril De Vera : oa mo
tangina, ako pa naging oa?
andaming nagreply sa comment ni Jaril
alam kong hearthrob sya sa school pero pati ba naman sa comment nya sa post ko e lalabas mga fangirl nya
tangina, ingay tuloy ng cellphone ko.
tinawag na 'ko ni Mommy para kumain
kumain kami nang sabay pero wala akong gana at napansin 'yon ni, Mommy.
"what happened?" tanong nya
"mommy, sinuggest nila ako sa battle contest as a representative ng g10" sabi ko at biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Mommy
"naks.. i'm so proud of u, anak. so, what's bothering you?"
gosh
"mommy.." naiinis na saad ko "nahihiya ako, ayoko sa maraming tao lalo na't kapag alam kong mapapanood nila ako"
"sus, nung nagpunta ako sa school nyo kita ko ang pagtingin sayo ng mga estudyante" nang aasar na sabi ni Mommy
"iba 'yon, mommy. basta nahihiya ako" tinapos ko muna ang pagkain ko at umakyat na sa kwarto
i want to rest because this day is tiring.
>>
hinatid na 'ko ni Daddy sa school pero sabi ko ay lalakarin ko na lang dahil kaya naman ngunit sabi nya ay ihahatid na lang daw ako dahil di ko rin naman daw sya nakita kagabi dahil busy sa trabaho, kaya pumayag na ako.. tsaka wala naman akong magagawa.
"bye, daddy!" paalam ko
"bye, nak.."
naglakad na ako papunta sa room namin at patuloy ang pangungulit ng mga classmate ko pero di ko sila pinapansin
"famous, yarn?" biro ni Bela nung di ko sya pinansin
pinipigilan ko ang hindi tumawa
KD, pigilan mo. tandaan mong inilagay ka ng mga 'yan sa sitwasyon na hindi mo gusto.
"hoy.. andyan si Jaril! hihuu pogi" rinig kong sabi ni Jessie na kaklase ko
napalingon ako sa sinabi nya at kita ko ngang andon si, Jaril.
"pucha.. landi" sabi sakin ni Rix at hinampas ko sya at tumawa naman sya habang ako ay naiinis
"where's, Deniz?" nagulat ako nang bigla akong hanapin ni Jaril
hala.. bakit?
rinig ko ang pang aasar sakin ng mga kaklase ko pero di ko sila pinapansin
hinila nya ang kamay ko at napataas ang kilay ko at pilit na inaagaw ang kamay ko na hawak nya
baka kung ano pang isipin ng mga tao..
"bitawan mo nga ako" naiinis na sabi ko
"ayoko" ayon lang ang tanging nasabi nya
"feeling close" pabulong na sabi ko
"close naman tayo, ah?" inilapit nya ang mukha niya sa akin dahilan para mapatigil ako
masyado syang malapit
"lumayo ka nga" masungit na sabi ko at finally binitawan nya na ang kamay ko
kita ko ang pagkatuwa sa mga mata nya at ang pag ngiti mula sa labi nya.
lalo syang gwapo kapag nakangiti
dinala nya ako rito sa hall at kami pa lamang dalawa ang narito
"oh, ano namang gagawin natin dito?" tanong ko at umupo sa upuan
"secret" natatawang sabi nya
tangina
nagbibiro ba 'to or what
"ano nga?" naiinis na tanong ko ulit
"secret nga.. kulit naman" nawala ang ngiti sa mukha nya nang sabihin niya iyon
hinawakan nya ulit ang kamay ko ngunit agad din na binitawan iyon nang biglang dumating si, Brix.
"dito ka lang" hinawakan nya ang dalawang balikat ko at pinaupo "wag kang aalis dyan" utos nya at pumunta kay Brix at nag usap ang dalawa
kita ko ang pagtawa ni Brix habang si Jaril naman ay nakasimangot
napatingin sya sa akin
hindi ko alam kung ba't ako sumunod sa kanya na hindi umalis dito kahit gustong-gusto ko na umalis
nasa hall pa rin ako kung saan iniupo ako ni Jaril
nag uusap pa rin ang dalawa at halata ang pang-aasar ni Brix kay Jaril
kita ko naman ang pag ngiti ni, Jaril.
handsome
papalapit na sakin si jaril
"buti naman di ka naging pasaway" iyon agad ang sinabi nya nang makalapit sa akin
tumayo na ako..
"wow. anong tingin mo sa 'kin, bata? hindi naman ako bata para magpasaway" mataray na sabi ko at kita ko pa ang nang aasar nyang ngiti at may sinabi ngunit hindi ko narinig
"daldal mo naman, sige na umupo na tayo. " umupo sya at parang naghihintay na umupo rin ako
"ano ngang gagawin natin, dito?" naiinis na tanong ko na naman
hinawakan nya ang gilid ng bewang ko at siya na mismo ang nag upo sakin sa upuan na katabi nya
kinuha nya ang gitara na pinag awayan namin kahapon
"i'll teach you.."
and that simple words coming from him is have a huge impact on me
✧◝◜✧