CHARM's POV Ngiting-ngiti ako nang pagkagising ko ay mukha ni Atty. Xavier ang agad na bumungad sa aking mga mata. Napakaamo at napaka fresh ng itsura n'ya kahit umaga na! Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili kong itsura. Pasimpleng kinapa ko ang gilid ng aking mga labi at chineck kung may muta pa ako. Nang makuntento ay binalik ko ang titig sa mukha n'ya. Nakadapa s'ya pahiga sa kama at halos nakayakap na sa akin. Ang kanang kamay n'ya ay nakayakap sa aking tyan at nakatagilid ang ulo at nakaharap sa akin. "Ang gwapo talaga, e. Boyfriend na ba talaga kita?" mahinang bulong ko at naiiling. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kahit ako ay hindi ko akalaing sasagutin ko na agad s'ya kagabi. Nadala ako sa gatas at sandwich ng damuhong 'to! Nakagat ko ang ibabang labi nan

