Message

2033 Words
CHARM's POV Panay ang sapak ko sa balikat ni Arcie nang palabas na kami ng bahay para ihatid si Atty. Xavier sa labas. Pagkatapos mananghalian ay nagpahinga lang siya ng konti habang nakikipagkwentuhan kina Nanay at Tatay bago nagpasyang umuwi. At itong magaling kong bestfriend ay kanina pa ako kinukulit tungkol kay Attorney. Kanina habang kumakain kami ay nahuhuli ko siyang panay ang titig kay Attorney Xavier lalo na kapag ngumingiti ito at bumabalandra ang malalalim na dimples sa pisngi. Panay ang sipa ko sa'kanya sa ilalim ng mesa sa tuwing matutulala siya sa mukha ni Attorney. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. "Wala ba talagang kapatid yan, Bes? Kahit kapatid sa labas, papatulan ko na..." muling bulong nanaman nito. Natatawang naiiling ako habang mahinang sinasapak ang pisngi niya at inilalayo ang mukha niya sa akin. Nakaakbay siya sa akin at kanina ko pa siya tinutulak tulak pero hindi talaga siya bumibitaw. Napapatingin na si Atty. Xavier sa amin at kumukunot ang noo. "Kung alam ko lang na may ganyan ka-gwapong abogado, sana nag-law nalang din ako, Bes... s**t, Bes! Ngumingiti pa! Hawakan mo ovary ko! Malalaglag yata pati matris ko dahil sa ngiti ng isang 'to!" muling bulong na naman niya. May sinabi kasi si Nanay kay Attorney kaya natawa siya ng mahina at labas nanaman ang mga dimples niya. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Atty. Xavier nang muling mapatingin sa amin. Hinarap ko si Arcie at binulungan din. "Wala kang matris, gaga! Puro itlog lang ang pwedeng malaglag sayo!" bulong ko at ngumisi nang makita siyang nag-pout. Tinulak ko ang mukha niya. Narinig ko ang tikhim ni Atty. kaya napaharap na ako sa'kanya. Lumalapit na siya sa kanyang kotse at nagpapaalam kina Nanay at Tatay. "Charm, uuwi na si Attorney! Halika nga muna rito!" rinig kong sigaw ni Nanay. Agad naman akong lumapit sa tapat ng kotse niya at iniwanan si Arcie. Ang harot talaga ng baklitang 'yon! Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin at sa aking likod. Hindi ko alam kung nahahalata ba niyang pinagpapantasyahan siya ni Arcie dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa amin. Pumasok na siya sa kotse at muling tinignan kami sa bintana. "Mauna na po ako..." nakangiting paalam niya kina Nanay at Tatay. "Sige ho, Attorney! Pakisabi na lang ho sa Lola niyo na salamat sa mga pinadala niyang prutas!" sagot naman ni Nanay. Tumango lang si Atty. at ngumiti bago binaling ang atensiyon sa akin. "Uh... Ingat sa pagdadrive, Attorney.." sabi ko. Nakita kong tumitig na naman siya sa akin na parang may gustong sabihin. "Thanks..." sagot niya pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko. "May... sasabihin ka pa ba, Attorney?" tanong ko at lumapit ng konti sa bintana ng kotse niya. Napakurap naman siya at saka ginalaw ang kamay na nakapatong sa manibela. "Nothing..." sabi niya pero nakatingin pa rin sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit ba ayaw niya pa rin umalis? "Okay po. Ingat ulit!" sabi ko at kumaway. "Thanks... again." sagot naman niya pero hindi pa rin umaalis. Napakamot na ako sa ulo. Nakita kong kinagat niya ang ibabang labi bago nagsalita ulit. "Ah, Charm...." tawag niya. Nag-angat ako ng kilay. "Po?" "See you tomorrow..." sabi niya at nagkamot sa batok. Shit! Kailangan magpa-cute? "Syempre naman, Attorney. See you!" sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti. Nakita ko pa ang buntong hininga niya nang paandarin ang kotse. Tumango at kumaway pa siya kina Nanay bago tuluyang umalis. Napailing ako. Ang weird talaga ng lalakeng 'yun! "May hindi ka sinasabi sa'kin, gaga ka!" biglang tili ni Arcie nang makaalis na si Atty. Xavier. Sina Nanay at Tatay ay nauna ng pumasok sa loob. Kami naman ay tumuloy sa gawi ng swing malapit sa bahay at doon umupo. Kunot noong nilingon ko siya. Ngayon ko lang napansin na may nag-iba sa'kanya. Lalo siyang nagmukhang lalaking lalaki dahil sa clean cut niyang gupit. Sanay ako na pang kpop ang itsura ng buhok niya dahil mas bagay sa'kanya iyon at nahihighlight lalo ang pagiging Koreano nito. Yes, Arcie is pure korean. Parehong Korean ang mga magulang nito na ngayon ay parehong nasa Korea at may sari-sarili ng pamilya. Fix marriage ang nangyari sa mga magulang niya kaya naman nang ipanganak si Arcie ay naghiwalay rin agad ang mga ito. Ang Lolo at Lola niya ang nagpalaki sa'kanya na parehong Korean din pero sa Pilipinas na nanirahan dahil sa business nilang Korean restaurant sa Baguio. Tandang tanda ko pa kung paano ko siya nakilala. Magmula ng mawala si Kuya ay palagi na akong tumatambay sa harapan ng malaking bahay na sinabi niyang pangarap niyang ipatayo para sa amin. Sila Arcie ang may ari ng malaking bahay na iyon. Nang minsang tumambay ako doon ay nakita ko si Arcie. Umiiyak siya at tinutukso ng mga kalaro. Sinasabihan siya ng mga kalaro niya ng putok sa buho dahil wala daw itong mga magulang. Nagkataong kakilala ko ang mga batang nanunukso sa'kanya kaya dali dali ko silang nilapitan at pinauwi. Sinabihan ko na rin silang wag na nilang tutuksuhin si Arcie dahil kung hindi ay ako ang makakalaban nila. Mula noon ay naging magkaibigan na kami. Tuwing pupunta ako sa Baguio para magbakasyon ay palagi ng siya ang kalaro ko. Hanggang sa magbinata siya at magdalaga na ako, este, magdalaga kaming pareho ay nanatili ang pagiging magkaibigan namin lalo na nang inamin niyang pusong babae siya. Sa totoo lang ay nakakapanghinayang ang kagwapuhan niya at katawan. Maraming napepeke sa'kanya. Pero nanatiling lihim ang kasarian niya. Ayaw kasi niyang bigyan ng alalahanin ang Lolo at Lola niya. At ngayon nga ay halos dalawang taon siyang nawala dahil sa pagvovolunteer niya sa Korea para sa kanyang military service. Required yata ang mga Koreano na gawin iyon. Kahit naman dito siya sa Pinas namamalagi ay Korean citizen parin siya at umuuwi siya doon dalawa hanggang tatlong beses sa isang taon para dalawin ang mga kapatid niya. "Hoy, Bes!" untag niya sa akin na nakapagpatigil sa pagmumuni muni ko. Kumunot ang noo ko at hinarap siya. "Ano?" tanong ko. Umikot ang mga mata niya at hinawi ang maikling buhok. Napangiti ako. Mukhang hindi siya sanay sa gupit niya dahil hindi naman talaga iyon ang style na gusto niya. Mukhang napilitan lang itong magpagupit ng ganun dahil sa pagvovolunteer nito. "May hindi ka kako sinasabi sa akin! Walanghiya ka! Umalis lang ako ng halos dalawang taon, natengga narin ako sa lovelife mo, gaga ka! Anyare? Sino 'yung gwapong abogadong 'yun, ha? At bakit kayo magkasama? Saan kayo galing?" sunod-sunod na tanong nito. Inangat ko ang kamay ko para pigilan siya. "Bes, isa isa lang, pwede? Alam kong matagal kang nawala pero utang na loob at labas! Hindi natin kayang mag-catch up sa loob ng isang araw! Kaya hinay hinay, okay? Kalma!" sabi ko. Nakita ko siyang umismid at tumikwas ang mga daliri. "Fine! Gora na! Kwento!" medyo patili pang sabi nito. Natawa ako. Kung titignan talaga ito ay parang nagjojoke lang na bakla dahil mukha talaga siyang hindi bakla. "Una sa lahat, wala akong lovelife, gaga ka! Alam mo namang ilang taon na akong single mula ng na-trauma ako sa sinabi ng punyetang Rey na 'yun na manyak pala! May pa "It's not you, it's me..." pa siyang nalalaman, yun pala natigang lang siya mula ng maging kami!" sabi ko. Tumawa naman si Arcie. Natatandaan ko pa kung paano niya tinadyakan sa balls si Rey nang malaman niyang niloko niya ako. "At 'yung pinagpapantasyahan mo kanina pa ay Boss ko 'yun, Bes! Legal secretary na ako sa isang sikat na Law firm diyan sa bayan. At kaya siya nandito ay hinatid niya ako dahil galing kami sa resthouse ng Lolo't Lola niya sa Tagaytay..." mahabang kwento ko. Tumaas naman ang kilay niya. "Anong ginawa niyo sa Tagaytay? Wag mong sabihing ninotaryuhan niyo lahat ng mga lakes at bulkan doon!" sarkastikong tanong nito. Oo nga naman, anong gagawin ng isang sekretarya sa lugar ng iyon? Tinaas ko ang kamay ko at nagpasyang ikwento sa'kanya lahat pati na rin ang pagpapanggap na ginawa namin ni Atty. Xavier. Kung hindi nanlalaki ang mga mata ay nalalaglag ang panga niya habang kinukwento ko ang mga pangyayari kasama na rin ang mga nangyari sa Tagaytay pwera syempre 'yung kiss dahil alam kong sasakalin ako ng baklitang ito! "Naku, naku, naku! Alam ko ang kinakahinatnan ng pagpapanggap na yan, Charm! Hindi yan makakabuti sa ovary mo! Baka mabanat yan ng di oras at lumobo!" nanlalaki ang mga matang sabi nito. Alam kong kahit medyo pabiro ang ginagawa niyang pagpapaalala ay seryoso pa rin siya lalo at tinatawag na niya ako sa pangalan ko. Tumawa ako ng pagak at umiling. "Hinding hindi yan mangyayari, Bes! Kilala mo naman ako. Hindi ako magiging virgin ng 26 years kung madali akong bumigay sa tawag ng laman!" sagot ko. Kitang kita ko ang seryoso niyang tingin sa akin. "I know, I know! Alam ko namang hindi ka nakukuha sa basta looks lang! Alam kong weakness mo ang mga lalaking may substance kumbaga. Yung tipong kahit walang itsura basta matalino at maabilidad, di baleng mula ulo mukhang paa basta matalino at maalaga, pwede na!" palatak nito. Ang lakas ng tawa ko at hinampas siya sa braso. Bwisit talaga 'tong baklang 'to! Aware ba siyang nilait niya ngayon ngayon lang si Rey? "Sino ba yan? Tao ba yan?" pagsakay ko sa sinabi niya. "Dati..." sagot niya. "Hayop na ngayon?" tanong ko. "Oo, oo!" palatak niya. "May jowang bisugong rabbit?" nakangising tanong ko. Tumawa siya. "Oo, oo! Yes!" "Si Rey ba yan?" nakangising tanong ko. Ang lakas ng tawa niya. "s**t ka, Bes! Ang bitter mo! Sigurado akong nagkada samid na 'yung ex mong 'yun dahil sa ka-bitteran mo, Leche!" natatawang sabi nito. Nagtawanan kami pareho hanggang sa magseryoso ulit siya maya maya at napunta na naman ang usapan kay Attorney Xavier. "Pero, Bes... iba talaga 'yung tingin niya sa'kin kanina, e..." sabi nito. Tumawa ako. "Baka naman type ka?" tukso ko. Umiling naman siya kaagad at nilinga ako. "Hindi, Bes..." sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko. "E, ano?" tanong ko. "Mukhang galit, e..." nanliit ang mga mata niya sa akin. Tumaas naman lalo ang kilay ko. Galit? At bakit naman siya magagalit, Aber? Luka-luka talaga 'tong baklang 'to! "Sus! Ganun lang talaga iyon tumingin minsan. Mukhang galit sa mundo..." sabi ko. "Mukhang nagseselos?" sabi naman ulit nito at tumitig sa akin. Napatitig na rin ako sa'kanya at kumunot ang noo. Nakatingin siya ng makahulugan sa akin kaya wala sa sariling napalunok ako. Agad kong binuka ang bibig para magsalita pero inunahan niya ako. "Haba talaga ng hair mong bruha ka!" sabi nito sabay hablot sa buhok ko. Pinalo ko naman ang kamay niya. "Aray ko, punyeta kang bakla ka! Wag mong pagtripan 'tong buhok ko porke't maikli lang yang buhok mo!" "Tse! Wag mong ibahin 'yung usapan!" nakangising sabi nito na tila nanunukso. "At kanina, ha? Ang tagal magpaalam. Mukhang kung wala lang kami nina Tita hahalik pa, e! Sus! Ano? Hindi makaget over sa pagpapanggap niyo? Gusto ko nangang sumigaw ng 'Haller?! Nasa Manila na kayo, wala na sa Tagaytay! Single na kayo ulit!' Hmp! Kaloka!" mahabang sabi nito. Nakatitig lang ako sa'kanya habang sinasabi niya iyon. Tsk! Oo nga at mukha siyang ewan kanina na ang tagal umalis pero hindi naman sumagi sa isip ko 'yung mga ganung bagay. Ito talagang si Arcie, assumera din minsan, e! "Gaga! Siniguro lang niyang papasok ako bukas dahil paniguradong tambak ang trabaho sa opisina!" sabi ko. Nakita ko naman siyang umismid at ngumisi. "I really don't think so, Bes! Bakla ako pero alam ko naman 'yung mga ganung tingin ng mga lalake, ano!" pahabol na sabi pa nito. Umiling ako at hindi nalang pinansin ang sinabi niya. Biglang tumunog ang phone ko. "Ewan ko sa'yo! Jetlag lang yan!" sabi ko pa sa'kanya bago tinignan ang phone ko at basahin ang kung sinong nagpadala ng message. Kumunot ang noo ko nang makitang galing iyon kay Atty. Xavier. Atty. Sunget: I'm home. Ilang sandaling natulala ako sa screen ng phone ko. Pagkatapos ay napalunok ng sunod-sunod. Bigla akong kinabahan at hindi ko malaman kung bakit at para saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD