Katawan

1449 Words
XAVIER's POV Pumayag si Lola na umuwi kami pagkatapos kong sabihin 'yung dahilan. Mr. Villaluz was one of my biggest client. I am handling all the legal issues of his companies. Kaya hindi pwedeng hayaan ko na lang 'yung nangyari sa kanila ng asawa niya. Kung tama ang hinala ko, I wanna make sure that those person behind their death will rot in jail. "When are you coming back here, then? Hindi pa na-enjoy ni Charm 'tong place." sabi nito. Napakamot ako sa batok. Kanina niya pa bukambibig si Charm. She's in our room and probably packing her things. "It depends, 'La. Aayusin ko lang 'tong kaso ni Mr. Villaluz and then we will visit you again." sagot ko na lang para matigil na siya. Sumimangot siya. "I wanna talk to Charm. Baka mamaya kapag bumalik ka doon, puro ka na naman trabaho at kalimutan mo na itong sinasabi mong pagbalik!" umirap siya at nauna ng maglakad papunta sa kwarto. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa'kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto. Charm is packing her things when we arrived. Kumunot ang noo ko nang makita kong pati mga gamit ko ay inaayos na niya. "Saan 'yung mga marurumi mong damit-" Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang dalawa kami ni Lola na pumasok sa kwarto. Agad na nilapitan ko ang kama para ituloy ang ginagawa niyang pagliligpit sa mga gamit ko. "Lola... kasama po pala kayo..." sabi niya na bahagyang nilingon ako. Halos okay na lahat ng gamit ko. She packed it very well. Maayos na nakalagay sa bag lahat. Lumapit si Lola at niyakap siya. "Babalik ka pa naman dito, 'di ba, Charm?" rinig kong sabi ni Lola sa'kanya. Nakita kong tumingin siya sa akin na para bang nagpapatulong sa pagsagot. Lumapit ako sa'kanya at hinawakan siya sa beywang bago hinarap si Lola. "Of course, Lola... Ipagpapaalam ko ulit siya sa'kanila next time. Kailangan lang talaga namin bumalik sa Manila. After that, babalik ulit kami dito. Besides, hindi pa nakakapamasyal si Charm. Right, Honey?" Nakita kong tumango siya at ngumiti kay Lola. Hinawakan pa niya ang kamay ng Lola ko. "Opo, Lola... babalik kami kaagad. Kantahan ulit tayo nila Lolo!" masayang sabi niya. Kitang kita ko ang excitement sa mukha ni Lola nang sabihin niya iyon. "Talaga? Next week, then?" sabi pa nito. Napailing naman ako. "Lola, we can't decide for now. We will just inform you if-" "No, Xavier... Si Charm ang magsasabi sa akin kung tapos na ang trabaho niyo. I know how workaholic you are!" pairap na sabi nito at hinarap ulit si Charm. Napakamot ako sa batok. Narinig ko ang tawa ni Charm. Tumaas ang kilay ko. "I'll call you everyday, ha, Hija?" sabi pa nito kay Charm. Natatawang tumango naman si Charm. "Sure po, Lola. Tawagan niyo lang po ako kapag naiinip kayo dito. Wag po kayong masyadong mag-iisip. Alam niyo na po... para iwas wrinkles!" tatawa tawang paalala nito. Napangiti ako. "Anytime, pwede?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Lola. Nakita kong tumango naman si Charm. "Naku, buti ka pa, Hija! Kaysa 'yung iba diyan puro na lang trabaho!" tila nagtatampong sabi nito. Mukhang pinaparinig talaga sa akin. Tsk! "Halika, Hija! Sumama ka sa'kin sa kwarto. May ipapakita lang ako sa'yo!" rinig kong sabi ni Lola at hinala na ang kamay ni Charm. Napabitiw naman ako sa'kanya at pinanood na lumabas sila ng kwarto. Napailing na lang ako at agad naghubad para makaligo. Tutal mukhang okay na ang mga gamit ko dahil inayos na iyon ni Charm. Wala sa sariling napangiti ako. Paglabas ko ng banyo ay sakto namang pagpasok ni Charm sa kwarto. May hawak hawak siyang ilang paper bags at nagulat pa siya nang makita ako. Kumunot ang noo ko nang mag-iwas siya ng tingin at tumalikod. "Why?" tanong ko. "Ano.. ah, lalabas muna ako. Mag... magbihis ka na muna." sabi niya at nagsimulang lumapit sa kama para ilapag ang mga paper bags doon at nagsimulang maglakad palabas sa kwarto. Pinigilan ko siya. "It's okay..." sagot ko at naupo sa kama at kumuha ng shirt sa bag. "Hindi... lalabas na muna ako-" "You already saw it last night," sabi ko at kinuha ang t-shirt. Nakita kong nakatalikod parin siya. Napangisi ako. "I'm done... You can turn around now." sabi ko at hinintay ang pagharap niya. "Okay... Nga pala, Attorney-- s**t!" napamura siya nang makita ang katawan ko at saka agad na nagtakip ng mukha. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Napailing ako at saka nagsuot na ng shirt. Kagabi lang ay binihisan niya pa ako tapos ngayon ay mukhang hiyang hiya siya. Tsk! "I'm done..." sabi ko nang makitang nakatakip parin ang mga mata niya at hindi pa rin gumagalaw. "Totoo na ba yan?!" inis na tanong niya. Natatawang lumapit ako at kinuha ang kamay niya. Napaatras naman siya dahil sa pagkabigla kaya nawalan siya ng balanse. Kunot noong sinapo ko ang likod niya. Napatitig siya sa mukha ko at saka bumaba ang tingin sa katawan ko at agad na tinulak ako. Lalo akong natawa. Ang pikon talaga ng babaeng ito. "Is it your first time to see a topless man?" natatawang tanong ko at naupo sa kama. Nakita kong umirap siya at hinawi ang buhok. "Oo. First time kong nakakita ng naglalakad na buto!" sabi niya at inayos ang kama. Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin. What the hell did she just say? Buto? What the f**k? "What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong ko. Umirap siya at pinagpag ang unan at sumampa na sa kama. "Wala! Sabi ko, goodnight, Attorney! Maaga pa tayong luluwas bukas, 'di ba?" sa halip ay sagot nito. Nanliit ang mga mata ko. I just can't accept what she have said about my body. "Hindi 'yun ang narinig kong sinabi mo..." sabi ko at nagsimulang gumapang sa kama. Nakita ko namang napakislot siya at nanlaki ang mga mata. "Na-Narinig mo naman pala. Bakit ipinapaulit pa?" nagsusungit na sabi niya. Lalong nanliit ang mga mata ko. Nakita kong napasandal na siya sa headboard ng kama. "I just wanna make sure that I heard it right..." sabi ko at lumapit pa lalo sa'kanya. Nanlaki ulit ang mga mata niya at napakapa sa unan. "Yun na 'yun! Hindi ko na dapat pang ulitin! Kung anong narinig mo, 'yun na!" pasigaw na sabi niya. Nanliit ang mga mata ko. "Sinisigawan mo ba ako?" "Hindi po, a!" mahina ngunit mariing sabi niya. "Do I have to be this close to you para hindi mo na kailangan sumigaw?" tanong ko at itinukod ang kamay sa gilid niya. Iniunat naman niya ang kamay niya para lagyan ng distansiya ang pagitan namin. Pinigilan ko ang sarili kong matawa. "Ayan ka na naman, Attorney! Lumayo ka nga!" sabi niya at itinulak ang dibdib ko. Natawa ako at hinawakan ang kamay niya. "Sinong tinatawag mong buto, ha?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin. Ngumisi ako at nagtaas ng kilay nang mag-iwas siya ng tingin. "Sino?" ulit ko. Nakita ko siyang pumikit ng mariin. "E, kasi naman nang-aasar ka, e! Gising ka naman pala nung gabi na 'yun. May payakap yakap ka pa!" pabulong ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap. Tumaas ang kilay ko. "Did I?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at tinignan ako. I tilted my head and tried to recall what happened that night. "Hindi mo maalala?" tanong niya. Umiling ako. "I only remember you fantasizing about my body..." kunot noong sabi ko. Nalaglag ang panga niya at buong lakas na itinulak ako. Natawa ako lalo na nang makitang nagsisimula na siyang pamulhan ng mukha. "Ang kapal mo! Ikaw na nga itong binihisan diyan!" sabi niya at panay pa rin ang tulak sa dibdib ko. Hawak hawak ko ang wrist niya kaya napipigilan ko ang ginagawa niyang pagtulak. "I should be grateful then?" nang-iinis na tanong ko. Nanliit ang mga mata niya at bahagya pang bumwelo para itulak ako at makawala sa pagkakahawak ko. "Malamang! Alangang ako pa ang magpasalamat dahil nakita ko ang katawan mo!" sigaw niya at buong lakas na tinulak ako. Tumawa ako at nanlambot pero nahagip ko ang kamay niya kaya pareho kaming bumagsak sa kama. Nasa ibabaw ko siya. Nanlaki ang mga mata niya. Napalunok naman ako dahil dikit na dikit ang katawan niya sa akin. Damn! Saglit na nagkatitigan kami bago siya gumalaw para kumawala sa pagkakahawak ko. Hindi ko siya binitawan kaya kunot noong napatingin siya sa akin. Napangisi ako. This girl isn't really attracted to me. Ni hindi manlang siya mailang habang ganito kami kalapit sa isa't-isa. Pumalag pa siya at nagtangkang tumayo pero bumagsak ulit siya sa ibabaw ko. Nanlaki ang mga mata ko nang sa pagbagsak niya ay masalubong ng labi niya ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD