Malisya

1498 Words
XAVIER's POV Kanina ko pa tinitignan si Charm. Papasok pa lang kami ng Tagaytay ay wala na siyang tigil sa kakapuri sa lugar. She even took some pictures of some places kahit nasa sasakyan kami. I wonder kung anong itsura ng mga kuha niya. Malamang ay puro blurd iyon. Tss! Gaya ng inaasahan, inabot kami ng traffic sa daan kaya halos mag-aalas siyete na nang tuluyan kaming makarating sa resthouse. Naka-abang agad sina Lolo at Lola sa amin sa tapat ng gate. It was a two storey house na binili pa ni Daddy para kay Lola. My favorite spot was the balcony. It has the clear view of Taal lake. Nakakawala ng stress. It was breathtakingly beautiful lalo na kapag sunset. I don't think it's actually the right time to relax, though. Lalo na at may sakit sa ulo akong kasama. Agad na pinark ko ang kotse at nilingon si Charm para sa ilang mga bilin pero nakita kong agad na siyang nagtanggal ng seatbelt pagkatapos mag-inat inat. "Nakarating din sa wakas! Kung sana alas dos pa lang pumunta na tayo, wala sanang traffic!" parinig nito. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinisisi mo ba ako bakit ginabi tayo?" tanong ko. Agad naman niya akong nilingon at kumunot ang noo. Napasandal ako sa upuan nang bigla siyang lumapit sa gawi ko. "Bakit? Naguguilty ka ba?" ganting tanong nito sabay pulot ng kung ano sa gilid ng labi ko. Kunot noong tinignan ko siya. May hawak hawak siyang piraso ng chips na naiwan yata sa gilid ng labi ko dahil sa ginawa niyang pagsubo kanina. Hindi ko alam pero naiilang ako pag naaalala ko iyon. Para kaming totoong magnobyo kanina! Damn, Xavier! Kilabutan ka sa iniisip mo. "Nganga. Sayang 'to..." sabi pa nito sabay lapit ng kamay sa bibig ko. Iniiwas ko agad ang mukha ko sa'kanya. "What the hell are you doing?" sigaw ko. Humagalpak siya ng tawa sabay balik sa pwesto niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng tenga ko dahil sa inis. "Chilax, Attorney! Yelling is dangerous to your health...." nakangising sabi nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sa lahat ng empleyado ko ay siya lang ang naglalakas loob na biruin ako ng ganito. And she seemed comfortable doing it! Damn! Tumikhim ako bago nagsalita. "Kapag tinanong ni Lola kung kailan naging tayo, sabihin mo, mag-iisang linggo pa lang," bilin ko. Tumaas ang kilay niya pero tumango tango din. "Okay..." sagot nito. Tumango ako at lalabas na sana ng kotse pero nagsalita ulit siya. "Uh, Attorney?" "What?" "Bakit 'honey' yung napili mong endearment sa'kin?" mukhang curious na curious na tanong nito. Kumunot naman ang noo ko at nagkibit balikat. "Nothing special. Yun lang unang pumasok sa isip ko.." sagot ko. "Why did you ask?" bigla namang nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? So, hindi mo naiisip si Winnie the Pooh kapag nakikita mo 'ko?" pabulong pang sabi nito. Napatitig ako sa mukha niya at kakagatin na sana ang ibabang labi para magpigil ng tawa pero agad ng kumawala ang tawa ko. Damn! That was the most hilarious question I've heard so far. I swear, I've never laughed so hard for so long before. Ngayon na lang ulit. Nakangiwi siya at nakahalukipkip na pinapanood akong halos manakit ang tiyan sa kakatawa. Parang wala lang iyon sa'kanya at bubulong bulong. Hinawi ko ang buhok ko pataas at iginalaw galaw ang ulo para mawala sa isipan ang nakakatawang sinabi niya. "Let's go..." sabi ko pagkatapos pakalmahin ang sarili. *** CHARM's POV Iiling iling na lumabas si Attorney Xavier sa sasakyan matapos niyang pagtawanan ang tanong ko kanina. Kanina ko pa iniisip kung saang banda sa sinabi ko ang nakakatawa pero wala akong mahagilap. Sadya sigurong malakas lang ang sapak sa utak nitong si Attorney at kahit hindi nakakatawa ay tumatawa siya. Yan tayo, e. Kung kailan ka seryoso, tsaka ka gagaguhin! O 'di ba? Nakuha ko pa talagang humugot. Agad na sinalubong kami ng dalawang mag-asawang matanda. Hindi ko inaasahang ganito lang kasimple ang Lolo at Lola niya. Para nga silang normal na mag-asawa lang. Ang ine-expect ko ay mukhang istrikta. Yung tipong mamatahin ang sinumang babaeng lalapit sa apo nito at aalukin ng pera para lumayo? Mga ganung effect. Pero kabaligtaran yata nito yung Lolo at Lola ni Atty. Xavier. Ngiting ngiti agad ang Lola niya nang makalapit kami sa'kanila. Agad na niyakap ni Atty. ang kanyang Lola at sinayaw sayaw pa ito. Tumaas ang kilay ko sa nakitang ginawa niya at sa lambing ng boses niya. "I missed you so much, Lola! I love you, hmmmm...." sabi nito at matunog na hinalikan pa ito sa pisngi. Tuwang tuwa naman ang Lola niya at tinapik ang likod nito. "I missed you, too, apo! Kung hindi pa kita pinilit ay hindi mo pa ko dadalawin dito!" parang nagtatampo namang sabi nito. Tumawa lang si Atty. at niyakap ito ulit. Kahit ang tunog ng tawa niya ay nakakapanibago. Malayong malayo ang Xavier ngayon sa Atty. Xavier na nakakasama ko sa opisina. Kanina nga ay first time ko siyang nakitang tumawa ng ganun. Feeling ko lalabas sa dibdib ko ang puso ko nung nakita ko siyang tumawa. Mabuti na rin na hindi siya ngumingiti at tumatawa ng madalas. Atleast, walang hihimatayin dahil sa'kanya! Nakita kong nginitian ako ng Lola niya. Agad namang lumapit si Atty. Xavier sa gawi ko. Ngingiti na sana ako pabalik kung hindi ko lang naramdaman ang kamay ni Atty. Xavier sa balikat ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan nang tingalain siya. Bakit ba kapag dumidikit sa'kin 'tong lalaking 'to e, naninikip ang bra ko? "'Lo, 'La, this is Charm, my girlfriend," rinig kong sabi niya. "Honey, Lolo't Lola ko..." pakilala niya. Nanlaki yata ang ulo ko dahil sa lambing at sexy ng boses niya habang sinasabi iyon. Ah, okay... pero maiba tayo, Attorney? Nasan na 'yung no physical contact na sinasabi mo? "Kamusta po kayo, Ma'am, Sir?" nakangiting bati ko sa kanila. Mamaya ko na ho iisipin kung paano papatayin ang apo niyo dahil sa ginagawa ng kamay niya ngayon. Galing kasi sa balikat ay pinadulas niya ang kamay niya at napunta na sa bewang ko. No physical contacts pa more, Attorney. "I'm okay, Hija. Feel free to call us Lolo and Lola, tutal ay ang mahal ng apo namin ay mahal na rin namin..." nakangiting sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko. Alanganing ngumiti ako. Bigla akong nakunsensiya. Wala akong masabi kaya ngumiti na lang ako. "Hala, sige, pumasok na tayo at ng makapaghapunan na kayo. Baka kanina pa nagugutom itong si Charm!" sabi ng Lola niya at saka iginiya na kami papasok sa loob. Agad na sinalubong kami ng dalawang kasambahay na inutusan na ng Lola niya na maghanda ng makakain. Hinawakan ko agad ang kamay ni Atty. Xavier sa beywang ko para tanggalin iyon. Kumunot ang noo niya pero lalo lang niya akong hinapit palapit. Tinaasan ko siya ng kilay at pinandidilatan. Siniko ko na siya at kinurot sa tagiliran pero ayaw niya talaga akong bitawan. Nang mawala sa paningin namin ang Lolo't Lola niya ay niratratan ko agad siya. "Akala ko ba walang physical contacts, Attorney? E bakit kung makalingkis ka, e daig mo pa ang batang mawawala sa mall?" Buti sana kung hindi nakakapanikip ng bra yang paghawak hawak mo, bwisit ka. Tumaas ang kilay niya bago nagsalita. "Physical contacts for me is s*x. I thought, yun din ang ibig mong sabihin." sagot nito. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Kiss and hugs, kung kinakailangan, Let's do it.. Wala namang malisya." dagdag pa nito. Walang malisya?! Agad na nag-init ang ulo ko. Gusto ko na siyang kaladkarin sa taas at dun ko siya tatadtarin para matauhan siya sa mga sinasabi niya. E kung putulin ko kaya yang p*********i mo? Wala rin bang malisya? Ay putek! Bakit ba p*********i niya agad naisip ko? Erase erase! Dala ng inis ay nahagip ng kamay ko ang isang throw pillow at hinampas iyon sa'kanya. Nanlaki ang mga mata niya at sinubukang ilagan iyon. "Walang malisya? Walang malisya, ha?" nanggigigil na bulong ko habang panay ang palo sa'kanya. "Aw, stop it! What the hell?" pinipigilan din niyang sumigaw para siguro hindi marinig ng Lolo't Lola niya. Tuloy pa rin ako sa paghampas sa'kanya. Lumipat na siya sa tabi ko para mapigilan ako pero hindi talaga ako kakalma. Punyeta siya. Hindi porke't gwapo siya ay siya na ang makakakuha ng first kiss ko! "Hindi ako titigil--" "Oh s**t!" mura niya. Hinatak niya ang kamay ko at bumagsak ako sa ibabaw niya. Nanlalaki ang mga mata namin parehas! Sasabunutan ko na sana siya pero biglang may nagsalita sa likod. "Sir Xavier, kakain na daw po sabi ng Lola-- Ay sorry po, wala po akong nakita. Ituloy niyo na po yan!" Sabay takbo ng kasambahay na nakakita sa amin! Oo, itutuloy ko na talagang patayin 'tong amo mo! Napapikit ako ng mariin bago hinarap si Atty. Xavier at.... Piningot ko ang teka niya. Bwisit! Mukhang hindi ako tatagal ng isang linggo dito nang hindi siya napapatay! Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD