CHARM's POV Padabog na sinarado ko ang pinto ng kwarto at sumandal doon. Inis na pinahid ko ang mga natirang luha sa aking pisngi at halos masabunutan ko ang sarili dahil sa sobrang pagkairita. Kanina nang ibalita sa akin ni Elsa na naaksidente s'ya, kakaibang takot ang naramdaman ko dahilan para maiyak ako at manghina. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa akin kanina at ganun nalang ang takot ko. Pero nang makita ko s'yang maayos naman at may sugat lang sa noo ay hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nairita. Halos mapatay ko na sa tingin si Elsa kanina dahil masyadong OA ang pagkakasabi n'ya! Nakakainis! Hindi n'ya sinabing minor lang ang nangyaring aksidente! Shit! Gusto ko talagang magmura. Nakakainis! Nakakainis! Akala ko kung ano ng nangyaring masama sa'kanya! Naham

