Attorney

453 Words
CHARM'S POV Litong lito ako sa mga nangyayari sa araw na 'to. Kanina, first time akong masigawan ni Atty. Xavier. Aba! Kasalanan ko bang wala sya sa sarili at ilang beses ko na syang tinawag pero hindi manlang sya sumagot? At nang dumating yung magandang babaeng bisita nya, bigla ba naman akong tinawag na Honey? Nakakaloka. As in hindi pa ko nakaka-get over sa biglang pagtawag nya sa'kin ng ganun tapos, bigla bigla eh sinabi nya dun sa babae na girlfriend nya raw ako. Gustong gusto ko ngang tapik tapikin ang mukha ko kanina dahil baka nananaginip lang ako o nabingi lang ako sa mga narinig ko. Aba, kahit naman nagwagwapuhan ako sakanya eh hindi naman ganun kalandi ang isip ko para isipin na magkakagusto sa'kin ang isang Xavier Mendez. ANO YUN? LOVE IS BLIND LANG ANG PEG? Nang magpaalam yung magandang babaeng bisita ni Atty., bigla nanaman nya akong inakbayan. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pinagsama samang tensyon at pagkabigla. Parang biglang sumikip ang mundo. Nahihirapan akong huminga! Teka? Baka mahigpit lang ang bra ko kaya di ako makahinga ng maayos? "Thanks for the time, Xavier. Paano ba yan? See you nalang sa wedding?" nakangiting sabi nito. "Sure. We'll be there. Right, Honey?" tanong nito na inilapit pa ng bahagya ang mukha. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga na nagdudulot sa'kin ng kung anong pakiramdam. Wala sa luob na napatango nalang ako. "Okay. We'll be expecting you huh?" nakangiting sabi nito at binalingan ako. "By the way, nice meeting you, Charm." Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun pero parang nakita ko syang umismid habang sinasabi yun. Pinagsawalang bahala ko nalang yun at pilit na ngumiti. "Same here." *** Nang makalabas si Atty. Ashley ay agad namang humiwalay si Atty. Xavier sa'kin. Napataas naman ang kilay ko. Aba't. "Ehem." pasimpleng tumikhim ako. Wala syang reaksyon at patuloy lang sa ginagawa nyang kung ano sa table nya. "Ehem!" muling tikhim ko. Wala parin syang reaksyon. "Ehem--" "Drink your medicine kung inuubo ka." Ay talipandas! Ano daw? Aba't. Hindi lang pala manggagamit ang lalaking 'to kundi pilosopo rin. "Ah, Attorney--" "Call me Sir.." sabi naman agad nito na nakayuko pa rin at sige pa rin sa pagbabasa kuno. Ni hindi nga niya napapansin na nakabaligtad na yung notebook na hawak hawak niya! "Okay.. Sir?" "What?" "Kelan ko po kayo sinagot?" Kunot noong napatingin naman ito sa'kin. "What?!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Susmaryosep! Daig pa ng lalaking 'to ang meh PMS eh. Makasigaw? Wala ng bukas, Koya? Itinaas ko nalang ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko. Grabe lang. Kung makalingkis kanina, akala mo napaka-among tupa pero pag sumigaw, daig pa ang dragon! Bipolar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD