New Secretary

1063 Words
"Are you sure about this one, Sally?" tanong ko sa secretary ko sabay baba ng binabasang summon na kakapadala lang sa opisina ko kanina. She is about to resign because her son decided to petition her in Canada. Sally nodded as she sit in front of his table. "Sure na sure po, Sir. Tsaka po sinunod ko po ‘yong gusto n’yo na hindi masyadong maganda ang kuhanin kong kapalit," sagot n’ya. Napatango ako at ibinalik ang tingin sa summon na binabasa. Ayaw na ayaw ko na kasing maulit ang nangyari nang minsang magkaroon ako ng magandang secretary. Bukod sa pinagpantasyahan ng isa sa mga kliyente ko, hinipuan pa daw ito kaya hindi na pumasok kinabukasan. If there were perks of having a beautiful secretary, malamang ay mayroon din naman ‘yong kaakibat na disadvantage. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay nadedehado ang mga kababaihan. Kunot noong binalingan ko si Sally na ngayon ay abala sa pag-aupdate sa malaking bulletin board kung saan nakasulat ang schedule ng mga hearings na dapat kong daluhan para sa buwan na ito. "Sally? Tumawag ba si Mr. Villaluz kahapon?" I asked ‘coz I haven’t heard about him for about a week. Si Mr. Villaluz ay ang kliyente kong napagbintangan sa kasong rape dahil natagpuang katabi ng biktima sa kama kung saan sa mismong kwarto pa nito nangyari ang lahat. Isa sa pinaka mahirap na kasong nahawakan ko dahil nahirapan akong humanap ng ebidensyang magpapatunay na hindi ‘yon rape at kusang loob na ibinigay ng babae ang sarili dito. Sa ating batas kasi dito sa Pilipinas ay makapangyarihan ang mga babae kaya ginamit ‘yon ng biktima para madiin si Mr. Villaluz; isang mahusay at makapangyarihang gobernador sa lugar namin. "No, Sir. Wala po akong tawag na natanggap mula-" naputol ang sinasabi nito nang mag-ring ang landline sa table ko. Sumenyas s’yang sasagutin na muna ang tawag. Tinanguan ko lang s’ya at maya-maya ay iniabot na n’ya sa akin ang telepono.   "Hello? Yes, this is Xavier Mendez," sagot ko sa nasa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko at agad na ginapangan ng kilabot nang marinig ang ibinalita ng kausap. Ang mismong asawa ni Mr. Villaluz ang tumawag sa akin para ibalitang patay na ang asawa nito.   Ayon dito ay balisang balisa daw ang asawa nito kagabi nang matutulog na sila. Marahil ay alam na nito ang posibleng mangyari kaya gano’n na lang ang pagkatuliro nito. "Please calm down, Mrs. Villaluz. All you have to do is to tell the police what exactly happened last night hanggang sa nakita mo ang asawa mong wala ng buhay sa kitchen n’yo," agad na bilin ko sa naghihisterikal na matandang babae bago ibinaba ang telepono. Nang maibaba ko ang tawag ay mabilis na inayos ko ang hindi pa tapos na babasahin at hinarap ang secretary ko. I need to go and guide my clients wife. She was hysterical and there’s a tendency that the police would doubt everything she would say. I need to go there to make sure that she would cope up and to personally investigate. Mukhang hindi lang ‘to pangkaraniwang homicide lang. When my lawyer friend Stanley, told me about the case which might be related to Mr. Villaluz’, I didn’t give much attention to it because it’s been a month after I won the case ay wala namang masamang nangyari kay Mr. Villaluz at wala rin naman s’yang sinasabi sa akin na mga instances na mayroong mga pagbabanta sa buhay n’ya matapos ipanalo ang kaso.   Hindi maganda ang kutob ko sa nangyari at maaaring pinalipas lang talaga ang isang buwan para iligaw ang totoong balak ng mga kalaban n’ya. Or maybe, the suspect knew that I was the one who handled the case that’s why they have been extra careful about their plans. Alam kasi nila na kahit naipanalo ko na ang kaso ng mga kliyente ko ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iimbestiga lalo na sa kaso nitong si Mr. Villaluz. Para sa akin ay sobrang kataka taka na magkakaroon at makakapasok ang babaeng ‘yon sa mansiyon nila samantalang napakahigpit ng security doon. I am thinking that there was an insider who let that girl in and then instantly had an access to the governor’s room. At kung sino man ang gumawa no’n ay masyadong malapit ito sa mag-asawa para magkaroon ng access sa room ng mga ito na sa pagkakaalam ko ay under finger scan security. Mabilis na inayos ko ang mga gamit sa table ko at muling hinarap si Sally.   "Sally, habang wala pa ‘yong bagong secretary ko, ikaw na muna ang sumama sa akin ngayon-"   Napatigil ako sa pagsasalita nang may kumatok sa pinto.   "There she is, Sir. Mukhang s’ya na po ‘yan," sabi ni Sally bago tumayo at binuksan ang pinto ng opisina. Umayos ako ng upo habang hinihintay ang pagpasok nito.   Ilang sandali pa ay tumambad sa harapan ko ang isang babaeng katamtaman lang ang taas. Bilugan ang mukha nito at medyo chubby ang katawan. Hindi naman gano’n kataba at hindi rin sexy. Sakto lang. All in all, pangkaraniwan lang ang itsura nito.   "Ah, Charm.. I'd like you to meet Atty. Xavier Mendez. S’ya ang sinasabi kong magiging Boss mo." Sally introduced me. Napaharap s’ya sa akin at automatic na tumaas ang isang kilay matapos akong pasadahan ng tingin. I arched my brow, too.   What’s with her reaction? I was expecting her to.. Ugh! Nevermind.   "Good morning, Sir. Glad to finally meet you," pormal na bati n’ya sa akin na bahagyang ngumiti dahilan para lumabas ang maliliit na dimples malapit sa gilid ng mga labi n’ya. I can’t help but noticed the. They look cute and it suits her slightly chubby cheeks. I cleared my throat before greeting her back.   "Same here, Miss?" I trailed off after realizing I haven’t asked her name yet.   "Rhegla, Sir." She answered. Kumunot ang noo ko. Did I hear it right? ‘Coz, I thought I heard something about women’s.. errr.. period?   "Excuse me?" ulit ko dahil baka namali lang talaga ako ng dinig sa apilyido n’ya.   "Rhegla, Sir. I’m Charm May Rhegla, your new secretary," banggit nito sa buong pangalan kaya nagtagal ang tingin ko sa kanya at agad na nag-iwas ng tingin. Her surname was kinda weird but her whole name sounds hilarious in my ears. Damn it! What is happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD