CHARM's POV Tulog na tulog pa si Atty. Xavier nang magising ako kinabukasan. Dahan dahang bumangon ako at tinitigan s'yang mahimbing na natutulog sa couch. Hindi ko maiwasang isipin ang mga pangyayari kagabi. Dati ay hindi ako naniniwalang maliit ang mundo lalo na sa dalawang taong magkaaway. Pero kagabi ay napatunayan kong totoo iyon. Sa dinami rami ng taong makikita ko sa party na iyon ay si Atty. Harvey pa. At sa dinami rami ng pagkakataon, 'yun pang kasama ko si Atty. Xavier. At ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang katotoohanang s'ya ang bestfriend ni Atty. Xavier na nagtraydor sa'kanya. Wow lang, 'di ba? Nakakaloka talaga. Ano kayang sasabihin ni Arcie kapag nalaman n'ya 'to? Iniisip kong i-text s'ya para ipaalam na nagkita kami ni Atty. Harvey kagabi, pero saka nalang siguro ako m

