CHARM's POV Bandang alas singko ng hapon nang makarating kami sa venue ng kasal ng anak ng kumare ni Lola. Medyo dumidilim na ang paligid hudyat na malapit ng simulan ang kasal. Kitang kita ang Taal Volcano sa parteng ito at itataon talaga na kasabay ng paglubog ng araw ang kasal. First time kong maka-attend ng ganitong kasal. Madalas kasi ay simbahan o kaya naman ay beach wedding ang napupuntahan ko. Napakaganda ng concept at halatang pinaghandaan. Mag-aalas syete nang matapos ang buong serimonyas ng kasal. Pumunta kami sa reception na hindi kalayuan sa venue. Panay ang hawak ni Atty. Xavier sa beywang ko kaya tinataasan ko s'ya ng kilay. Kanina pa ako binubwisit ng lalaking ito! Kung bakit naman kasi pinagkanulo ako ng sarili kong bibig dahil nasabi kong gwapo s'ya. Ang landi kasi n'

