Chapter 7

1948 Words
Janica's PoV . Wednesday ngayon. Dapat kahapon ang paglipat nila pero ang sinabi nila ay sa sabado na. Nauna ang mga lalaki sa pag lipat sa bahay, ang totoo ay kahapon pa silang nandito. . "Boss bakit naka uniform ka?" Liam ask. Napakunot naman yung noo ko. "Because we have a classes." Seryosong sagot ko sa kaniya. "We don't have classes today and sa monday pa ang balik ng lahat." Ang dami ko ng absent! Mas marami pa walang pasok kesa may pasok hmm. "Okay." Sabi ko sa kaniya. Bumalik na lang ako sa kwarto ko upang mag palit ng damit na pang bahay. Makalipas lang ng ilang oras ay bumaba na ako dahil naiinip ako sa taas. At gusto ko gumalaw galaw kahit papaano. "Kuya why are you here?!" Malakas ang pagka salita noon. At sigurado akong si Thea 'yon. Rinig ko na agad ang mga boses nila pagbaba ko pa lang sa may hagdan. "Don't tell me lahat ng nandito sa bahay na 'to ay member din ng samahan na sinasabi. " Sabi ni Mayie at tumitingin sa mga lalaki na nandito. "Yeah, lahat. Pag may mali o may traydor dito ay papatayin ko sa mismong kamay ko." Seryosong sabi ko, kaya naman ay napatingin silang lahat sa akin. Gulat ang nakikita sa mga mukha nila. At malabo naman na siguro na may trumaydor sa amin. "Dito na daw muna kami tumira para sama sama daw tayo." Paliwanag ni Brian. "Eh kayo bakit kayo nandito?" Tanong ni Liam sa mga babae. "Because our dad said na dito na daw muna kami mag i-stay." Sagot ni Michelle sa kaniya. I guess bagay sila. "Same reason with Michelle actually lahat kami." Sabi ni Lichelle at tumingin sa iba naming kaibigan. "Ohh," mang hang sabi ni Shan. Siguro ay may binabalak ang isang 'to. "Follow me." Sabi ko sa mga babae, at nag lakad pa paakyat. Sumunod naman sila sa akin. Lima lang ang guest room na mayroon dito sa bahay. "Mamili kayo. Dalawa sa isang kwarto o apat?" Tanong ko at seryosong tumingin sa kanila. "Two/dalawa" sabay nilang mga sagot. Naglakad kami papunta sa 2nd floor. Lima o apat na kwarto ang mayroon sa ikalawang palapag. Habang sa sa una ay kwarto para sa katulong. "Lichelle and Michelle dito kayo sa kaliwa." Sabi ko. At itinuro ang nasa kaliwang pintuan. "Mayie and Thea dito kayo sa tabi nila Michelle." Sabi ko sa dalawa at itinuro ang kwarto na katabi ng sa kambal. Malaki naman ang kwarto, kahit ilang tao ay pwede mag kasya. "Ayusin niyo na 'yong mga gamit niyo." Sabi ko and pumunta naman sila sa kwarto nila. Sa kanan kasi ang kaharap ng magkapatid ay sila Liam and Shan. Sa tapat naman nila Thea at Mayie. Sila Brian and Aldrei. Nang matapos ko sabihin sa kanila ang kwarto ay bumalik na muna ako sa kwarto ko. *tok tok tok* "Ma'am kakain na po ng hapunan." Sabi ng isang maid. "Okay baba na ako." Sagot ko at tyaka tumayo papuntang baba. Dumaretso ako sa may dining area. "Nasaan sila?" Tanong ko kasi 'yong walong kaibigan namin ay wala pa. Tanging kami lang ni Darryle ang nandito sa may dining area. "Nasa kwarto pa po nila ma'am." Sagot ng maid sa akin. "Call them, sabihin niyo sa kanila kakain na." Utos ko sa mga maid. . "Daig Fiesta ah" "Anong okasyon?" "Sinong may birthday?" "Daming foods ah!" Ilang lang 'yon sa mga narinig ko na tanungan nilang walo, at tyaka naman nag si upo. Hindi ko alam kung pang pyesta ba talaga kasi naman ay parang hindi dahil madami naman kaming kakain. "Let's eat." Sabi ko sa kanila. At kumuha ng pagkain. Ganoon din ang ginawa ng iba. Nag sikuhaan sila ng pagkain at nilagay sa mga plato nila. "Let's play after this." Yaya ni Mayie. "What game?" Tanong ni Liam. "Anong laro??" Tanong din ni Thea, halos tinagalog niya lang ang sinabi ni Liam. "Kahit ano!" Sagot ni Mayie. At Nagsimula kaming kumain at nag ku-kwentuhan pa ang iba habang kumakain. "Aalis tayo bukas ng gabi or hapon." I inform them. "Saan pupunta?" Tanong ni Mayie. "Bakit tayo aalis?" "Anong gagawin natin?" Halos papareho lang ang mga tanungan nila kaya naman ay nakakarindi iyon. "Sasabihin ko sa inyo bukas. From now mag ayos kayo ng gamit niyong dadalhin. Sigurado naman akong mag-eenjoy kayo. Maybe 3 days to 4 days dalhin niyo. And dwimsuit kung gusto niyo magdala kayo." I said. "Uy beach!" Sabi ni Brian "Gaga anong b***h?" Sabi ng kapatid niya. Sabay batok sa kapatid niya. "Bobo! Hindi b***h! Beach B-E-A-C-H!" Pagkokorek ni Mayie. "Tsk. Mga Tanga! Hindi Beach! Resort! R-e-s-o-r-t!" Sabi ni Michelle. Napailing na lang ako. Kaibigan ko ba talaga sila? . "Tara laro tayo!" Pag yaya ni Mayie. "Sige anong laro?" Tanong ni Shan. "Sure what game" tanong ni Darryle. Himala nagsalita siya ngayon kanina ay napaka tahimik niua. . "Uhm, sip kayo!" Sabi ni Mayie. "TRUTH OR DARE!!" Sabay sabay na sagot ng iba. "Sige! Game ako diyan!!" Sabi ni Mayie. "Me too!" Sabi din ni Brian. . "Bawal ang hindi sumali ha!" Sabi ni Mayie. "Oo nga!" Sang ayon ni Aldrei. "Oh ano kayong dalawa?" Tanong ni Michelle. "Darryle at Janica Crystalline!" Tawag sa amin nila Lichelle. "Sali kayo dali!" Yaya ni Thea. "Bawal hindi sumali!" Malakas na sabi ni Shan. "Huwag madaya!" Reklamo ni Brian, alam kong wala na akong magagawa. Dahil silang lahat na ang namimilit sa amin. "Sa third floor tayo maglaro." Sabi ko. "Kasya ba tayo doon?" Tanong ni Mayie. Hindi na ako sumagot at naglakad na lang papunta sa may taas. "Ang laki naman dito!" "Wow kita yung ibang bahay oh!" "Mas malaki bahay niyo kesa sa kanila." "Sarap ng simoy ng hangin" "Natikman mo ba?" "Nalasahan mo?" "Naramdaman! Mga tanga! Parang hindi niyo yung nasasabi ah?" Napa iling naman ako dahil sa kanila. Kaibigan ko ba talaga yang mga yan? Daig mo pa nilang nakawala sa mental. Ang iingay nila. "Kaibigan ba natin yan?" Bulong ni Darryle sa akin. "Di ko nga rin alam e," natatawang sagot ko sa kaniya. . Darryle's PoV. . "Hindi kaya nakawala yang mga yan sa mental?" Bulong ko ulit. "Ewan ko nga. Baka" sabi niya. Napa iling nalang ako. Kala ko ba mag lalaro, pero bakit hindi pa sila nag uumpisa o nag aayos? "Uy mag lalaro pa tayo diba!" Sabi ni Yalthea. "Ay oo nga!" Sabi ni Mayesa. Nakalimutan niya agad siguro, pero siya ang nagyaya na mag laro. "Wait tutal ay magkakasama narin tayo. Nickname nalang itawag niyo sakin and sa lahat." sabi ni Mayesa. "I'm Mayesa pero tawag niyo sakin Mayie na lang." Sabi ni Mayie. "John Brian for short Brian or JB" "Yalthea for short Thea" "Trenz Aldrei... Renz or Aldrei" "Marliam for short Liam". "Michelle for short Mich." "Shan Drake. SHAN." "Lichelle.. ganun pa rin! Or tawagin niyo akong uhm? Terry." "Oh kayong dalawa?" Tanong ni Thea sa amin. "Tsk." Singal namin ni Janica Crystalline. "Truth or Dare?" Tanong ni Thea sa kuya niya. "Uhm? Truth?" sagot ni Brian. "Uhm. Crush mo ba si Mayesa Zaih Yazai for short Mayie?" Naks full name pa. "Ah eh." Gusto kong matawa sa reaksyon ni Brian. Sobrang nahihiya siya for sure. "Ano? Oo at hin--" Putol na sabi ni Thea. "Yes!" Namula naman si Mayie. Sa sagot ni Brian. Habang si Brian ay nakatungo. "Ayieee!" "Bagay!" "MaRian!" "Ayieee ang ganda ng Couple name." "Team MaRian!!" Sabay tawa pagkatapos nilang sabihin ang pang aasar at panunuksong salita. Pinaikot ni Brian ang bote at tumapat naman kay Shan. "Truth or Dare?" Tanong ni Brian. "Dare" Sagot ni Shan. "Ah sige! Dare pala ha! Kiss mo nga sa pisngi si Lichelle sabay hawak sa kamay hanggang sainyo ulit tumapat." Hamon ni Brian. Walang alinlangan at hinalikan sa pisngi. Napa isip nalang ako bigla kung may namamagitan ba sa kanilang dalawa. "Ayieee" "Bagay." "ShanChelle" "Awwut :>" . Tumapat naman ito nung pinaikot ni Shan kay Liam. "Truth." Wala pa man sinasabi na Truth or Dare ay sumagat na agad si Liam. "Mahal mo pa ba si Michelle?" Tanong ni Shan. "Hindi na." Sabi ni Liam. "Naging kayo?" Tanong ni Thea "Oo/Yes." Sabay nilang sagot. . . Michelle PoV. Para akong tinusok ng karayom sa dibdib ng sabihin niyang hindi na. Masakit para sa akin. One month ago na noong nag break kami. Yeah naging kami. Minahal ko siya. Pero sa isang iglap nawala rin ang lahat at nagbago 'yon. "Truth or Dare?" Tanong ni Liam ng tumapat kay Thea. "Truth," "Ahm. Ilan ang ex ng kuya mo?" "Madami na yan! Playboy yan eh!" Pang bubuking ni Thea. "Hoy Thea! Hindi ah! Mga kaanuhan mo! Dami mong alam!" Sigaw sa kaniya ni Brian. "Talaga ba?" Pang aasar pa ni Thea sa kuya niya. "Oo! Konti lang ex ko! Anong madami?!" Giit pa ni Brian. "May sineryoso kaba?" Nabigla nalang si Brian ng tinanong siya ni Mayie. "Ah eh. W-wala" Utal na sagot ni Brian. At tumungo ito. "Kita mo na!" Asar ni Thea. "Game. Thea na paikot mo na 'yan kanina!" "Sige. Si Mayie nalang," Sabi niya. "Truth or Dare" tanong ni Mayie ng tumapat ulit ito kay Brian. "T-truth" "Niloko mo lang ako nung naging tayo?" Tanong ni Mayie ng ikanagulat namin. Walang may alam sa amin na naging sila. Walang makaimik sa amin para mag tanong. "H-hindi." Sagot ni Brian. "Tsk. Kakasabi mo nga lang e, na wala kang sineryoso sa naging ex mo" Parang sila lang ang tao dito sa third floor kung umimik si Mayie. "H-hindi naman sa ganoon 'yon." Sabi ni Brian sa kaniya. "Tsk. Parang ganoon na rin 'yon. Ang galing mo eh ano? Tapos sasabihin mo kanina may gusto ka sakin! Wow! Ang galing! Bravo!!" Sabi ni Mayie at pumalakpak pa siya. Na akala mo ay natutuwa. "W-wag naman tayo dito mag usap Mayie. Privacy naman sana oh. Nandito mga kaibigan natin" Sabi ni Brian, at tyaka tumingin sa amin. "Bakit ayaw mo malaman nila kung anong tao ka talaga? Tss. Bakit nahihiya ka ba ayaw ko noon? Para malaman nila. Ah! Wag kang mahiya! Alam naman nila ang isang katulad mo! Ang laki ng pinagkaiba mo sa kapatid mo! Sobra!! Ang galing e, ano? Tsk. Alam mo naman siguro na minahal kita? Ano pinagpustahan niyo lang ako? Liligawan? Sasaktan? Magiging wasak ang pusong gusto maghangad na masusuklian lang ang pag mamahal!" sabi ni Mayie, at galit siya nangingilid ang mga luha sa mata. "Tss, Sabagay kalahating buwan lang naging tayo! King ina! Nakakatanga ka! Alam mo bang masakit pa rin dito? Dito sa puso ko." Tinuro niya ang dibdib niya, "Tsk. Kapag may kasama kang iba? Akala mo wala akong pakielam sayo tuwing may kasama kang iba noong panahong naging tayo? May kahilikan? Nakikipag flirt? Pinalampas ko 'yon noon! Hanggang sa hindi ko na makayanan! Oh ano? Wala ka man lang ba sasabihin? Ano? Narinig mo na ang gusto kong sabihin sayo? King ina!! Nakakabaliw na! Wala akong pinagsabihan ng nararamdaman ko? Tapos 'yong relasyon natin? Sikreto lang 'yon diba? Ayaw mo ipaalam." May mga pumatak na luha galing sa kaniyang mata. At umalis ito pumunta sa kaniyang kwarto. Nagsisunod naman kami pero bago umalis may sinabi muna ang kaniyang kapatid. "Kuya, di ko man lang alam 'to? Ang makipag relasyon ka sa kaibigan ko? Tapos lolokohin mo lang ang galing mo! Wala kangng kwenta kuya!" Sabi ni Thea sabay alis at pumunta kami sa tutulugan nila Mayie. Para i-comport siya. "Mayie?" Tawag ng mga kaibigan namin sa kaniya. *tok tok tok* "Mayie,bpag buksan mo kami." Sabi ni Crystal. "Please Mayie." Pag mamakaawa ko. "Hindi naman namin alam 'yong nararamdaman mo e," Sabi ni Lichelle. "Nandito lang kami para sayo," Dagdag pa ni Lichelle. "Mayie pagbuksan mo 'to." Mga sabi ng kaibigan namin at nagbukas ang pintuan. Bigla niya naman kaming niyakap. Pagkatapos nun ay pinaupo namin siya sa kama at ni lock muna ang pinto. "Ang tanga tanga ko!" Sabi ni Mayie habang umiiyak. "Mayie wag mong sabihin yan" Sabi ni Thea. "Mayie, look at me. Pakinggan mo ang sasabihin ko." Sabi ni Crystal sa kaniya. Tumingin naman siya at pinunasan ang mga luha sa mata niya. "I feel you Mayie, alam mo ang mga naranasan ko noon. But for now, you should rest. Don't think him okay? All of us, nagiging stupid pag dating sa love na 'yan. But it's normal Mayie. Pag sisihan niya ang ginawa niya sa huli, for sure Mayie. You deserve to be love, we all here for you." . __________________ Author's Note Thank you sa mga nagbabasa ng Ms. Mafia Secretly Married to Mr. Playboy. Keep reading po! GOD BLESS! .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD