CHAPTER 3

1563 Words
THREE: "Totoo." NANG sumunod na pagkakataon, muling sinubukan ni Quint na lumapit kay Flor para sabihin dito ang pinagdaraanan niya’t umaasang paniniwalaan na sa wakas siya nito. Kasalukuyan silang nasa may bandang barandilya ng hallway sa mismong tapat ng silid aralan nina Quint sa ikalawang palapag ng building ng St. Damian.   “Flor, katulad nga ng sinabi ko sayo noong nakaraan, walang rason para gumawa ako ng kuwentong alam kong imposibleng paniwalaan at mas lalong wala akong anumang rason para lokohin ka, kaya maniwala ka, mahirap na mahirap mang paniwalaan pero ‘yon talaga ang totoo. Nanggaling ako sa present modern day world, sa 2018, na bigla na lang na nag-teleport dito sa taon ng 1990.”   Hindi makapagsalita ang dalaga, nag-iisip lamang ng malalim habang nakatulala sa kawalan at nakikinig sa sinasabi ni Quint. Alam niyang mahirap itong maniwala sapagkat sinong tao ba naman ang maniniwala kaagad sa pinagdaraanan niya ngayon, ‘diba? Kahit siya nga rin ay hindi halos mapaniwalaang nangyayari itong lahat!   May mga alas siyang naalala na magpapatunay na totoo ang kanyang sinasabi. Mga katibayan na nanggaling siya sa panahong hinaharap, sa panahon kung saan moderno ang lahat.   “Tingnan mo ‘tong suot ko ngayon, Flor. Ito ang uniform na gamit ng mga estudyante dito sa St. Damian since year 2012. Dito sa panahon ninyo sa taong 1990, wala pang naipapatupad at naipapanukalang opisyal na uniporme kaya kahit anong bestida at polo naman sa mga lalaki ang sinusuot ninyo. Ang St. Damian ay noong early 2000's na, mga around 2004 to 2005, hindi ko lang maalala kung anong eksaktong taon talaga pero sigurado akong sa mga taon na nabanggit ko ang unang naging pagpapatupad ng uniform policy,” saad niya rito habang pinakikita ang complete uniform na kasalukuyan niyang suot.   Napadapo nga ang tingin nito sa kanyang kasuotan.   He even pointed the SDPU logo printed on the upper part of his left chest. “SDPU, ito ang logo nitong eskuwelahan natin. Wala ka pang nakikitang nagsuot ng ganito, hindi ba? Ako palang, dahil nanggaling na nga ako sa panahong hinaharap kung saan may panukalang uniporme na dito sa paaralan.”   Hindi pa rin ito nakapagsalita ngunit bakas sa mukha nito ang pagkabigla dahil mukhang unti-unti na rin nitong napagtatantong totoo talaga ang sinasabi niya, sa ebidensya palang na mga pinakikita niya.   May dinukot naman siya sa bulsa ng khaki slacks niya at kinuha ang kanyang latest Sony Xperia model in 2018. Ipinakita niya rin ito sa dalaga.   “Nakikita mo ‘to? Ito ang isa sa mga produkto na hatid ng moderno at makabagong panahon. This is called a smartphone or an android phone. Ngayon ka  lang din nakakita ng ganito, ‘diba? Dahil wala pa namang nakakagawa nito dito sa taon ng 1990, ako lang ang may ganito dahil sa uulitin ko, nanggaling ako sa 2018 kung saan rampant na ang ganitong klase ng mga source and easy access of communication,” Quint continued explaining. “Hawakan at tingnan mo.”   Hindi makapaniwalang hinawakan at sinuri nga nito ang Xperia at hindi maiwasang mamangha habang hinahaplos ang slim na interface back and front. “Sayang nga’t lowbat ‘yan at nakalimutan kong i-charge bago ako napadpad dito sa panahon ninyo. Mapapakita ko sana sayo kung gaano ka-advanced at gaano kagaling ang mga magagawa ng makabagong teknolohiya.”   “Ito na yung bersyon ng tinatawag na telebabad dito sa taong 1990 sa makabagong panahon?”   Tumango-tango si Quint sa kyuryusidad ng dalaga, ang atensyon pa rin nito’y nasa kamay nitong hawak ang Xperia smartphone niya.   “Yan na nga, at maraming nagagawa ‘yan. Kumbaga ay all around na. Puwedeng gawing source of communication; texts, calls, chats, plus the social media and internet access via either wifi or mobile data. That can also take good quality photos saan ka man naroon, very handy and useful, tapos puwede na ring gawing playstation dahil makakapag-download ka na ng mga gaming applications diyan anytime you want and you feel like playing. Iilan lang ang mga features na ‘yon na kayang magawa ng maliit at manipis na smartphone na ‘yan.”   Napatango-tango ito, bakas sa mukha ang pagkamangha at pagnanais na masubukan nga din ang lahat ng features na sinasabi niya. Sayang kasi talaga at lowbat nang madala niya ito sa nakaraang panahon.   Naalala niya ang isa pa at huling alas niya para tuluyang maniwala si Flor na totoo talagang nanggaling siya sa panahong makabago.   Kinuha niya ang I.D sling na nakasabit sa collar ng uniform niya at nilahad dito ang mismong I.D card na may complete information niya.   “Take a look at this too. This is my I.D since I attended the college department of SDPU on year 2016.”   Ibinalik nito ang smartphone niya at isinilid na ulit niya ‘yon sa bulsa ng slacks niya saka tinanggap naman nito at binasa ang impormasyon sa I.D niya.   The layout is the university’s signatured color light brown. May buong pangalan ng St. Damian Philippine University sa pinakataas tapos may malilit na address information sa ilalim where the school can be located. Sa upper right side nama’y may maliit na logo ng SPDU. On the center is Quint’s 1x1 school picture and below are his few important details.   Name: Theodore Quint L. Angeles, Jr. Course: BS in Pharmacy Birthdate: February 19, 1998 I.D Number: 1610********** Valid for S.Y: 2016 – 2020   “Dito sa 1990, hindi pa uso I.D system, samantalang doon sa 2018, No I.D No Entry na.”   Hindi na naman nakapagsalita ang dalaga, tulad ng kanina’y napatitig na lang ito sa banyagang bagay na hawak nito na bagong-bago sa paningin nito.   Quint sighed as he persuaded her again on finally believing him and all the words he said. “Itong mga bagay na mayroon at pinakita ko sayo, hindi pa naimbento sa taong 1990 kaya imposibleng magkaroon ako ng mga ganito kung hindi totoo ang sinasabi kong nanggaling na nga ako sa kasalukuyan, ‘diba, Flor? Naniniwala ka na ba sa akin?”   Tiningnan siya nito ng ilang saglit at pagkatapos ay nilampasan ng dalawang hakbang. “Tama ka. Ang lahat ng bagay na ipinakita mo sa akin ngayon ay hindi ko pa kailanman nakita o nasilayan man lang sa taong ito ng 1990, pero… pero mahirap paniwalaan ang sinasabi mo.”   Nang papapunta na pabalik sa silid aralan nila si Flor ay si Quint pa rin at ang mga sinabi nito ang kanyang nasa isip.   Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling, at may mga ebidensya pa nga… pero ang hirap paniwalaan. Paano siyang mapupunta sa ganitong taon kung tapos na pala ang taong ito at moderno na ang mundo?   “Flor! Flor, may kailangan akong sabihin sayo! May kailangan kang malaman, Flor!” Mayamaya ay takbo papunta sa kanya ng nagmamadali at hinahapo niyang kaibigan.   “Ano ‘yon at mukhang nagmamadali ka, Lili? Ayos ka lang ba? Hinihingal ka pa,” nag-aalalang aniya naman sa kaibigan nang makalapit ito sa harap niya tapos ay tinapik pa niya ito sa braso.   Tumango-tango ito. “Oo, ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin, Flor. May kailangan kang malaman.”   “Ano ‘yon, Lili? Anong kailangan kong malaman?”   “Naalala mo yung sinabi ko kahapon na parang pamilyar at parang nakita ko na sa kung saan si Quint? Ngayon, alam ko na kung saan at kung kailan ‘yon, Flor. Nakita ko sa aking balintataw. Mahirap paniwalaan at mas lalong mahirap ipaliwanag kung bakit o paano, pero si Theodore Quint Angeles, Jr. ay nanggaling sa hinaharap. Mula siya sa taong 2018 na bigla na lamang na napadpad dito sa taong 1990,” halos mangilabot nitong pahayag.   Si Flor din ay tuluyang nangilabot at pinanindigan ng mga balahibo dahil sa kumpirmasyon mismo ng kaibigan niyang ang lahat ng mga sinasabi ni Quint sa kanya ay totoo nga. Na nanggaling nga ito sa hinaharap at napadpad lamang dito sa nakaraan!   “Ibig sabihin ay totoo nga talaga ang mga sinabi niya sa akin…”   “Sinabi na rin niya sayo?”   Tumango si Flor sa kaibigan. “Oo, kahapon pa niya ipinagtapat pero hindi ako naniwala. Nagkausap kami ulit kanina at sa muli ay sinasabi niyang nanggaling talaga siya sa modernong panahon.”   Inilahad din niya kay Lili ang school I.D ni Quint na nakalimutan pala niyang ibalik kanina sa binata nang mag-usap sila kaya niya dala-dala hanggang ngayon.   “Ano ‘to?” kunot-noong hinawakan ni Lili ang mismong I.D card.   Tiningnan nitong maigi at binasa ang impormasyon ng binata.   Name: Theodore Quint L. Angeles, Jr. Course: BS in Pharmacy Birthdate: February 19, 1998 I.D Number: 1610********** Valid for S.Y: 2016 – 2020   “Totoo ‘to, Flor. Hindi siya nagsisinungaling o gumagawa lang ng kuwento. Nanggaling talaga siya sa makabagong panahong sinasabi niya,” kalauna’y muling sinabi ni Lili.   Napatungo na lang si Flor at tuluyan nang naniwala. Hindi lang isa kundi tatlong ebidensya ang pinakita sa kanya ng binata na magpapatunay na totoo ang mga sinasabi nito, at ngayon ay idagdag pa ang kumpirmasyon ng kaibigan niyang may kakayahang makakita sa balintataw nito ng mga nangyayari at mangyayari palang sa hinaharap. Oo, si Lili ay may ganoon nga'ng kakayahan. Ang makapag-predict ng future. Si Quint ay hindi nagsisinungaling bagkus totoo lahat ng mga sinabi nito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD