Real Queen/Real Snake

2048 Words
Chapter 2: Real Queen/Real Snake "CALLING THE ATTENTION OF MISS PRESIDENT JANICE VALDEZ, YOU ARE SUMMON BY THE HEADMASTER. "Tatlong ulit nakakarinding ang announcement na iyon. Habang napapangiti naman ang mga kaklase kong idolo siya. Nagresume na ang klase namin. Pero hindi napigilan ng mga kaklase sa bulong bulongan nila. Pero wala akong pakialam. Umalis na ako matapos ang klase at lunch break na. Nakita ko ang babaeng nagliliptint sa bench, she looks calm. Pero napapansin ko ang pawis niya sa noo, although its possible dahil mainit, pero alam kong bakit. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin siya sakin at nagtaas ng kilay. At napatunayan ko ang hinala ko, I saw it. She stole something important. Ang alam ko she's part of Annika's gang. Pero dumuritso na lang ako sa canteen, dating gawi, sa likod ng dorm. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. "Alam mo bang nawawala ang crescent moon necklace ng late headmaster." Kwento ni Shara saakin. I just let her be and continue what I'm doing. Kinalaunan naramdaman niya ring wala akong pakialam. I'm not found of gossips. But gossip loves me so much. "Ito na pala ang panyo mo." Inabot niya saakin ang panyong binigay ko sakaniya kahapon. Hindi ako naghihirap para manghinayang sa isang panyo lang. "I don't need it, just throw it if you don't want it." I said and just continued eating. And turn all of my attention to my carbonara. "I'll keep it na lang, cause it looks cute. " Sabi niya at nilagay sa bulsa ang panyo. Nadala na rin siya ng pagkain this time at kumain rin sa tabi ko. "Whatever makes sleep well. " Balewalang sabi ko at hindi na ulit nagsalita pa. Dahil napansin kong wala siyang balak umalis kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto. "Ano ba talagang problema mo, allergic ka ba sa tao? " She asked in not offending way as she could. But it still did. "Allergic ako sa sinungaling." I simply said while looking at the beautiful weather. And enjoying my food. "Paano mo naman malalaman na nagsisinungaling ang isang tao?" Tanong niya saakin. Saka lumipat na naman sa tabi ko. Is that how insensitive she is? "I just know," then I just shrugged my shoulders. Hindi na ako umalis pa dahil susunod pa rin naman siya. "Sarap mo kausap ano, tipid magsalita may pinag-iipunan." Saka nagsimula ng kumain. Habang kumakain hinayaan ko lang siyang magdadaldal ng kung ano ano. What matters is she's not spreading rumors. Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkatapos kong kumain, ay bumalik na ako sa room ko for first period this afternoon. Nakita kong iniescort si Annika papunta sa office ni headmaster. "Bakit ba ako pinag-iinitan nyo ha! Hindi nga ako kumuha non, I'm innocent ! " Galit na sabi ni Annika. While trying to break free. Hindi siya pinapapasok hanggat hindi kumakalma pero hindi rin pinapaalis hanggat hindi nakakausap ng headmaster. Tumakbo ako papunta sa security room kong saan ang monitor ng mga CCTV sa buong school. As expected deleted ang kuha sa room kong saan nakatago sa necklace. But can retrieve it by dos command as long as nakasave yon sa hard drive at denelete lang. Magaling ang nagplano, pinalabas niyang nagmalfunction ang camera in that room. Pero ang totoo deleted ang clip. I successfully retrieve it by just codes using dos command. As expected again, yong babae sa bench na nagliliptint, nakita ko sa mata niya. Nahanap ko rin ang clip ng usapan nina Janice kung paano niya ito napapayag na traydorin si Annika. Umalis ako agad matapos kong masave ang clip sa memory card ko. Naabutan ko pa si Annika na nag-wawala sa pinto ng office ni headmaster ayaw niyang pumasok. Galit na galit parin at nababantang magsusumbong sa mommy niya "I will sue you all! This is harassment. " Rinig ko pang sabi niya. "No! Hindi nga ako! Wala akong ninakaw." Kaya pumasok ako sa office. Nakita ko doon ang huwarang president, nagpapanggap na inosente sa loob ng office kasama si Headmaster. Nandoon rin ang iba pang officers. "May kailangan kaba Miss Amadeus?" Tanong ni headmaster halatang namumoblema sa kaguluhan sa labas. "Wala po, gusto ko lang po sanang papalitan ang name plate ko." Nilagay ko doon ang name plate ko sa ilalim non ang memory card. Memory card is much smaller than flash drive. "Yon lang ba? " Tanong ni Janice saakin habang may pekeng ngiti sa labi. "Excuse me, headmaster." Paalam ko sa headmaster at hindi ko pinansin ang tanong ni Janice. "Ano bang problema sa name plate mo? " Tanong ni Janice at akmang kukunin niya yon pero hinawakan ko ang name plate ko. "Nasira ko yong parang clip. Hindi na siya kumakapit sa damit ko." Sagot ko at nilapit ang nameplate kay headmaster. Napansin ko namang napansin ni headmaster ang gusto kong iparating kaya kinuha na niya ang nameplate ko. Kaya umalis na ako, paglabas ko sa pinto nakita ko si Annika, galit na galit parin. Nagwawala ito at nananakit na. Natatakot siyang umabot ito sa mama niya. Siguradong malilintikan siya nito. "Is that how real queen act?" Sabi ko at natigilan siya. Bahagya itong napahiya at umayos ng tayo. Natamaan siya sa sinabi ko pero mapride siya. Inayos niya ang buhok niya at pinunas ang pawis sa noo niya. "Anong alam mo kong paano umasta ang tunay na reyna?! " Galit na na tanong nito saakin habang nakataas ang kilay. Nagmamataas parin siya kaya lagi siyang pinag-iinitan ni Janice. "Nothing," Sabi para lumaki ang ulo niya. As expected again. "Then, stay out of this." Galit parin siya pero inaayos niya na ang gusot sa damit niya at buhok niyang magulo. Nagpaypay pa siya sa sarili niya. "Why don't you show me then." Hamon ko sa kanya. para hindi na siya mapahiya. Nakarecover na siya ng konti sa kahihiyan. "Watch and learn." Sabi niya at matapang siyang pumasok sa office. Habang naiwan ang mga pumupilit sakaniyang pumasok kanila. Well done. Bumalik na ako sa klase ko, babalikan ko nalang ang name plate ko mamaya. Habang naglalakad pauwi sa dorm ay nakita kong naglilinis ng comfort room ang babaeng totoong nagnakaw ng necklace, akala niya siguro makakalusot siya dahil kakampi niya ang real queen daw. She betrayed her friend for fame and now, she's cleaning shits. Habang ang inaasahan niyang kakampi ay naghugas na ng kamay at tinalikuran na siya. Nakita ko si Annika di kalayuan nakatingin sa dati niyang kaibigan na tinraydor siya. Nakita ko ang awa sa mata niya, yon ang hindi alam ng lahat kong gaano siya kabait. She's pure in the inside but evil in the outside. She's just playing tough but she's really soft. Ayaw niyang inaapakan ng iba, ayaw niya rin mang apak ng iba. Pumasok ako sa office ni Headmaster Dawson, hindi na ako nag-abalang kumatok. Nandon lang naman siya sa upuan niya. At nakatingin sakin. "Pwede ko na bang makuha ang name plate ko headmaster? " Magalang kong sabi naparang walang nangyari. At binalik niya ang name plate, hindi niya pinalitan. Nasa ilalim din non ang memory card ko. May malapad na ngiti sa muka habang nakatingin saakin. "You did the great job." He complimented me. "Thank you," nagbow ako sa kanya at tumalikod na paalis. "Sino ang nag-utos sa kaniyang gawin niya yon." Wala ng paligoy ligoy na tanong niya sakin. Huminto ako at humarap ulit sa kanya.. "Hindi ko alam," sagot ko sa kanya.. Nagtapu na naman ang mata namin sa pangalawang pagkakataon, bakit? Bakit wala akong makitang secreto? Ano bang nangyayari? Sino ba siya? "Liar," sabi niya at hindi inaalis ang tingin sakin. The next minute he smiled again. This time he already knew that I want something from him. Suddenly the tension between us raise up. "Alam kong alam mo kong sino." He stated. Kahit na kinakabahan ay pinanindigan ko ang sinabi ko. "I don't," Pagmamaang-maangan ko pa. Tumitig siya saakin ng husto at ngumiti saakin. "Nagtataka ka hindi ba? Bakit wala kang nakikita sa mga mata ko?" Shoot! There, that's it. Were finally in the same page. Ano kayang alam niya? Bakit wala akong makita sa mga mata niya? "Sasabihin ko sayo kong bakit, sabihin mo sakin kong sino at anong kaya mo." Alok niya saakin. Kaya napaisip ako. "Paano kong ayaw ko." I was just trying to piss him off. Pero napangiti siya sa sinabi ko. "Ayaw mo ba talaga? " Of course I do, I obviously do. "Depende, " depende kong masasabi kong totoo ang sasabihin niya. "Sigurado akong gusto mo." He concluded. "Hindi ka maniniwala," sabi ko at napaisip naman siya sa sinabi ko. "Sa alin? Sa anong kaya mong gawin o sino ang nag-utos."He asked but it's obviously both. "Pareho," I simply said. I was still trying to read him. Pero wala talaga. "Try me," sabi niya at nanatili lang na nakatingin saakin. "The president herself, she wants to to destroy the self-proclaime queen." Tumango siya at naghihintay pa siya ng susunod kong sasabihin. I easily spill about Janice but I won't easily exposed my self. "I don't lay my cards easily. " I said and stand firmly. I didn't show any sign of fear. "Ask me anything in exchange of what I want to know." He confidently said. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa lamesa at tinukod ang siko nito dito. "Bakit wala akong makita sa mata mo?" Lakas loob kong tanong kahit may posibilidad na wala lang talaga yon, magtataka siya sa tanong ko. Kahit natatakot sa posibleng mangyari ay hindi ako nagpatinag. "Simple, because I close it, I shut it down, pinipigilan kong may makita ka." He said ang look directly to my eyes. Wala pa rin akong makita. "How? " I don't get it. Shut what? "Just think of a strong barrier around you." He said while looking at me intently. Sinubukan ko ang sinabi niya at napangiti siya kinalaunan. "Yeah, just like that. " Sabi niya kaya napaisip ako kung niloloko niya lang ako o hindi. Maybe hindi, why would he talk about that in just all of a sudden. "What are you?" Hindi ko na napigilang itanong kahit alam kong weird. "What are we, not just me. " Sabi niya at humilig sa upuan niya. Muntik ko ng makalimutan, pareho pala kami. "Dahil iba tayo, we're called as Perusers, and the ability we possess is called peruse." Paliwanag niya saakin, this is amusing. I was just listening trying to figure it out. "There are alot of kinds of peruse. Peruse mean intense kind of reading. We can read them. " And I can read their secrets. Finally, I found the right term and meaning of this ability. "At anong kaya mong gawin? " I ask him. But he just smirked. "I don't lay my cards easily." He just back fired me by my own bullets. I mustn't trust him cause I can't see his dirty secrets. But I want to know more. "I can see everyone's dirt secrets, how about you." Hindi na ako nag-matigas sa kanya., aaminin kong interesado ako sa sinasabi niya. "I can see if someone is lying or not." Sagot niya at napaisip ako. Bakit hindi niya alam na si Janice lang ang mastermind ng gulo kanina. "So you know all along that Janice was lying." I concluded. But he shook his head. "Not really, I didn't expect, magagawa niya yon kaya hindi ko siya pinagdudahan. " Sagot niya at nilapag ang glasses niya sa lamesa. "So....marami pangkatulad natin out there? " I hopefully ask him. "Not really, kaunti lang ang mga kagaya natin, at hindi mo rin sila pwedeng pagkatiwalaan." He said in a serious tone. "Bakit hindi? " Tanong ko sa kanya., it seems that there is something deep on that phrase. "You'll know why, just don't trust anyone yet same kind of not." He mysteriously said. Why not? Kung kailan may pag-asa na akong hindi maging mag-isa. I won't be out of place anymore 'cause they are same kind as I am pero hindi pwedeng pagkatiwalaan. "Bakit ayaw mong sabihin ngayon? " Tanong ko dahil nakakaintriga ang tuno ng pananalita niya saakin. "You need to go now baka maabutan ka ng curfew." Sabi niya lang at suminiyas na umalis na ako. Kaya wala akong nagawa kondi umalis nalang. He is the headmaster after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD