Chapter 4: The Drug User
Tahimik ang buong school matapos ang insidenteng pagbagsak ng reyna. Ilang linggo narin ang nakalipas. Ayaw kong pumasok kaya, umakyat ako sa puno sa likod ng building para matulog. Nagising ako sa yapak ng paparating. Minsan lang na may magawi rito kaya nakapagtataka.
Hindi ko na sana titingnan pa kung sino ito dahil sigurado namang hindi ko kilala. Bigla akong may narinig na tunog ng nagbubukas ng lighter. May naamoy akong sigarilyo kinalaunan. Mariin akong napapikit sa inis. Kung gusto nilang magsunog ng ngala ngala, bakit nandadamay sila.
Kaya napatingin ako sa baba, may lalaking nakasandal, may kinuha siyang injection sa bag at maliit na vial. Tinusok niya sa injection sa vial tapos niyang makuha ang laman ng vial ay itutusok niya sana sa pulsuhan niya.
"Mahal yan ah," hindi ko siya nilingon ulit at nanatiling nakatingin sa harap ko pero alam kong napalingon siya sakin.
"Ano ngayon? " Kalma niyang sagot. Wala siyang pakialam kahit nakita ko siya. Humithit ulit ng sigarilyo at bumuga. Dahil nasa taas ako umaabot lahat saakin yong usok.
"Di mo ba ako aalokin man lang?" Mahina itong natawa at naiiling. Sinabit ang sigarilyo sa tainga niya at inayos ang gamit.
"Wag na, babae ka pa naman at bata ka pa." Matamlay nitong saad. Ituturok na niya sana pero pinigil ko ulit.
"Anong ngayon? " Ginaya ko pa ang tono niya kanina. Natawa siya bahagya dahil doon.
"Masama to, sa mga bata, wag ka na lang makialam." Alam niya pala, bakit niya ginagawa?
"Alam mo palang masama bakit mo ginagamit?" Mahina kong tanong. Kumunot ang noo niya. Malalim siyang humugot ng hininga.
"Gusto mo ba talaga? Ayos lang naman." Sabi niyo sa kadahilanang ayaw niya ng makipagtalo sa akin. Ayaw niyang ipaglaban ang rason niya. Iyan ang problema sa kanya. Takot siyang lumaban.
"Anong bang epekto niyan? " Pagkukunwari kong tanong.
"Nagtatanggal ng problema, hindi mo na mararamdaman ang sakit." Makatutuhanan niyang sabi, ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Naiintindihan ko naman kung bakit.
"At nakakabuti yon? " Tanong ko, saka tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatingala sakin, hindi parin naituturok ang injection. Ngumiti siya at mahina na natawa.
"Kahit pala anong sagot ko, wala akong takas. Wala kang alam, kaya wag ka na lang makialam. Alam kong masama pero may rason ako." Nagtagpu ang mga mata namin at nakita ko ang lihim niya.
Ang buong katutuhanan kung bakit nasasaktan siya ngayon. Tuwing ginagawa ko ito ay labis akong naapektuhan at tumataas ang respeto ko sa iba dahil nakita ko ang mga pinagdaanan nila.
"Sapat na rason ang ginahasa ng Amain kaya nagtuturok ng druga? Sapat na rason para sirain mo ang buhay mo?" Tanong ko, alam kong masakit para sa kanya bilang isang totoong lalaki ng malapastangan ng isang bakla lalo na ang tulad niyang may prinsipyo. Sa lahat ng pagmamalupit ng Amain ay wala itong magawa kondi sumunod at magtiis.
Nagulat siya sa sinabi ko, pero unti unti siyang napangiti, ngiting di abot sa mata, ngiting pinilit para takpan ang pagdurusa. Pagdurusa na nagpapahirap ng buhay niya.
"Hindi ko alam kong paano mo nalaman, pero sirain? " Pinakita niya sakin ang injection na may druga. Kitang kita ko ang sakit at pait sa mga mata niya.
"Anong sisirain nito kong matagal ng nasira." Sabi niya at natawa ng mapakla saka nabasag ang boses niya. Napalunok ako at pinilit na wag magpakita ng kahit anong emosyon. Dahil masasaktan lang siya kapag kinaawaan ko siya.
"Bakit di mo isalba kaysa ilugmok tuluyan?" Mahina kong tanong sa kanya. Pilit kong tinatakpan ang awa sa boses ko. Ayokong makita niyang naaawa ako, maaapakan ko ang pride niya.
"Kung kaya ko lang ginawa ko na." Nanghihina niyang sabi habang nakatingin sa lupa. Alam kong tinatago niya ang sakit.
"Bakit hindi, natatakot ka ba? Kala ko pa naman matapang ka. Sabagay kaya nga nag-eemote na lang dahil kulang sa tapang." Sinabi ko yon hindi para saktan siya kondi para magalit siya at ipaglaban ang danggal niya.
"Baka gusto mong alamin ang pinagdadaanan ko saka mo questiyonin ang tapang ko." Malamig niyang sabi, mahahalata mo na ang inis sa boses niya. Umupo ako ng maayos at tumingin ako sa mga building.
"Kahit ano pa yan, hindi parin sapat na sayangin ang buhay na hiram lang." Naniniwala ako sa dios kahit ganito ako.
"Hiram lang? Bakit niya pinahiram kong pahihirapan lang di naman, magaling ka rin, hindi ko na malayan na bible study na pala to. Saka ganon talaga noh? Kapag gustong makialam pero wala namang naaambag, hanggang pagyayabang lang sa kabanalan at mga payo na sinaulo lang hindi talaga naranasan at di rin alam kung anong pakiramdam. Hindi lahat ng problema nadadala sa dasal dasal lang minsan, mabuting sarilinin mo na lang ang payo na puro kabanalan. Matutong lumugar dahil wala kang alam kong anong pakiramdam." Galit na siya sakin, tama, magalit ka. Ipaglaban mo. Ilabas mo ang lahat ng gusto mong sabihin.
"Minsan kasi gamitin ang utak sa tamang paraan, bakit mo ilulugmok ang sarili mong kapalaran kong pwede namang takbuhan." Makahulugan kong sabi sakanya. Nakita kong lalo itong nagalit.
"Matapos mong questyonin ang tapang ko saka mo ako papayuhan nagkaduwagan." Natatawa niyang sabi na may bahid na inis. Alam kong nasusubuk ko na ng husto ang pasensya niya. Naiintindihan ko ang galit niya pero alam naman niyang tama ako kaya siya galit.
"Hindi lahat ng tumatakbo duwag, minsan kailangan lang natin ng panahon para paghandaan ang laban. Para maging patas, sakaling manalo o matalo wala kang pagsisisihan." Natahimik siya at nagbuntong hininga. Galit pa rin siya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Mahina niyang sabi sa akin. Sumuko na siya hindi na nakipagtalo.
"Humingi ng tulong ang pinakamatapang na paraan kapag wala kanang matakbuhan." Napatayo siya galit, gaya ng inaasahan ko.
"Minalamaliit mo ba ko, ha?! Hindi ko kailangan ng tulong! At higit sa lahat hindi ko kailangan ng awa mo! " Galit na sabi niya at inis na tumayo para umalis.
"Di ba tama ako? Hindi mo kayang humingin ng tulong, matatapang lang ang kayang gumawa non." Sabi ko bago siya makalayo. Napahinto siya sa sinabi ko, bumaba ako sa puno at hinagis sa kaniya ang card ko. Nasalo niya naman agad.
"Ibalik mo sakin kong duwag ka, tanggapin at gamitin mo sa tama kong matapang ka, kapag sumuko ka talo ka, kapag nakalampas ka sa isang problema, problema na naman. Ganon lang naman ka simply ang buhay, mahirap nga lang mabuhay." Nakatingin lang siya sakin, nagdadalawang isip kung anong dapat gawin. Hindi makapagsalita nakatingin lang sa hawak na card.
"Ito ang tandaan mo, magkaiba ang takas at takbo."At tumingin ako sa mata niya, pero nagulat ako, bakit wala na akong makita at parang nilalabanan niya ang mata ko. Seryoso siyang nakatingin sakin at biglang kumunot ang noo niya, saka napakurap ng konti.
"Did you just smile?" Nagtataka nitong tanong saakin. Sabi niya saka ko nakita ang secreto na nakita ko kanina. Pero nagulat ako sa tanong niya. Umiling ako bilang sagot sa tanong nito. Bakit niya naman natanong iyon.
"What do you mean? " Nagtataka kong tanong. Naghintay akong mas linawin niya kung anong ibig niyang sabihin.
"Never mind," umalis na siya sa harap ko dala ang card. Posibly kaya na pareho kami? May iba sa mata niya, hindi ko masabi pero ibang iba siya sa mga normal na mata. Kahit naguguluhan ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi niya binalik ang card ko. Ito ang mas importanti ngayon.
Pinanood ko lang siyang maglakad palayo. Matangkad rin siya at tisoy kaya hindi na maipagkakailang lapitin siya ng bakla kahit pa babae. Magulo ang buhok pero at mapungay ang mata. Sinong mag-aakala sa maayos niyang tindig may malaking problema siyang pinapasan araw araw. Sana mahanap niya ang tamang landas para sa kanya at lakas ng loob para laban ang lahat ng hamon sa buhay.
Napagpasiyahan kong pumasok na kahit last period na lang. Pagpasok ko sa room, ganon parin magulo, parang sila lang ang tao sa mundo. Nagkukulitan at nagbibiruan, pero kaniya kaniyang siraan. Kaya ayaw kong malapit sa kahit sino, dahil kahit anong dami ng kabutihang nagawa mo, pero dahil lang sa isang mong kasalanan lahat yon burado.
Hindi nila narerealize na. Mistake is part of learning, Not betraying, Instead of forgiving, they end up revenging. Umupo ako sa lagi kong inuupuan. Sanay na ako mga sulyap sulyap nila.
They think I'm weird,
And I think they're idiots,
Fair enough.
Hapon na kaya uwian na namin, sa kaniya kaniya naming dorm. Muka man kaming nakakulong nandito naman lahat ng kailangan namin, even liquor and drugs.
Nasabi ko ng nandito ang anak ng mayayaman sa mundo kaya nakaya nilang ipuslit ang bisyo nila sa campus. May hidden club dito na walang nakakaalam, mga party animal lang. I've never been there, hindi ko rin naman gusto.
When I say anything we need. Syempre kasama na don ang mga damit, stores, derma, spa, basketball court, soccer field, park, bookstore, in short luho at ang hindi alam ng may-ari ng school. Casino, yeah right. Casino. Perks of being rich. May biglang sumabay sa paglalakad ko, alam ko na agad ang pabangong to. Girly strong signature smell of Annika.
"OH! " Abot niya sakin ng cape.
"Tanggapin mo na walang lason yan." Sabi niya at uminom rin sa kape niya. Nakalagay sa takip non ang memory card ko. Nakakagulat na binigyan niya pa ako ng kape.
"Para saan to para kabahan ako? " Mahina kong tanong sakanya, halata naman sigurong sarkastiko yon. Gusto niyang bumawi sa ginawa kong tulong.
"Hindi, pinapakita ko lang sayo na di lahat ng kape mainit may malamig din." Sabi niya sakin habang naglalakad kami papunta sa girls dorm. Ice coffee pala tong binigay niya. Hindi ko kailangan ng pasalamat niya sa kahit anong paraan. Mabuti na rin at naalis si Janine sa buhay ko. Lagi rin niya akong pinag-iinitan.
"Ayaw kong isipin kong anong gusto mong iparating." Kahit naiintindihan ko naman talaga. Ayoko ko lang tanggapin ang katutuhanang sinusubukan niya akong kaibiganin. Ayokong mapalapit sa kahit sino.
"Sige wag ka na mag-isip. Ang ibig kong sabihin. Hindi lahat ng mukang maldita, maldita talaga may hindi rin. Hindi lahat ng iniexpect mo magkakatotoo." Paliwanag niya saakin at uminom ng kape niya. Tinapik niya ako sa balikat.
"Sana nga, sana hindi magkatotoo ang mga eneexpect ko. " Lahat kasi ng inaasahan ko nagkakatotoo. Gusto ring maranasang magulat.
"Totoo yan, tested ang proven." Sagot niya, napapalingon ang lahat ng nadadaanan namin. Nagtataka kung bakit kasama ko ang tinatawag nilang Queen.
"Alright, I just want to remind you that you don't need to stick around. " Saad ko at napalingon ito sa akin.
"Ingat, hanggang dito lang ako." At pumasok na siya sa dorm niya. Simple lang naman si Annika, hindi makapal magmake up. Sosyal manamit, Oo. Pero maarte? Hindi naman talaga. Matapang lang talaga at may paninindigan, confident sa lahat ng panahon. Sinasabi ang gustong sabihin, makakasakit man o hindi. Kinaiingitan rin ang kutis niya, hindi kaputian, hindi rin kaitiman. Kumbaga sakto lang, makinis at makintab. Maganda ang kurba ng katawan at hindi katangkaran.
Gusto ko lang linawin na hindi normal na dorm ang nandito. Parang condo unit is ang nandito. May taxi rin sa paligid ng campus dahil, medyo malaki at malawak talaga ang Maddox Academy. Para itong maliit na village na kompleto lahat. Hindi kami makalabas kaya dinala nila ang syudad sa loob ng campus. It seems impossible but there's nothing money can't do.
"Kamusta, " natigil ako sa paglalakad.
"Maayos naman. " Tipid na sagot ko sa kanya.
"Bakit parang natatakot ka? " Sabi niya at sinara ang libro na hawak niya at tumayo sa pagkakaupo nito.
"Hindi ako marunong matakot, Gavin. " Sumilay ang isang ngiti sa labi niya.
"Talaga? Gusto mo bang turuan kita? " Tanong nito at agad akong natawa.
"At maging s*x slave mo? Masyado pa akong bata, Gavin." Dumilim agad ang expresyon niya dahil sa sinabi ko.
"Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, Vale. Mahirap ng bawiin ang bawat salita ng binibitawan mo. Posibleng ikapahamak mo ito. Lalo na ako ang kinakalaban mo. "