Inis na inis na isanara ni Ellise ang pintuan. Nagsisikip ang kanyang dibdib sa galit.
Habang si Frances ay di’mo masasabi kung masaya ba o malungkot. Papunta siya sa mansion ni Mark, kasama ang kanyang mga kaibigan. Habang nandoon ay laging bukang bibig niya si Ellisse na naiiba raw ito sa ibang babaing nakarelasyon ng kanyang kapatid. Nagplano nga ito ng masayang selebrasyon para sa kanyang darating na kaarawan. Nagtataka man si Mark ay hinayaan nalang niya ang kanyang nakakatandang kapatid.
Kinahapunan umuwi si Dianne mula sa eskuwela ay agad niyang ikinuwento rito ang ginawang pagdalaw ni Frances Nakpil. Wala siyang hindi ikinuwento sa naging usapan nalang dalawa. Nakaramdam na man ng hiya si Dianne.
“I’m very sorry, ate Ellise, hindi ko talaga alam na ganoon pala ang pag-uugali ni Kuya Frances eh.”
“Iyan ang sinasabi ko sa iyo, Dianne. Hindi kana dapat umibig kay Mark alam mo naman ang sitwasyon natin diba,”
“I know ate, pero nakita mo naman kung gaano kabait si Mark , walang babae ang hindi magkakagusto at iibig sa kanya.”
Sabagay, nasa isip ni Ellise.
Samantala, si Mark ay hindi na nagulat.
“Pasensya kana, Ate Ellise ha. Pati ikaw ay nakaranas nga kagaspangan ng ugali ni Kuya Frances. Nagtataka lang ako, kanina kasi sa bahay ay hindi niya binanggit sa akin na nagkasagutan pala kayo. Nagpunta siya sa bahay kasama ang dalawang kaibigan niya at panay pa nga kwento niya tungkol sayo. Hindi man niya diretsahang inamin eh, parang impressed siya sa iyo, bilang si Dianne.”
“Paano mo natiyak na ako nga ang tinutukoy niya, na girlfriend mo?.”
“Alam ko kasi na sa mga oras na iyon ay nasa paaralan pa si Dianne noong nagpunta siya dito kaya ikaw na ang naisip ko, wla naman kayong ibang kasama diba? Nakapagtataka lang kung bakit ka nagpanggap na si Dianne?”
“Actually, wala sa plano ko iyon, kaya lang naunahan ako ng Kuya mo. Pagbukas ko palang ng pinto eh kung anu-ano na ang mga akusasyon niya”.
“Sa galit ko, sa halip na ituwid ko ang maling paniniwala niya na ako ay si Dianne, nakipagtarayan na lang ako sa kanya at hinayaan ko nalang siya sa kung ano man ang iniisip niya.” Habang naningkit ang mga mata ni Ellise.
“He was the most ruthless man that I’ve ever met.”
“But you know , Ate, this is strange, he was in a good mood kanina nong nasa bahay siya, inimbita pa nga niya ang mga kaibigan ko na nagkataon na nasa bahay din noong oras na iyon para sa kanyang darating na kaarawan doon sa bahay namin sa probinsya.
Nakapagtataka nga eh dati wala na man selebrasyong ginaganap tuwing kaarawan niya. Sa darating na ikalawang lingo yata iyon.”
“E, di pa pala tayo makaka-alis sa Linggo para manood ng basketball?” sabi ni Dianne.
Naawang napatingin si Ellise sa kapatid.
“Makakapunta pa kayo, diba sa ikalawang lingo pa naman ang Birthday nun”.-sabi ni Ellise
Tumango na man si Mark.
“Meron pa tayong problema, inaasahan niya ang pagdating ko ang kasama ko ay ikaw, Ellise, dahil ikaw ang inaakala niya na girlfriend ko.”
Nagkatinginan ang magkapatid. Parehong nalilito.
“Di huwag mong siputin. Hayaan natin siyang mapanis sa paghihintay.” Inis na sinabi ni Ellise.
“Hindi maari, Ellise. Lalong magmamalaki iyon at iisipin na nasindak ka niya kung kaya natatakot kang makaharap siya. At laong iisipin niyon na may natumbok siya sa iyo.”
“Ang yabang niya ha,” galit na angal ni Ellise. “Anong akala niya sa sarili niya, hari? I’m sorry to say this, Mark. Wala akong pakialam kahit kapatid mo pa siya pero sa mga oras na ito, kung puwede ko lang tirisin ang kuya mo, ginawa ko na, kanina pa”. Humihingal sa inis na sabi ng dalaga.
Tumingin ng nakauunawa ang lalaki.
“I feel the same way, Ellise”.
Ilang saglit na natahimik ang tatlo na para bang buong mundo ang sinuong nalang problema.
“Sasama ako sayo, Mark.” Maya-maya ay walang kagatul-gatol na sabi ni Ellise.
“Kung ano-ano ang mga sinasabi nya sa akin! Gusto kong makabawi.” Taas noong sabi ni Ellise “At kailangan naring putolan ang sungay ng lalaking iyon. Masyado ng mataas ang lipad niya. Kailangan na siyang hilahin pababa upang sumayad uli ang mga paa niya sa lupa. And besides wala kayong kawalang dalawa ng kapatid ko kung patuloy siya maging ganun.”
Nagkatinginan pa ang dalawang Love Birds. May kumislap na kasiyahan sa kanilang mga mata.
Malayo pa mn ang araw ay naghahanda na si Ellise, para sa paghaharap nila muli sa kinaiinisang lalaki.
Inihanda niya ang sarili sa isang pakikipag-tunggalian. Pinili nya ang pinaka-eleganting damit na kanyang nagamit na sa pagmomodelo. Dahil hindi niya hahayaang makakita kahit na katiting na maiipintas sa kanya si Frances Nakpil.
Kinakailangang makuha niya ang paghanga at tiwala at higit sa lahat ay ang paggalang nito.
Gagawin niya ang lahat para sa kanyang kapatid. Dahil kung maging okay na ang lahat hindi na mamumurublema si Dianne sa buhay na kakaharapin nito kasama ang lalaking mamahalin nito na si Mark.
Pagkatapos maghanda ay naglilinis na sya ng kanilang apartment ng tumunog ang kanyang cellphone.
“Hi, Good Morning, Beshy” Kumusta na ang buhay, nakakita na ba kayo ng matitirhan pansamantala?”
“Yes, Beshy, Maraming Salamat sa pangungumusta ha, may balita na ba?”
“Wala Beshy eh, wala pa yatang event sa London kaya hindi pa sila naghahanap ng mga modelo, hayaan mo pag-meron na ikaw ang pinaka-una kong tatawagan.”
“Aasahan ko yan, beshy ha, nababangut na ako dito sa bahay, at kailangan ko na rin mag-trabaho para man lang makatulong at mabayaran ko na yong boyfriend ng kapatid ko"
“Oo na, maasahan mo ako niyan”.
“Salamat Beshy.”
“Bye”.
Lumipas ang isang lingo, Sabado na ngayon.
Alas-dose pa lamang ng tanghali ng sunduin siya ni Mark sa kanilang bahay. Nagpaalam na rin ito sa kanyang nobya.
“Mag-iingat ka dito sa bahay dahil ikaw lang mag-isa.”
“Oo na, diba uuwi din namn kayo sa susunod na raw.”
“Kahit na Dianne, mag-iingat ka pa rin.” Ani ni Ellise sa kanyang kapatid.
“ Yes, Ate.” Sabi ni Dianne
Humalik na man si mark kay Dianne bago mupasok sa sasakyan. Sumunod naman si Ellise.
“Mag-iingat ka doon, Ate” –pahabol na sigaw ni Dianne.
Mahigit dalawang oras din ang biniyahe nila bago nakarating sa probinsya nito.
Isang simpleng pantalon itim at sleeveless na blouse, na may kasamang jacket ang isinuot ni Ellise sa byahe. Nasa loob ng isang maliit na suitcase ang isusuot niya para sa okasyon at ilang personal na bagay.
Bago mag-ikalima ng hapon ay nasa Villa Nakpil na sila, Hindi man maiwasan ang labis na paghanga sa kagandahang nasisilayan ng kanyang mga mata sa bawat maraaanang lupain ng mga Nakpil.
Hindi nakapagtatakang ganoon na lang ito kahigpit sa pangangalaga ng mga kayamanan nito. Bulong sa isip ng dalaga.
Nagmaalala niya ang lalaki ay muling nabuhay ang inis sa kanyang dibdib. Lalo na ng ma-alala ang mga pang-iinsultong inabot nya rito. Nagtangis ang bagang ng dalaga at wala sa loob na napawalan ang isang malalim na bunting-hininga. Napalingon naman si Mark.
“Afraid?”
Napatingin siya rito.
“What?”
“Sabi ko, kung natatakot ka ba? Ninenerbyos?”
Tumaas ang kilay ng dalaga.
“Ako? Kanino? Sa Kuya mo?” Umismid siya.”Never”.
Kaunti lang ang mga silyang nakaayos sa bulwagan ng malaking hardin. Ngunit maayos at maganda ang nasasabing preparasyon.
Hindi kaagad nagsanga muli ang landas nila Ellise at Frances. Nagkaroon pa ng pagkakataong makapagpahinga ang dalaga sa silid na inilaan sa kanya sa malaking bahay.
Bago mag-ikaanim ng gabi handa na ang dalaga sa napaka-eleganting kasuotan. Nakaupo siya sa gilid ng kama Habang hinihintay ang katok sa pintuan na hudyat na nagsisimula na ang pagtitipon.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila kinakabahan siya at tila nasasabik din sa muli nalang pagkikita at paghaharap ni Frances. Magkasiklop ang kanyang mga palad ng mapakislot sa narinig na pagkatok sa pintuan.
Saglit na tinapunan ng tingin ang sarili sa malaking salamin bago tuluyang binuksan ang pintuan. Nakatayo ang makisig na si Mark at hinihintay siya. Malapad ang ngiti ang namutawi ng Makita ang kabuuan niya.
“Tiyak na maiingit si Kuya Frances kapag nakita ka.”
Natawa na man si Ellise.
“Talagang maamoy ko ang init ng gabing ito.”
Tumawa rin si Mark.
“Are you still game? Sabi ni Mark
“Of course, for my sister’s sake and for you as well.”
“Thank God, Dianne has a sister like you.” Ani ni Mark na sa pagkagalak ay ginagap ang dalawang kamay ng dalaga at sabay na nahalikan.
“ Is that the best thing you can do, Mark?”
Sabay na napalingon sina Ellise at Mark sa nagsasalitang si Frances. Nakatayo ito sa labas ng pintuan ng sariling silid. Waring kakalabas lang at inabutan sila sa tagpong iyon. Sa dalaga nakatuon ang paningin nito.
Ngumisi lang ito at bumaba na sa hagdan. Sumunod na lamang si Ellise at Mark.
Sunod-sunod ang pagdating ng mga imbitadong panauhin. Bagamat kakaunti pa lamang ay hindi magkamayaw si Frances sa pag-iistima sa mga ito.
Tahimik naming nagmamasid si Ellise na katabi ni Mark sa isang lamesa. Nagulat pa siya ng biglang lumingon sa kinaroroonan nila si Frances at sakto na mang nagtama ang kanilang mga mata.
Bago pa nabawi ng dalaga ang kanyang paningin ay humakbang na palapit sa kanila si Frances. Kay Mark na ito nakatingin. At ng nakalapit na ay nagsalita na ito.
“Mark, pwede ko bang hiramin at ng maipakikilala ko ang sister-in-law to be sa mga kaibigan ko.”
Hiramin, ano ako laruan? Bulong ni Ellise.
Hindi malaman ng dalaga kung sinadyang pagaanin ng lalaki ang pagsasabi ng magiging relasyon nila o ilusyon niya lamang ang pait na nabasa sa tinig nito.
Nagulat pa siya ng ilahad ni Frances ang kanyang mga palad sa harap ni Ellise. Napatingin siya kay Mark na sakto naman nakatingin sa kanya at tumango naman ito hudyat na sumang-ayon ito na sumama siya rito.
“Don’t worry, ibabalik din kita sa kanya.” Sabi ni Frances
Napatingin pa siya kay Frances na may pagkalito dahil parang may galit ang tono at diin ang pagkasabi nito. Lalo pa siyang nalito ng magtama ang mga mata nila at tila naging maamo na ulit sa kanya ito.
Naibigay nalang niya ang kanyang palad at sumama na siya rito.
“I’ll never allow you to marry Mark” Ani ni Frances Habang naglalakad sila palapit sa mga kaibigan nito.
Gulat si Ellise na napalingon rito. “Ano sabi mo?”
“You Heard me.” Hindi tumitigin na sabi nito.
Inis na hinila ni Ellise ang kanyang kamay ngunit hindi ito binitiwan ng lalaki hanggang sa makalapit sila sa mga kaibigan nito. Pinilit nalang niyang payapain ang nagpupuyos na galit sa kanyang dibdib.
“Ladies and Gentlemen, This is Dianne Fuentabella. Mark’s friend.” Pakilala ng binata.
Gusto ng sigawan ni Ellise ang lalaki ngunit nagpipigil lang siya at buong kaplastikang ngumiti sa mga pinapakilalang tao nito. Iisang bagay lang ang napapansin ni Ellise ang kamay niyang hindi pinapakawalan ng lalaki.
Na kahit lumingon siya kahit saan ay nararamdaman nalang niya ang pagpisil nito. Naguguluhan siya. Di kaya binabastos ba siya ng kapatid ni Mark?
Ngunit alam niya sa sariling walang katotohanan ang tanong na iyon.
Nararamdaman niya na hindi na ganoon ang intensiyon ng lalaking nagkukulong sa kanyang palad. Kung ano man ang ibig sabihin niyon ay hindi na niya alam at ayaw niyang alamin iyon.
“Frances, Oh, there you are. Happy Birthday, sweetheart.” Tuloy-tuloy na sabi ng bagong dating na babae at sabay halik sa nagulat na lalaki.
Tumingin sa kanya ang bagong dating na babae at bahagyang tumaas ang kilay nito ng mapatingin sa kamay nilang magkahawak.
Nahila niya ng wala sa loob ang sariling mga palad. At kaagad din naman itong pinakawalan ni Frances.
Maganda din naman ito kaso mararamdaman mo talaga sa dating niya ang pagiging matapobre at arte sa katawan nito.
“Lily, This is Dianne Fuentabella, girlfriend ni Mark. And Dianne this is Lily Marre.” Pakilala ni Frances.
“His Girlfriend!” mataray na dagdag ng babaing nagngangalang Lily.
“So, you are the new and latest infatuation of Mark. No doubt he’s madly in love with you, Such deceitful beauty.” Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa Habang nang-uuyam ang ngiti nito.
Napasinghap nalang si Ellise sa patindi ng patinding galit sa dibdib ng dalaga.
Pakiwari niya ay isa siyang bulkan na kahit anong oras ay sasabog na sa tinitimping paghihimagsik ng kalooban.
Bago pa siya nakapagsalita ay mabilis na umalis si Frances habang akay-akay ang babae palayo sa kanya.
Nagpasya nalang siya umalis at bumalik sa kinaroroonan ni Mark pero bago pa man siya makarating ay bumalik agad si Frances at hinawakan pa siya sa siko. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ng dalaga ng tapunan ng tingin ang lalaking kaagapay niya sa paglalakad.