NANATILING lihim ang natuklasan niya, gusto niyang sabihin kay David pero nag dadalawang isip siya kung paano niya sasabihin ito na hindi siya uulanin ng isang katutak na tanong. Ayaw pa naman niyang nag eexplain o mag kuwento about sa mga kakayahan niya o mga alam niyang bagay na hindi ginagawa ng isang ordinaryong babae. Okay lang sana kung isa siyang Militar, kaso hindi.
NAGING normal ang bawat araw nila ni David, ganon pa din nililigawan pa rin siya, Alam na rin ng mga kaibigan niya, masaya naman ang mga friends niya sa nakikita sa kanila ni David, pag walang meeting si David, sabay silang kumakain pag lunch break, Naging magaan na din ang loob nilang dalawa sa isat-isa, nag bibiruan na din sila kung minsan, madalas nahuhuli ni Jenna na tinititigan siya ni David, at pag nakatingin siya biglang ngingiti ito sa kanya. Isang araw niyaya siya nitong mag dinner at pinag bigyan naman niya, pag labas nila napansin na agad niya ang sasakyan na ilang araw na sumusunod sa kanya, hind lang siya malapitan dahil its either naliligaw niya or hindi siya maabutan dahil sa may bodyguard siyang binigay ng kuya niya na hindi niya nakikita, ang alam lang niya once na lumabas siya ng office o bahay may nag babantay sa kanya. Pumunta sila sa isang Italian Restaurant, pag pasok nila, dumeretso sila sa pina reserve ng lamesa for two ni David, Masaya silang kumakain ng biglang “ Hi, Babe, how are you?, long time no see.” Pareho silang napatingin ni David sa nagsasalita, “ Ano ginagawa mo dito Carol? Can you see kumakain kami.” “Yah, can I join you?” si Carol. “No, may importante kaming pinag uusapan” sagot ni David. “David, David, parang d mo naman ako kilala, I don’t take no for an answer.” Si Carol. “Ganon ba, so we better go, Jenna, lets go, sa iba na lang tayo mag usap.” Si David. Walang nagawa si Carol ng sabay tumayo ang dalawa ang umalis, palabas na sila ng pinto ng biglang hilahin ni Carol ang buhok ni Jenna, dahil sa gulat hindi naka buwelo si Jenna kaya nahatak siya, pero bago pa siya masampal ni Carol, hinawakan niya ang kamay ni Carol na nakahawak sa ulo niya sabay ikot at sabay sampal gamit ang isang kamay, nagulat si Carol. ”Don’t you dare, hindi mo ako kilala,” sabay talikod at lumabas na sila ni David. Nakita niyang nakatayo ang dalawng lalaki na susugod sana sa kanya, akmang lalapitan siya at hahawakan, pero inunahan na niya, sinipa niya sa legs ang lalaki at ang isa naman sinuntok niya sa mukha, “Tantanan niyo ako dahil alam ko sinusundan niyo ako, kung ayaw niyo malumpo tigilan niyo ang kakasunod sa akin” Si Jenna, Nagulat si David ng paglabas niya naabutan niya naka upo sa sahig ang dalawang lalaki. Niyaya na siyang umalis at sumakay na siya sa passenger seat ng kotse ni David. Nakita na lang niya na lumabas din si Carol sa restaurant na ang sama ng tingin sa kanya.
Wala silang kibuan ni David, hindi alam ni David kung paano kausapin si Jenna, “Pasensiya ka na ha, baka matakot ka na sa akin.” “Hindi naman, alam ko naman na hindi ka rin magpapa api.” “Yah, ayaw ko lang na pinag bibintangan ako ng kung anu-ano. Ang dami mo kasing chicks.” “ He he he, sila lang naman ang habol ng habol sa akin, wala naman akong pinangako sa kanila, ganon siguro pag pogi.” Tumingin lang si Jenna sa kanya at natawa.
Sa mga sumunod na mga araw, naging masaya naman sila, hanggang sa sinagot na ni Jenna si David. Nong una ayaw ni Jenna ipaalam sa mga kasamahan ang relasyon nila dahil baka maging issue, kaya lang hindi maiwasan na mag isip ang mga tao dahil lagi silang magkasama at talagang pina kikita ni David ang sweetnest niya kay Jenna, hindi naman niya mapag bawalan ang lalaki dahil ayaw niyang isipin na kinahihiya niya ang relasyon nila kaya hinahayaan na lang niya ito. May mga natutuwa at kinikilig, pero hindi maiwasan na mayroon din nagtataasan ng kilay na feeling nila na masyado siyang ambisyosa, since hindi naman nila alam kung anong pamilya ang kanyang pinang galingan.
***
Maagang umalis si Jenna sa bahay niya, nakita niya agad na may sumusunod sa kanya pag labas niya ng village nila since nag higpit nanaman ang homeowners nila, hindi na basta-basta nakaka pasok pag may sticker dahil taon-taon nag iiba ang sticker nila at kung wala kang bahay sa village na yon, kailangan may endorsement mula sa mga naka tira doon bago ka maka kuha ng sticker. Kaya siguro sa labas na lang siya ng village nila inabangan. Alam niya na nakasunod sa kanya ang mga tauhan ni Carol, ayaw talaga siyang tantanan nito. Dahil sa inis, tumawag siya sa office nila at sinabing mag half day siya, ayaw na niya patagalin pa ang pang iinis sa kanya ni Carol kaya ngayon tatapusin na niya, tumawag siya sa Ninong niya para sa back up, kaya dumaan siya sa hindi mataong lugar, kailangan mahuli sa akto ang mga ito para wala ng kawala incase kasuhan niya. Nag kunwari siyang nasiraan kaya tinigil niya ang sasakyan niya, bumaba siya at kunwaring tinitingnan ang sira, hanggang sa sumulpot sa harap niya ang 3 tatlong lalaking sumusunod sa kanya. “ Mukhang umaayon sa atin ang pag kakataon, ngayon wala ka ng kawala sa amin, matatapos na rin ang trabaho naming sa kakasunod sa yo Ms. De Dios, ang hirap mong tiyempuhan lagi mo kasi kasama si pogi eh. Paano ba ito, nag iisa ka ngayon? Mas mabuti pa siguro sumama ka na lang sa amin, kailangan ka lang makausap ng boss naming.” Sabi ni Tonyo. “Paano niyan ayaw ko sumama, may magagawa ka ba?” si Jenna. “ Tapang naman ni Ms. Beautiful, wala ka naman magagawa eh, nag iisa ka lang, tatlo kami”, si Tonyo ulit. “ eh di tingnan natin kung maiisasama niyo ako”, bago pa hawakan Jenna ni Tonyo, sinuntok niya na ito sa mukha, tumilapon ito, nagulat si Carlos at at isang kasama pa nito, kaya sinugod siya ng dalawa, binigyan niya ng tig isang sipa sa dibdib ito kaya hindi rin naka lapit sa kanya, nang maka buwelo ang tatlo, sabay-sabay silang sumugod kay Jenna, pero wala din silang nagawa dahil mas mabilis si Jenna sa kanila, bago pa maka bangon ang tatlo dumating na ang tinawagan na back up ni Jenna at hinuli ang tatlo dinala ito sa presinto at doon sila kinasuhan, nong na interrogate doon kumanta ang isa na kasama nila since kinuha lang siyang driver ng dalawa, tinuro na si Carol Cruz ang nag utos sa kanila, kaya pati si Carol hinuli ng mga pulis, kinasuhan niya ito. Ang recorded na usapan ang nagpatunay na may ugnayan ang tatlo.
Pag balik niya sa office, nalaman ni David ang nangyari, alalang-alala si David sa kanya, sinabi na lang niya na tinapos lang niya ang mga balak ni Carol sa kanya. Niyakap siya ng binata. Naging maganda ang mga sumusunod na mga araw nila, hindi na nila napansin na umabot na silang dalawang taon. Hanggang sa dumating ang hindi niya inaasahan.
****
Anniversary nila kaya nag plano silang mag out of town na dalawa, pumunta sila sa private beach ng pamilya ni David, silang dalawa lang, maganda ang lugar, tahimik at malinis. Nang makarating sila sa gandang-ganda si Jenna sa bahay na tutuluyan nila, sa labas gawa sa kawayan, pero pag pasok mo magugulat ka dahil very homey at hindi siya ordinaryong bahay kawayan, modern style sa loob pati ang gamit, pero hindi kalakihan, pang vacation house lang talaga. May dalawang room, sala at kitchen. Sabi ni David may caretaker daw na naglilinis doon. Puno ang ref ng mga supplies, kaya alam niya hindi sila mahihirapan mag luto ng pagkain nila. Pagkatapos nilang mag pahinga, naisipan nilang mag swimming. Isang two-piece swimsuit ang suot niya, hindi naman daring sakto lang, si David naman naka surf short pero walang suot na pang itaas, napa singhap si Jenna, sobrang ganda ng katawan ni David, parang gusto niyang hawakan at bilangin ang abs ng nobyo, hindi na lang niya tinitingnan dahil naiilang siya.