DUMATING nanaman ang Friday last day of the week, maagang pumasok si Jenna, naka pants siyang stretch at naka blouse at naka tuck in, pinarisan niya ng 2 inches’ heels. Pag pasok niya, nilingon nanaman siya ng mga paghangang tingin galling sa mg aka office mate niya preferably guys, ngiti lang ang sinagot niya. May announcement silang natanggap na may darating na bisita ang company nila mag o-observe sa office nila galling Korea, ang sabi mag iinvest daw ito at ito ang mamahala ng branch sa Korea, at gusto makita ang day to day work flow para alam din nito pano ang gagawin sa magiging branch nito sa Korea. Since siya ang secretary siya ang naki pag coordinate sa mga incharge sa pag aayos ng conference room dahil ipapakilala sa kanila ang bagong boss, pinaayos niya ang mga table and chairs, lahat sila pupunta.
Lumabas si David at tiningnan siya, ayaw salubungin ni Jenna ang mga tinign ni David, naiilang siya, “ Hmm.. ayos na ba ang conference room? Can we start at 1pm after lunch? Dadating na din kasi si Mr. Park.” “Okay na sir.” Tsaka lang siya tumingin kay David. Medyo nailang si Jenna sa tingin ni David, “You look beautiful Jenna.” “Thank you, sir.”
Pagka tapos ng lunch break, lahat sila pumunta na sa conference room, habang naka upo at naghihintay at dahil magkatabi sila ni Kathy, hindi maiwasan mag usap sila “oh, kamusta na ang lagay ng heart, any update?” “Ano ka ba? Wala,mukhang may nag babalik eh, alam mo naman ayaw ko ng complicated na relationship, pag d ukol eh d hindi, ayaw ko ipilit.” “Sira ka talaga, wala pa nga suko agad?malay mo naman wala na siyang nararamdaman don sa Angela, eh magpapa lipad hangin ba yan sa yo kung yon pa ang love niya? Isip din girl.” Nakuwento na niya kasi kay Kathy lahat-lahat, kaibigan niya si Kathy, maraming alam ito sa kanya, since mabait ito at napatunayan niyang hindi ito tsismosa, nang mnsan nag katampuhan sila at ilang araw na hindi ng usap ni minsan wala itong sinabi against sa kanya, hanggang nagkabati na lang sila, Sabi ni Kathy, hindi siya ganon na kaibigan hindi porket nag away kailangan mo ng ikuwento sa iba ang pinagkatiwalang sekreto ng isang tao, at ang tampuhan nila is between the two of them lang wala din silang pinag kuwentuhan kaya walang naki sawsaw sa issue nila. “Asan na ba si Boss?, bakit nauna ka dito? Si Kathy, “kumain sila sa labas ng bisita niya, niyaya niya ako pero d ako sumama’, “ha! Bakit?” “eh ayaw ko, ano naman ang gagawin ko don, eh, lunch lang naman yon, hindi meeting, kung baga hindi business.” “Ay, Tange!, kaw talaga hina mo.” Natahimik na lang si Jenna.
Bigla silang tumayo ng may nag bukas ng pinto at pumasok na ang mga department heads at ang boss niya kasama ang investor/business partner na si Mr. Park. Nang mapa dako si Jenna sa likod ni David, nanlaki ang mata niya, kilala niya ang lalaki, si Mr. Park lang naman ay si Ji-ho Park na mentor niya nong nag aaral siya ng Taekwando, they are even close, like brothers and sister, katunayan nag bakasyon siya noon sa Korea at doon siya tumira sa bahay nila Ji-ho at kaya marunong ito kahit papano mag salita at nakakaintindi ng tagalog ay dahil sa kanya. Gusto umiwas ni Jenna pero since sa harap sila naka upo ni Kathy, hindi niya alam kung paano itago ang mukha niya, napansin siya ni Kathy, “Hoy, ano ginagawa mo, bakit panay yoko mo?, tumingin ka sa harap nakatingin si Sir David sayo.”, napansin ni David parang may something wrong kay Jenna na hindi mapakali. “Kathy, yong kasama ni Sir, kilala ko yan, mentor ko yan sa Taekwando.” “ha? Eh di ok, at least kilala natin.” “sira ka talaga, eh d malalaman na marunong ako ng Taekwando, eh diba ayaw ko nga ipaalam.” “Ay! Oo nga pala. D bale baka d ka naman agad makikilala niyan.”
NAGSALITA na si David, “Ladies and Gentlemen, I would like to introrduce to you Mr. Ji-ho Park, our new member in our family, he will stay here and observe our operations. I hope everybody will be more accommodating and friendly to Mr. Ji-ho Park. Mr. Park would you like to say something?”
“Well, Thank you David, Don’t worry I know how to speak and understand Tagalog so you don’t need to worry na mahirapan kayo maki pag usap sa akin. I have learned the language thru my Filipina student in Taekwando, she really good and beautiful. I wish magkita kami ulit. Anyway, I’m looking forward to work with all of you. By the way, you can also call me Chino, My mom is a Filipina and my father is a Korean, that’s why I really love to learn Tagalog.” Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ni Mr. Park, but before siya umalis sa podium, napako ang mata niya kay Jenna, Nagulat siya at ngumiti, “Oh, by the way, what a coincidence” lahat ng tao napatingin kay Ji-ho, napatngin din si David kay Ji-ho na nakatingin kay Jenna, medyo kumunot ang noo ni David, “ So, you are working here my dear, what a small world.” Nilalakihan ni Jenna ang mata niya na naka tingin kay Ji-ho na wag magsalita pero mukhang hindi nakuha ni Ji-ho ang sign. Kaya.. “ By the way, the student of mine who used to teach me tagalog is here pala sa company, its nice to see you Jenna De Dios.” Lahat ng tao napatingin kay Jenna, Wala ng nagawa si Jenna kung di tumayo dahil lumapit si Ji-ho sa kanya at niyakap siya. Dinala niya si Jenna sa harap at pinakilala “You know this girl is really amazing, siya yong student ko sa Taekwando na sinasabi ko sa inyo, she even compete sa Korea and won, how are you yeodongseng?” “I’m okay, welcome and looking forward to work with you.” Umupo na si jenna. “Well, guys, bakit kayo ganyan tumingin kay Jenna? You didn’t know na Jenna is a black belt in Taekwando? You want proof? Binuksan niya ang laptop na dala at isaksak sa cord na pwede makita sa sreen, pinakta niya ang competition na sinalihan ni Jenna, napa “oh” lahat ng mga officemate, makikita sa video pano pinatumba ni Jenna ang kalaban, at kung ano ang prize ang nakuha niya, pati ang mga photos ng practice nila sa studio mismo ni Mr Park. “I heard you have a Taekwando studio? Nag tuturo ka pa rin until now?” tango lang ang sagot ni Jenna. “Its still operational, every Saturday ako nag tuturo.” “Wow! Jenna, paturo naman kami, saan studio mo, pwede mag enroll, interested kasi ako” sabi ni Trisha. “Naku!, guys, punta kayo don, ako nga naka enroll na don eh, diba best?” sabi ni Kathy. Siniko na lang ni Jenna si Kathy, pag lingon niya nakita niyang nakatingin si David sa kanya, medyo nailang siya.
Wala nang nagawa si Jenna, nahihiya siya dahil ang sekreto niya ay nalaman na ng mg aka-officemate niya. Nilapitan siya ni David, “Astig pala ang mahal ko.” Bulong ni David sa kanya, nagulat si Jenna. Pag labas nila sa conference room nilapitan si Jenna ng mga kasamahan niya at binati “Galing mo pala Jenna, ang humble pa, turuan mo naman kami para kahit self defense lang.” “sige, bigyan ko kayo ng calling card ko, tsaka schedule ng class para alam niyo kalian kayo pupunta.” Si Jenna. “kaya pala isang salya mo lang si Shella nong binu-bully ka niya kasi Taekwando expert ka pala,” sabi ng isang officemate niya. “hindi naman kasi tinuturo ang pakikipag away sa Taekwando, tinuturo kung pano mo i-defend ang sarili mo, babae pa rin si Shella, since wala siyang knowledge sa ganyan kaya yon lang ang puwede kong gawin sa kanya dahil siya naman ang unang sumugod sa akin.” “Matatakot na yon sa yo, buti nga sa kanya, inggetera kasi.” Sabi ni Trisha.