Pinatay ko na ang shower at nagpunas ng katawan at buhok bago isuot ang aking bathrobe. Hindi ko nakita si Saint paglabas ko ng banyo. Dumiretso ako sa walkin closet ko at Sinuot ang aking uniform. Sabay kaming papasok starting today sa University dahil dito siya titira pansamantala sa condo ko.
Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan ko siyang nakasuot ng apron habang busy sa pagluluto na agahan naming dalawa. Half naked siya dahil nakasuot na siya ng pantalon niyang pampasok.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. " Husband Material ka pala. " Natatawa kong sabi sa kanya at inamoy amoy siya.
"Gusto mo na kong maging asawa niyan?" Nakangisi niya akong nilingon bago ibalik ang tingin sa niluluto.
"in your dreams Saint Lawrence." Sagot ko na ikinatawa niya.
Pinatay na niya ang kalan bago humarap. Hinalikan niya ko sa noo na nagpapikit sakin. D*mn his sweet gesture!
"Nakakaadik ka alam mo ba yun?" Sabi niya at hinalikan ako sa labi. " You're lips are so addicting. Kung pwede kalang halikan maghapon."
"Alam ko. Kaya nga nahihirapan silang pakawalan ako. Once na matikman mo na ko mababaliw ka na sakin alam mo ba yun?" Nakangisi kong tanong at nagsumiksik sa dibdib niya.
"Yes i already know that baby, dahil ayan ang nararamdaman ko ngayon. Para kang droga." Sabi niya.
Tumawa ako at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. "Tara na kain na tayo at may pasok pa. Umabsent ka na kahapon. Alam kong hindi tayo magkatulad, ako sanay na sakin ang lahat na hindi ako pumapasok pero ikaw sa tingin ko ikaw yung tipo ng studyante na nagpofucus talaga sa pag-aaral." Sabi ko.
Umupo na ako sa upuan habang siya ay inilipat ang niluto niya sa bowl at inilagay sa lamesa. Pinagsandok na din niya ako ng pagkain at pinagtimpla ng gatas.
"Andami mong sinandok hindi naman ako sanay mag-almusal sa umaga.", Sabi ko at inilipat ang ibang pagkain ko sa plato niya.
"Pwes masanay kana. Dahil habang nakatira ako dito sayo bubusugin kita lagi." Nakangisi siya. Hype na yan nadouble meaning ako dun ah!
Pagkatapos kumain ay siya na rin ang naglinis ng pinagkainan bago magsuot ng uniform niya.
Hawak kamay kaming sumakay sa elevator pababa sa parking lot. Siya na din ang nagprisintang magdrive. Pinagbigyan ko naman siya ng ipakita niya sakin ang kanyang driver's license habang natawa.
First time kong hindi malate sa pagpasok. Ako ang mag aadjust samin dalawa pagdating sa usapan ng sa pag-aaral dahil ayoko namang mapabayaan niya ito ng dahil lang sa pagsama-sama sakin. Ayoko naman maging bad influence no.
Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sakin. "Hindi kapa papasok?" Kunot noong tanong niya.
Nandito kami ngayon sa gitna ng hallway. Nagtataka siguro siya dahil sumusunod lang ako sa likod niya. Dalawang subject lang kasi dapat kami magkaklase pero dahil nga malakas ako kay Annika ay ginawan na ng paraan maging magkaklase kami sa lahat ng subject.
"Oo nga papasok na ko. Magkaklase tayo baby." Malambing kong sabi at lumapit sa kanya bago iangkla ang kamay ko sa braso niya.
Napailing nalang siya at nagpatuloy na kaming maglakad papuntang first subject namin. Napapatingin sila saming dalawa. Nakangisi lang ako habang nakataas ang kilay. Kilala nila ako bilang mapaglaro sa lalaki kaya nagtataka siguro sila bakit kasama ko ang transfer student.
Maraming nakasimangot habang nakatingin saming dalawa. Aware naman ako na maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa gwapo, matangkad and have a toned mascular body na maglalaway ka talaga. Kaya nga swerte ako hahaha! Sorry but not sorry pero nakuha ko na ang pinagpapantasyahan nila.
Pagpasok ng Classroom ay umupo kami sa dulo bandang likuran. Magkatabi kaming dalawa. Napapataas ang kilay ko kapag nagagawi ang tingin ng mga kaklase namin saming dalawa. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa na parang nag-eenjoy siya sa nakikita niyang reaksyon ko.
"Huwag mo kong gawing katatawanan baka gusto mong gawin ko ngayon dito ang ginawa ko sayo sa condo?" Nakangisi kong bulong sa kanya na nagpatigil sa kanyang pagtawa.
Napalingon siya sakin na masama ang tingin.
"Don't try me baby. They know how wild i am. " Sabi ko habang nakangisi.
Umiling lang siya sakto sa pagpasok ng professor namin ay tumayo silang lahat maliban sakin para batiin ito.
Nakahalukipkip lang ako at walang emosyong nakatingin sa harap habang nagtuturo si Ma'am whatever dahil hindi ko naman siya kilala.
Yumuko ako sa lamesa dahil inaantok na talaga ako. Hindi ako sanay ng ganito! Ang hirap pala magpanggap bilang isang mabuting studyante! Hindi ba sila naboboring? Nakakaantok kaya!
Hindi ko na matiis kaya tumayo na ako na nagpatigil sa professor naming sa pagtuturo. 30 minutes palang pero para na kong binibitay! Hindi ako mapakali sa inuupuan ko!
"Yes Miss Anderson?" Taas kilay nitong sabi sakin.
Tinaasan ko din siya ng kilay. Napalingon ako kay Saint ng hawakan niya ang kamay ko. " Lalabas na ko. inaantok talaga ako pag nasa klase. Hindi ko na kayang magpanggap." Sabi ko at inaalis ang kamay niya.
Hinalikan ko muna siya sa labi na nagpasinghap sa mga kaklase namin at nagpagulat sa kanya pati na rin sa Professor na nasa harapan.
"Tawagan mo nalang ako pagtapos ng klase mo. Hindi ko na talaga kayang magtagal parang mababaliw ako dito sa loob ng room." Maarteng sabi ko at naglakad na palabas ng klase.
Naiwang gulat ang professor namin dahil hindi man lang ako nagpaalam at tuloy-tuloy na lumabas ng kanyang klase.
i texted Annika na tatambay muna ako sa opisina niya. Hindi ko na inantay ang sagot niya at dumiretso na dun. Pumunta ako sa kwarto na nasa loob ng opisina niya at nahiga sa kama. iidlip muna ako.
..
"Bri, wake up. May naghahanap sayo sa labas. "
Nagising ako at nagmulat ng mata. Nakita ko si Athena na nakaupo sa gilid ng kama. "May naghahanap sayo sa labas." Sabi niya bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Nag-unat muna ako at humikab. Anong oras na ba?
Lumabas ako ng kwarto. Nandito na pala ang apat pero napakunot ang noo ko ng makita si Saint na nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito? Tapos na klase mo?" Takang tanong ko at lumapit sa kanya.
"Kanina pa. Breaktime na kaya. Hindi ka ba nagugutom? Kanina pa kita tinatawagan." Sagot niya.
Nakatingin lang samin ang mga kaibigan ko kaya napataas ang kilay ko sa kanila.
"Quite staring people." Sabi ko na nagpatawa sa kanila.
"Wala ka ng klase?" Tanong ko kay Saint.
"Bakit hindi mo alam?" Tanong naman ni Annika.
"At kailan kapa natutong magsalita?" Mataray kong tanong sa kanya.
Simaan niya lang ako ng tingin kaya inirapan ko siya.
Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko ni Saint kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Wala ng klase. Uwi na tayo? Sa condo nalang tayo kumain. Ano bang gusto mo oorder tayo o magluluto nalang ulit ako?" Nakangiti niyang tanong sakin.
"Sang condo? Sa 12th floor o 19th floor?" Tanong ni Kyla kaya napatingin kami sa kanya.
"19" Sagot ko na nagpagulat sa kanila.
"Really? Nagpapasok ka ng lalaki sa 19th floor? " Kunot noong tanong ni Annika. "Hindi ka naman nagpapaakyat doon maliban samin hindi ba?"
"Seryosohan na ba yan Bri? At pinatira mo talaga siya doon?" Taas kilay na tanong naman ni Kylene.
Kinumpas ko ang kamay ko sa hangin. " Kalma kayo pwede ba? Saka na ko mag eexplain. uuwi na kami. Andami niyong tanong. " Sabi ko at hinila na si Saint palabas ng opisina ni Annika.
Paglabas ng elevator ay dumiretso na kami sa kotse ko at ako na din ang magdrive.
"Anong 19th floor at 12th floor?" Hindi nakatiis na tanong niya.
"ah. yun ... usually kasi sa 12th floor ko dinadala ang mga kafling ko to do that. alam mo na yung ginawa natin. Hindi ako nagpapaakyat sa 19th floor. ikaw lang ang dinala ko dun kaya nagulat lang sila." Balewalang sagot ko sa kanya
"Marami ka na palang experience. " Mahinang sabi niya habang nakatingin sa bintana pero sapat na para marinig ko.
"Yes." Sagot ko.
Hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hindi na niya ako kinausap kahit nakapasok na kami sa condo.
"Hey. Galit ka ba?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Hindi may ikakagalit ba ko? May karapatan ba kong magalit?" Tanong niya sakin.
Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nasa mukha niya kaya nabother ako.
"Magluluto lang ako ng pagkain." Sabi niya at dumiretso na sa kusina.
Nagkibit balikat nalang akong pumasok sa kwarto at naligo. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo siya sa kama habang nakatingin sakin.
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa pagitan kanyang mga hita kaya nakabukaka siya ngayon.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nakayakap sa bewang ko.
"Ano bang problema?" Malambing kong tanong sa kanya.
Bumuntong hininga siya at sumiksik sa dibdib ko.
"Magagalit ka ba sakin pag sinabi kong nagseselos ako sa mga lalaking naunang dumating sa buhay mo? Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari halos tatlong araw pa nga lang ata tayo magkakilala pero pakiramdam ko gustong gusto na kita." Sabi niya habang nakayakap ng mahigpit sakin.
Saglit akong nagulat pero napangiti din at niyakap siya sa batok. inangat niya ang mukha niya at tumingin sakin.
"Bakit ka magseselos e ikaw na ang kasama ko ngayon? Ambilis mo nga mapromote dahil dito kita dinala sa 19th floor." Natatawa kong sabi na kinasimangot niya.
"i like you Brianna. " Sinsero niyang sabi sakin.
Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa labi. We kissed passionately. isa ito sa halik na nagustuhan ko sa kanya. Pinapabilis niya ang t***k ng puso ko at para akong hinehele. i know deep inside i'm attractive to him too but hindi ko pa yun kayang aminin. Natatakot ako. Just like my motto, i will enjoy every moment with him. Bahala na kung saan kami patungo ang mahalaga ay parehas kaming masaya.
--*