CHAPTER: 7

2209 Words
ilang araw kaming hindi nagkikibuan ni Lawrence. Second name basis siya ngayon sakin dahil ayon naman talaga ang tawag sa kanya ng lahat. Ako lang daw ang natawag ng saint sa kanya bukod sa parents and grandparents niya. No choice ako ngayon dahil kailangan kong pumasok dahil unang araw ng prelims ayon kay Annika. Tinatamad akong kumilos pero kailangan pilitin. Tuwing test na nga lang ako pumasok mag-iinarte pa ba ako? Nauna ng pumasok si Lawrence. ilang araw na kaming ganito. isang tanong isang sagot lang kapag nag-uusap kami. Magkatabi kami sa kama pag natutulog pero magkatalikuran kami. Pagpasok ko sa kusina ay may nakahain ng pagkain. Napanguso ako. Kahit hindi kami okay ay lagi parin niya kong pinagluluto ng pagkain. Siya din ang nagpapalaundry ng mga damit namin at nagpaplantsa ng uniform ko. Umalis na ko pagkatapos magligpit ng pinagkainan. Pinark ko ang color red kong sports car at taas noong naglakad. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Lawrence na kasama na naman yung babaeng kasama niya sa Library nung nakaraan. Napangisi ako at nagpatuloy na naglakad. Mabagal lang silang naglalakad. Napakunot noo ako ng makita ang pamilyar na tao na nakaabang sa unahan nila Lawrence. "Brianna!" Nakangiting tawag nito sakin. Napahinto naman sila Lawrence at lumingon sa likod nila kaya nakita niya ako. Nagkatinginan kaming dalawa at napadako ang tingin ko ng hawakan ng babae ang braso niya. Bumalik ang tingin ko sa mata niya at binigyan siya ng matalim na tingin. Pinalitan ko ng matamis na ngiti ang labi ko ng ilipat ang tingin kay Franco. Naalala ko na siya. Siya yung nasa bar. Nilagpasan ko sila Lawrence at huminto sa tapat ni Franco. Ramdam kong nakatingin siya sakin ngayon mula sa likuran. "Long time no see Brianna." Sabi ni Franco at hinalikan ako sa pisngi. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya at inangla ang kamay ko sa braso niya. "Magtatransfer ako dito. Nalaman ko kay Annika na dito pala kayo nag-aaral." Sagot niya. Napatingin naman siya sa likuran ko bago ibalik ang tingin sakin. Nilapit niya ang mukha niya at bumulong sa tenga ko. "Kilala mo ba yung lalaki sa likuran mo? Bakit ang sama ng tingin satin?" Tanong niya bago umayos ng tayo. "Don't mind him, let's go? Puntahan natin si Annika sa Opisina niya?" Nakatingala ako sa kanya dahil hanggang leeg lang niya ako. Ngumiti siya sakin at tumango. "Tara nandun din si Gavin. Guluhin natin silang dalawa."Natatawang sagot niya at sabay na kaming naglakad. Saglit lang ako sa opisina ni Annika at pumasok na din sa unang klase ko. As usual, late ako ng 15 minutes pero sanay na lahat ng Professor sakin kaya pinabayaan na nila ako. Umupo ako sa kabilang dulo sa likuran dahil ayokong umupo malapit kay Lawrence na katabi ngayon yung babaeng lagi niya atang kasama. Edi sila na! Tss. Seryoso akong nagsasagot ng exam. Kahit naman hindi ako pumapasok ay matalino ako. Kaya nga nakakakuha parin ako ng mataas sa mga Test namin. Ramdam ko din ang pasulyap sulyap ni Lawrence na hindi ko naman binibigyang pansin. 20 minutes pa lang ang lumilipas ng tumayo ako bitbit ang bag at ang test paper. inabot ko iyon sa Professor. "i'm done. Pwede ng umalis?" Mataray kong tanong. Tinignan niya muna ang sagot ko bago bumalik ang tingin sakin at tumango. Ngumisi ako at nagpasalamat bago lumabas ng classroom. Napaka-easy naman. Wala bang mahirap. Pinuntahan ko na din ang ibang Professor para kausapin at paunahin na akong mag exam. Pumayag naman silang lahat kaya nakauwi ako sa condo ng maaga. Nagpalit ako ng manipis na sando at panty short bago itali ang buhok pataas . Mag-gegeneral cleaning ako ngayon dahil sinapian ako ng kasipagan! Binuksan ko ang stereo bago kinonect sa cellphone ko at pinatugtog ang paborito kong kanta. You say that I'm messing with your head All 'cause I was making out with your friend. Love hurts whether it's right or wrong I can't stop 'cause I'm having too much fun. You're on your knees Begging, "Please, stay with me" But, honestly I just need to be a little crazy. Sinasabayan ko ang kanta habang nagwawalis. All my life I've been good But now I'm thinking, "What the hell" All I want is to mess around And I don't really care about If you love me, if you hate me You can't save me, baby, baby All my life I've been good But, now what the hell What? What? What? What the hell? May patalon talon effect pa ako habang kumakanta. Paikot ikot ako na parang nagcoconcert. So, what if I go out on a million dates You never call or listen to me anyway I'd rather rage than sit around and wait all day Don't get me wrong, I just need some time to play Naglalakad ako habang kumakanta katulad ng ng sa music video. You're on your knees Begging, "Please, stay with me" But, honestly I just need to be a little crazy Umakyat ako sa sofa at ginawang mic ang hawakan ng walis at nagtatalon talon doon habang patuloy na nakanta. Feel na feel ko ang pagkanta ko habang nakapikit. All my life I've been good But now I'm thinking, "What the hell" All I want is to mess around And I don't really care about If you love me, if you hate me You can't save me, baby, baby All my life I've been good But now, what the hell Tumigil ako sa pagtalon at bumaba ng sofa. Naglakad naman ako na papuntang kusina. La la la la la la la la Whoa, whoa La la la la la la la la Whoa, whoa You say that I'm messing with your head, boy I like messing in your bed Yeah, I am messing with your head When I'm messing with you in bed Nag-eemote emote pa ako at pahawak hawak sa leeg habang feel na feel ang kanta. Napatalon talon na ulit ako habang naikot ikot sa paligid ng lamesa habang hawak ang walis at nakanta. Gustong gusto ko talaga ang beat ng kanta na to bagay na bagay sakin. All my life I've been good But now I'm thinking, "What the hell" All I want is to mess around And I don't really care about All my life I've been good But now I'm thinking, "What the hell" All I want is to mess around And I don't really care about If you love me, if you hate me You can't save me, baby, baby All my life I've been good But, now what the hell La la la la la la la la Napataas ako ng dalawang kamay at napatingala ng matapos ang kanta. Hinihingal ako habang nakangiti. Ang paglilinis ko sana ay nauwi sa pagcoconcert ko sa loob ng condo. Napalingon ako sa pintuan ng may tumikhim. Nakasandal si Saint doon habang nakalukipkip ang mga braso. "Kanina ka pa diyan?" Taas kilay kong tanong. Tumango naman siya habang nakatingin sakin at naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ko. Nakipagtitigan ako sa kanya. Naglakad siya papalapit sakin at hinapit ako sa bewang para mapadikit sa kanya. "Ano ba Lawrence pawis ako.," Sabi ko at pilit na kumawala sa kanya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sakin kaya hindi ko maalis ang mga kamay niya sa bewang ko. "Lawrence? You use to call me Saint not my second name, baby." Mapang-akit niyang sagot sakin. "Well, naiinis ako sayo and we're not in good terms kaya Lawrence ang tawag ko sayo from now on. Hindi ka naman Saint. " Mataray kong sabi at humalukipkip ng braso. Bumuntong hininga siya bago ako hinalikan sa noo. Nakakainis ang lagkit lagkit ko yakap siya ng yakap! "Ano bang problema natin Brianna?" Malungkot niyang tanong sakin. "Wala tayong problema Lawrence." Walang emosyon kong sagot. "Galit ka sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. mag iisang linggo na tayong hindi okay Brianna. Hindi kita tinatanong at pinapabayaan lang kita magpalamig. Pero hindi ko na kaya. Miss na miss na kita." Sabi niya at sumiksik sa leeg ko. Ramdam kong lalong nabasa iyon kasabay ng paglalim ng paghinga niya. "Huwag mo kong dramahan Lawrence. Kasi ang nakikita ko naman sayo pag nasa school mukha ka namang masaya sa company ng iba." Malumanay na sabi ko. inalis niya ang mukha sa leeg ko at tumingin sakin. Namumula ang mga mata niya na may bahid pa ng luha. "Ano bang ibig mong sabihin Brianna?" Naguguluhang tanong niya sakin. "Dito ka parin ba titira? Mukhang may iba na namang nagpapasaya sayo. Bakit dito ka parin umuuwi sakin?" Hindi ko naiwasan ang pagpiyok kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Yumuko ako at mabilis na pinahid iyon. Sa dami ng mga nakafling ko wala pa akong iniyakan sa mga iyon. Kaya alam ko sa sarili ko na malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya na lalong kinaiinis ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa bewang ko kaya mabilis akong nakawala. Patakbo akong pumunta sa kwarto at pumasok sa banyo at nilock ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na emosyon. Gulong gulo na ko sa nararamdaman ko. Siguro nga kailangan ko na siyang paalisin dito sa condo ko ng matahimik na ang buhay ko at bumalik na sa dati. Huminga ako ng malalim ng ilang beses bago makapagpasyang lumabas. Nag alinlangan pa ako kung lalabas ng tuluyan dahil pagbukas ng pinto ay si Saint agad ang bumungad sakin. Nakaupo siya sa kama habang nakatingin lang sa sahig. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harapan niya. Napaangat siya ng tingin. Parehas namumula ang mga mata namin galing sa pag-iyak. "Sa palagay ko kailangan mo ng umalis dito." Mahinang sabi ko at napakagat sa ibabang labi. "Why? Ayaw mo na ba sakin? Dahil ba dun sa kasama mo kanina sa campus?" Malungkot na sabi niya at namamasa na naman ang mga mata. Umiling ako at bumuntong hininga. "Hindi dahil doon, Saint. Kaibigan ko lang si Franco. ikaw ang iniisip ko. Mukhang masaya kang kasama yung babaeng kaklase natin. Mas bagay kayong dalawa. Gusto kitang umalis dito para makapagfocus ka sa kanya at magustuhan siya ng tuluyan." Sabi ko kasabay ng muling pagtulo ng aking luha. "Gusto mo ba ko Brianna?" Seryoso niyang tanong sakin. Tumango ako at tumingin sa mga mata niya." Mahal na kita. Matagal na kitang minamahal. Pero hindi ka bagay sakin. You know what kind of woman i am. At ng makita ko kung pano kayo masayang nag-uusap ng kasama mo ay nakaramdam ako ng selos. Nagseselos ako dahil mas bagay kayong dalawa." Huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita habang patuloy na naiyak. "Mukha siyang good influence sayo, Saint. Marami kayong pagkakapareho. Samantalang ako kung anu-anong itinuturo ko sayo. San ba tayo nagsimula? Diba sa kapusukan ko. Nakakasabay ka sakin sa ganung bagay pero siya magkatulad kayong dalawa. Mas maganda ang future niyong dalawa." Sabi ko at nagbaba ng tingin at napakagat ng labi. "Nagseselos ka nga." Sabi niya na nagpabalik ng tingin ko sa mukha niya. "Dapat sinabi mo na iyon pala ang dahilan kung bakit nanlalamig ka sakin edi sana umiwas na ko simula palang para hindi tayo nagkaroon ng problema." Malumanay na sabi niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga hinlalaki niya. "Huwag mong sabihin na mas bagay kaming dalawa dahil para sakin mas bagay tayong dalawa. Matagal ko ng sinasabi sayo na mahal kita diba? Bakit ba pinapangunahan mo ko." inabot niya ako at pinaupo ako sa kandungan niya. "Minahal kita kung sino ka Brianna. Hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo sa kahit na sino. Minahal kita kahit alam kong yun lang naman talaga ang habol mo sakin diba. Gusto mo lang namang paligayahin kita. Alam ko ang tungkol sayo. Maraming nagsasabi sakin na ako daw ang flavor of the month mo pero nabuhayan ako ng loob ng lumagpas ako sa taning na binigay nila sakin. Nararamdaman ko din na gusto mo ko kahit noong nakaraan pa. Kaya nga kahit hindi tayo nagpapansinan nitong mga nakalipas na araw ay hindi kita iniiwan dahil alam kong gusto mo ako. At mahal kita Brianna. Mahal na mahal kita. " Sabi niya at niyakap ako. "Gusto mo na ba akong maging boyfriend ngayon? Matagal na kasi kitang gustong maging girlfriend." Dagdag pa niya na ikinatawa ko. "Ayoko." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya. "But why? Sabi mo mahal mo ko?" Naguguluhang tanong niya sakin. "Ayokong maging boyfriend ka. Simula ngayon Fiancé na kita. Bumili ka na ng singsing at isuot mo sa daliri ko dahil papakasalan na kita paggraduate natin." Nakangiti kong sabi na ikinatawa niya. "Pinapangunahan mo ako ha." Natatawang sagot niya. "Bakit ayaw mo ba? Sige kalimutan mo na yung sinabi ko. Kay Franco nalang ako magpapakasal mukha namang type niya ko eh." Nakangisi kong sabi. Sinamaan niya ko ng tingin at humigpit ang pagkakayakap sakin. " Sinabi ko bang ayaw ko? Sakin ka lang magpapakasal Brianna." Nakasimangot nitong sabi. Nginitan ko siya at hinalikan sa labi. "i love you Saint Lawrence." Naluluha kong sabi sa kanya. "i love you too, baby. Sakin ka na simula ngayon. " Nakangiti niyang sabi. Tumango ako bago ilapat uli ang mga labi namin sa isa't isa. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD