Chapter 7
Angie's POV:
"Kung pinagpalit ka ni Mark sa pinsan mo, edi ipagpalit mo rin siya sa taong kadugo niya rin." Iyan ang paulit-ulit na salitang pumapasok sa tenga ko matapos ang mahabang diskusyon namin ni Lesly. She's pushing me to take revenge for those people who hurt me.
Kaya naman naguguluhan ako kung dapat ko bang sundin ang sinasabi ni Lesly. Hindi naman kasi gano'n kasimple ang maghanap ng kadugo ni Mark na pwede kong akitin. Ni hindi ko nga alam ang background family ni Mark. Ni hindi ko nga nakilala pa ang mga pinsan nito. Tanging ang daddy niya lang ang siyang nakilala ko sa personal dahil sa aksidenteng nangyari sa akin.
Agad naman akong napaupo mula sa aking pagkakahiga sa kama nang sumagi sa utak ko ang tatay ni Mark. Hindi halata rito na maedad na siyang lalaki dahil nga't napaka-kisig ng katawan niya at yung mukha nito parang hindi tumatanda.
"Wala akong kapatid, Angie. Mag-isa lang ako na anak nila papa at mama... Hindi na nasundan pa dahil namatay si mama nang pinanganak ako. Kaya ayon, lumaki ako na walang ina at tanging si papa lang ang meron ako. Pero hindi kami masyadong magkasundo ni papa dahil masyado siyang babaero... Wala siyang isang pangako. Hindi niya tinupad ang pangako niya na hindi niya ipagpapalit si mama kahit kailan."
Bigla namang sumagi ang boses ni Mark sa kabilang tenga ko. I remembered those lines that he said to me when we were on that stage of getting to know each other.
Pero sino bang mag-aakala na masyadong mabilis ang pangyayari. Parang kailan lang ay galit siya sa papa niya dahil nambabae ito, tapos ngayon ay nakaya niya rin itong gawin sa akin. Kaya wala naman silang pinagkaiba. Pareho silang babaero. At magiging intense siguro ang lahat, kung ang tatay niya mismo ang papatulan ko.
Sa naisip kong ito ay agad namang nagising ang diwa ko. Tama nga siguro si Lesly, mas masarap sa pakiramdam kapag nakakaganti. Walang rewind sa totoong buhay, kaya yung pagkakamali ni Mark ay hindi niya na kayang itama pa. Kaya ako naman itong gagawa ng ikagagalit niya.
So after a moment of thinking deeply, I already made a decision. Isang desisyon na alam kong ikakagulat ni Mark kapag nalaman niya na yung tatay niya mismo ang puntirya kong akitin. Yes, I will seduce his dad.
And to start my revenge, sinimulan ko na ang pagpapa-sexy sa pamamagitan ng pag-gym ko. Pumunta talaga ako roon para mabawasan na ang aking katabaan sa katawan. I also started my proper diet when it comes to food, so that I can achieve my sexy body.
Halos ilang linggo ko itong ginawa at agad naman itong napansin ni inay dahil medyo nababawasan na raw ang taba sa katawan ko. Kapag talaga nagpursige ka sa goal mo ay makikita mo talaga ang outcomes nito. Kagaya na lamang ngayon, matapos ang ilang linggo na ginugol ko sa gym, nagbunga rin kahit papaano ang lahat.
"Nagagabihan ka na yata sa pag-gym anak. Baka mamaya n'yan bumagsak ng tuluyan ang katawan mo at magkasakit ka. Hindi mo na rin inuubos ang pagkain mo," saad ni mama sa akin nang hindi ko maubos ang pagkaing nasa plato.
"Proper diet po ang tawag dito nay... Kaya wala po kayong dapat na ipag-alala. I'm doing this for myself," wika ko naman sa magalang na pananalita.
"Ibang klase ka rin pala mag-move on, anak. Talagang ginagalingan mo ang pagpapa-sexy ha? Tingnan mo oh, ang laki ng pinagbago mo. Konting tiyaga pa at malapit mo ng ma-achieve ang coca cola body na inaasam mo," hirit nito dahilan para matuwa ako dahil unti-unting nagkakaroon ng pagbabago ang aking katawan. Ramdam ko rin ang suporta ni mama sa ginagawa kong pagpapa-sexy kaya lalong tumataas ang confidence ko na maging katulad ng ibang babae na may balingkinitan na katawan.
"Sana nga po mama. Sana nga ma-achieve ko 'yan. That's really one of my goals. Gusto ko maging katulad ng ibang babae na may magandang kurba ng katawan. I want to be like them and I want to build my confidence para naman hindi na ako mahiyang humarap sa mga tao," nakangiting turan ko sa kanya.
Kahit papaano ay nababawasan na ang insecurities na meron ako sa katawan dahil na rin sa naging epekto sa akin ng gym.
Kaya talagang pinursige ko ang pagda-diet. To the point na kahit natatakam ako sa mga pagkain ay pinigilan ko ang aking sarili na huwag munang tumikim ng mga pagkaing maraming cholesterol.
Nahinto naman ang aming pag-uusap ni mama nang may kumatok mula sa pinto senyales na merong tao sa labas. So I don't have any choice kundi ang tumayo upang buksan ang pinto. Gano'n na lamang ang aking pagkagulat nang makita ko ang pagmumukha ni tita Marisa na animo'y isang siyang galang aso na nagkamali ng bahay na pinuntahan. She looked at me from head to toe na tila hindi siya makapaniwala na ako na itong kaharap niya.
"Anong ginagawa mo rito? Kung nandito ka para laitin muli ang katawan ko, uunahan na kita-- malapit na akong pumayat, tita. Kaya mas mabuting huwag ka ng magsalita dahil hindi ko kailangan 'yang opinyon mo," usal ko at wala na akong respetong pinakita pa sa kanya.
Hindi ko na kailangan makipagplastikan pa sa taong kagaya niya na isang kunsintidor.
"Masyado naman yatang bastos ang bunganga mo, Angie... Ganyan ba ang tinuro sa'yo ng nanay mo? Ang bastusin ang tiyahin mo ha?" bigkas niya na ngayon ay tinaas na nito ang kabilang kilay.
"Hindi ako tinuruan ni mama na maging bastos. Sadyang nakadepende lang sa tao ang respetong binibigay ko. And sad to say, hindi ka karapat-dapat na irespeto," mapanghamon na aniya ko sa matanda.
Pero isang malakas na sampal ang binigay niya sa akin hudyat para marinig ito ni mama.
Kaya maging si inay ay napatungo na rin sa may pinto gamit ang kanyang wheelchair.
"Marisa, bakit mo pinagbuhatan ng kamay ang anak ko?!" Ito ang madiin na tanong ni mama na ngayon ay hindi na rin siya nakapagtimpi nang masaksihan niyang nakahawak ang aking kamay sa pisngi.
"Tinuturuan ko lang siya ng leksyon dahil hindi mo yata napalaki ng tama itong anak mo," turan ni tita kay nanay.
"Wow! Coming from you? Are you really serious about it, tita? Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng tapang para sabihin ang ganyan kay mama... Why don't you look at yourself in the mirror, tita? Para naman makita mo ang sarili mo kung gaano ka kakunsintidor na ina sa anak mo?" giit na ani ko rito at wala na akong pakialam pa kung marinig ni inay ang rason ng hiwalayan namin ni Mark. Hindi ko kasi sa kanya nabanggit ang dahilan. And I guess, this is the right time para malaman niya ang lahat, ngayong nandito ang kapatid niya.
"Ano bang pinagsasabi mo Angie?" pagtuturan ni tita Marisa na tila nagmamaang-maangan pa.
"You know what I'm talking about tita. Kaya pwede ba, stop acting like you don't know everything. Dahil simula't sapul, kasali ka sa lahat ng ginawa ni Andrea sa akin. You even supported your daughter na ahasin ang nobyo ko... Plinano niyong paghiwalayin kami ni Mark... And congrats ha? Dahil nagtagumpay kayo," wika ko rito na ngayon ay hindi ko na napigilan pa ang aking dila. Kusa na itong nadulas sa katotohanan para naman masampal ko ng reyalidad itong tiyahin ko.
Pero masyado na yatang makapal ang pagmumukha na meron siya dahil sa halip na mahiya ito sa aking sinabi, ay talagang pinandigan niya pa.
"Oh well. Since you already knew about it, wala na pala akong dapat na itago pa. Galing na mismo sa bibig mo 'yan kaya hindi ko na ito itatanggi pa, Angie. And thank you for reminding me about it. I think, hindi na ako mahihirapan na imbitahin ka sa kasal nilang dalawa bilang taga-hugas ng plato kasama ang nanay mo," bigkas niya na ikinait naman ng ulo ko. Pagiging matapobre ang nangingibabaw rito kaya hindi na nakapagtimpi pa si inay hudyat para manghimasok na siya sa usapan.
"Masyado mo na kaming minamaliit Marisa. Makakaya ko pang tanggapin ang matalas mong pananalita tungkol sa akin, pero kung idadamay mo ang anak ko, lumayas ka sa pamamahay ko!" giit ni nanay sa kapatid niya na kulang na lang ay gusto nitong tumayo sa wheelchair para sabunutan si tita Marisa.
"Umalis ka na, bago ko pa makalimutan na kapamilya kita. Baka hindi ko matantsa ang sarili ko at mapagbuhatan din kita ng kamay," pagbabanta kong saad rito dahilan para ngumisi na lamang ito bago umalis sa bahay.
Napahugot naman ako nang malalim na paghinga para ikalma ang aking sarili. Kung hindi lang sumulpot si inay ay baka nakapatay na ako ng tiyahin.
Matagal pa naman akong nagtitimpi sa kanya. Halos lahat ng galit ko ay ipon na ipon ngayon at tila umaapaw na nga dahil din mismo sa kanila. Sila ang rason kung bakit nagpupursige akong mag-diet at ayusin ang sarili ko.
"Ayos ka lang ba anak?" tanong sa akin ni inay just to make sure that I am okay.
Tanging pagtango na lamang ang aking naitugon dito at muli ko na siyang inaya sa hapag-kainan.
Siguro nga't hindi na mapipigilan ang kampon ng kademonyohan na kagaya ni tita, kaya nararapat lang na maging handa ako sa muling pagpunta niya rito.
"Hindi ko lubos maisip na si Andrea pala ang dahilan ng break-up niyo ni Mark, anak.. Akala ko, ibang babae ang involve sa hiwalayan niyo... Hindi ko akalain na mismong pinsan mo pa ang tinuhog ng nobyo mo. Akala ko pa naman, mabait na lalaki si Mark. Isang malaking akala lang pala ang naisip ko sa kanya," si inay na hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa labi ko.
"Ayon din ang akala ko sa kanya mama. Ayon din ang akala ko. Pero hindi eh. Hindi siya gano'n. Dahil isa siyang makasalanan na lalaki na mas piniling kumandong sa ibang babae," ani ko na lamang na puno ng poot ang aking boses.