Kabanata 2:
The Beginning
Aiden
"What happened to you last friday?" bumaling ako sa katabi ko na si Troy.
"What happened to YOU last friday?" I emphasized the word, you because we all know what he did that night but It didn't hurt my feelings even a little.
"I don't know, I was drunk." he immediately answered and turned his gaze sideways. Binasa ko na lang muna ang notes ko, nasa library kami ngayon, I just graduated recently, I'm studying for the board exam in architecture as well as Troy. I need to pass the Architectural Licensure Examination before I can call myself a licensed Architect.
Monday na at hindi pa rin ako makamove on sa nangyari sa club. Gabi gabi kong napapanaginipan ang pagsagasa ng isang truck sa kapatid ko.
I tried to focus on my notes pero bumabagabag pa rin sakin ang mga panaginip na yon. Hindi ko na alam kung pano gagawin ko, kung wag na kaya ako matulog? I'm starting to be afraid, this is bad.
Alice:
Kuya pasundo hehe, absent daw prof sa last subject namin.
Speaking of, nagtext sakin si Alice na nagpapasundo, she's a first year college student now, she went to the same school as mine.
"Mauna na ako, nagpapasundo sakin si Ali." sabi ko lang kay Troy at sa mga kaibigan ko na nagrereview rin.
The school is only few meters from the town's library. Pwede mo ngang lakarin lang iyon, pero ginamit ko pa rin ang kotse ko. It's a gift from my father when I was 18, basically he's not in the Philippines right now, he's working abroad.
"Good afternoon Aiden!" binati ako ng guard agad nang makita ako, close kami. Well baka naalala nya ako dahil sa lagi kong pagiging late. Tinanguan ko sya, napakunot ang noo ko nang makita ang mga estudyanteng marami ng pauwi, that's weird.
"Rinig ko na maraming professor ay absent, hindi ko din alam kung bakit. Nakakapagtaka nga din." napansin ata ng guard na nagtataka ako. Itetext ko na sana si Alice nang may nahagilap akong babae. That woman-
Tumakbo agad ako para sundan ito, pero nagtaka ako nang mawala ito sa paningin ko dahil sa rami ng estudyante. Napatingin ako sa bulding namin dati, ang bulding ng architecture, there she is. The woman was waving at me. I immediately went towards our building. Nang makarating na ako sa hallway ay sinilip ko isa isa ang mga room, nasan na sya? Nang nasa dulong room na ako ay pumasok ako, nasan na kaya yon?
"You look awful" someone whispered on my left ear kaya napalingon agad ako sa kanya. Nakapusod na naman sya, she's smiling at me, napatingin tuloy ako sa labi nya. Pero nang dahil doon, naalala ko na naman ang mga napapanaginipan ko.
"Mukha kang hindi nakakatulog" saad nya at umupo sa table ng prof, kinuha nya pa ang libro at iniscan yon. Hindi ko maiwasang tingnan ang heels nya, kaya siguro mukha syang matangkad, although hanggang tenga ko sya ngayon, pano kaya pag wala syang heels?
"Just weird dreams" nagkibit balikat ako na parang hindi gaanong kalala ang napapanaginip ko. Kumunot ang noo ko nang tumawa sya sa sinabi ko.
"What do you need? What are you doing here? How did you come here?" Tumawa sya sa dami kong tanong at lumapit sakin, biglang nawala ang ngiti nya at nagseryoso.
"What do I need from you? You're the one who needs me." kumunot ang noo ko.
"Get straight to the point." irita kong sabi.
"Your sister's gonna die the day after tomorrow." sabi nya ng seryosong seryoso. Sasagot na sana ako nang may sumingit sa usapan namin.
"Die? Me?" napalingon ako kay Alice na pumasok sa room. Bakit sya nandito? Hindi ba mamaya pa ang uwi nya?
"She's just kidding" I tried to sound normal when I said that. Buti na lang at mukhang naniwala si Ali don.
"Ba't nandito ka?" naningkit ang mata ko sa kanya.
"Duh, dapat ako magtanong nyan. Kanina pa kita tinetext. Buti na lang nakita ka ng isa kong kaklase na nandito ka raw." hindi ko sya pinansin sa sinabi nya pero dumada na naman sya.
"Our professor's absent, weird nga e. He was never absent, marami ding nagbibidahan na absent din mga prof nila, bakit kaya?" mahabang paliwanag ni Ali at tumingin kay Lilith, ngumiti lang si Lilith sa kanya at napansin kong namangha si Ali sa kanya, mukhang nagandahan din.
"Ano kaya nangyari sa mga prof nyo at puro mga absent?" tanong ko.
"Baka sumakit ang tiyan lahat? Baka nakidnap?" nagbibirong sabi ni Ali kahit hindi naman nakakatawa.
"Probably dead by now." Ali laughed at what Lilith said. Hindi ako tumawa dahil seryosong seryoso nya yong sinabi.
"Tanda, tara na!" napalingon uli ako sa pintuan nang pumasok si Lev dito. Napansin kong tumitig ng matagal si Ali sa kanya, ew. Type nya? Gwapo naman, pwede na kaso mukhang maraming babae.
"Done already? Kumpleto na?" tanong ni Lilith sa kapatid nya. Bakit ba sila nandito?
"27 in tota-" napatigil sya sa pagsalita nang makita ako. Pabalik balik ang tingin nya sakin at sa kapatid nya. Para silang nag-uusap sa tingin.
"Aiden, my bro!" lumapit agad sya sakin, tinanguan ko sya.
"What are you guys doing here?" kanina pa ako naguguluhan kung bat sila nandito.
"I'm Lilith!" pagpapakilala ni Lilith sa kapatid ko at lumapit, hindi nya pinansin ang tanong ko, tsk. Nakita kong nagpanic si Ali, mukhang gandang ganda sya kay Lilith.
"Alice Andreda!" Ali greeted her with a smile and extended her right hand. Tinanggap naman agad ito ni Lilith at nakipagkamay sya sa kapatid ko. Naalala ko kung ano ang nakita ko nung hinalikan ko sya kaya inalis ko agad ang kamay ng kapatid ko sa kanya pero napaatras ako nang makita ko na naman kung paano sya nasagasaan ng truck.
"Kuya! Aray!"
Pinagkatitigan ko kung sino ang driver pero hindi ko talaga maaninag dahil sa sobrang lakas ng ulan.
"Bitawan mo!" bumalik ako sa realidad nang marahas akong hitakin ni Lev, magagalit na sana ako sa ginawa nya nang makita ko ang namumulang braso ni Ali, ako ba ang gumawa non sa kanya.
"S-sorry, okay ka lang?" lumapit agad ako sa kanya pero hindi ko na sya hinawakan. Napansin ko ang titig ni Lilith sakin.
"Oo naman." she tried to smile but the redness on her arm looks really painful.
"Lith, kailangan na nating umalis. Naghihintay na sila." sabi ni Lev sa kanya.
"Aiden, kita na lang tayo sa club next time. Una na kami pre!" paalam ni Lev sakin kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Bye Aiden, see you around!" hindi ko na sana lilingunin din si Lilith nang hinawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya, napataas ang kilay ko sa ginawa nya. Napakurap ako ng hinalikan nya ang labi ko, did she just give me a smack? Sweet. Nakakapagtaka, the first time that she kissed me, it was a mystery. What's going on?
"Kuya tara na?" napakurap ako nang kanina pa pala ako kinakausap ni Alice, napatingin uli ako sa braso nya.
"What's wrong?" she asked, looking worried.
"Where's Val? Bat di mo kasama?" pag-iiba ko ng usapan habang pababa kami ng hagdan.
"She went home early, nagcutting sya. Hindi nga sya nagtext kung bakit. I'm kinda worried about it." she said, Val is her best friend.
"Baka magtext rin sayo yon mamaya, para kang jowa na demanding" asar ko sa kanya, umirap naman agad sya sakin.
"Speaking of jowa, is ate Lilith your jowa?"
"I wish" nanlaki ang mata nya sa sinabi ko kaya tumawa ako.
"Kidding, no hindi ko sya jowa." sabi ko. Umirap sya at naglakad ng mabilis, kaya natawa uli ako.
What am I gonna do without you, Ali? She reminds me of our mom who has passed away when we were little. She always sing a lullaby to make me sleep. I remembered the dreams that I've had every night, I stopped walking because of that. No one's going to harm you, I'll make sure of that. If Lilith is not crazy and saying the truth about my sister dying the day after tomorrw, I'll stop it whatever it takes.