Chapter 3: The Gown

1964 Words
Pinakatitigan ang sasakyang nakaparada sa katabing bahay. Maaaring tinted ito at wala siyang maaaninag sa loob pero malakas ang pakiramdam niyang may tao sa loob nito. Pumasok agad siya at ni-lock ang pinto. Kinakailangan niyang mag-ingat lalo na at wala na siyang kasama. Puno man ang agam-agam ay kinailangan niyang piliting matulog. Samantala, sa loob ng sasakyan ay hindi mapakali si Denver. Sa loob ng halos isang taon na niyang pagsubaybay sa babae ay ngayon lang niya naramdamang nahahalata na siya nito. Hindi pa panahon para malaman nito ang tungkol sa kanya at sa kanyang misyon. Marami pa siyang gustong gawin. Batid niyang ang babae ang magiging susi niya. Masyado na siyang pinapagod ng mga ito. Naaatat na rin siyang makatikim ng dugo galing sa mga ito. Mula nang magsimula siya, wala nang gabing hindi siya nagmamanman sa dalaga. Masyadong mailap din ito at malihim. Misteryoso rin ito dahil ni minsan at wala pa siyang nakikitang pamilyang nadalaw dito. Kinaumagahan, alas tres pa lamang ng hapon ay nag-aayos na si Chelseav para sa dadaluhang hapunan sa bahay ng kasintahan. Isang simpleng bestida ang isusuot niya na noon ay nakahatag sa kaniyang kama. Umupo siya sa gilid ng kama at tumitig ulit sa singsing na nasa daliri niya. Wala naman siyang napapansing kakaiba rito maliban doon sa dugo noon pero wala na. Sinimulang magbihis bago pa dumating si Vien. Tinitigan ang sarili sa salamin. 'Ngayon ko sisimulan ang misyong halughugin ang mansyon ng mga Artajo,' maigting na turan sa sarili habang nakatingin sa salamin. Habang inaayos i-tape ang isang balisong sa pagitan ng kanyang hita, pinaplano na niya kung paano niya hahanapin ang kuwartong sinasabi ni Debby. Batid niyang may mahahanap siyang hint doon kung paano agad na malulutas ang misteryo. Mabilis ang ikot ng orasan kaya minabuti niyang isuot na ang napiling bestida. Anumang oras darating na si Vien para sunduin siya. Matapos makapag-ayos ay narinig na niya ang busina ng sasakyan nito hudyat na naghihintay na ito sa labas ng gate. Mabilis na bumaba upang salubingin ito. Ngunit bago pumasok ay nilingon niya rin ang laging kinapaparadahan ang sasakyan tinitignan kagabi. Wala pa ito, kaya agad siyang sumakay sa sasakyan ng kasintahan at hagkan ito sa pisngi. Nakangiti itong nabungaran niya. Masyadong natuon ang pansin sa labas habang papalapit siya sa mansyon ng mga Artajo. Kailangan niya kasing mapagplanuhang mabuti. Malayo ito sa mga kabahayan, kahit magsisisigaw ka yata hindi ka maririnig ng mga tao. Hindi niya napansing mataman din siyang pinagmamasdan ng lalaki. Humawak ito sa hita niya. Napaiktad siya. 'Sh*t!' mura ng isip niya kasi malapit doon ang pinag-ipitan niya ng balisong. "Worried?" rinig niyang tanong nito. Kinuha niya ang kamay nito at ngumiti. "Nope, just thinking about the wedding," pagsisinungaling niya. "Anyways, I called you last night I wanna try to fit again my gown," paalala niya sa lalaki. "Yeah, sure," rinig nitong sagot at nakarating din sila sa garahe ng mga ito. Sa dami ng nakagaraheng magagarang sasakyan doon ay para ng parking area ang lugar. Ganoon kayaman ang mga Artajo. Pagpasok niya sa mansyon ng mga ito ay handa na ang lahat. Talagang sila na lang ni Vien ang hinihintay. Masasabing isang masaganang handaan 'yon. Napakahabang lamesa na puno ng iba't ibang pagkain. Napakarami nila. Kung tama ang sapantaha ni Moneth na 100 years old na ang pinakamatanda sa pamilya Artajo, nasaan ito? Mukhang nasa 60's pa lang aman itong lolo ni Vien. "Oh, hija dali na't makakain na tayo," magiliw na yaya ng Mama ni Vien nang makitang nakatayo pa rin siya sa may bungad. Ngumiti siya saka pumunta sa upuang laan sa kanya. Habang kumakain ay walang imik ang mga ito, puro kalansing ng kobyertos ang kanyang naririnig. 'Hindi ito normal,' aniya sa isipan. Patuloy siyang nakikiramdam sa pamilya Artajo. Binabalot ang kaba ang kanyang dibdib, masyado silang tahimik. 'Ganito ba kumain ang pamilyang ito?' tanong ulit ng isip. Nang matapos ay nagpaalam siya sa kasintahang gagamit ng banyo. Agad naman itong tumango at gusto pang samahan siya pero tumanggi na siya. Kaya na niya at buti na lang at hindi ito nagpumilit. Agad niyang tinalunton ang mga pasilyo ng mga kuwartong nakahilera. Ingat siya na baka may makakita sa kanya. Binuksan niya ang kuwartong nasa dulo pero normal itong kuwarto, walang kakaiba. Maingat niyang sinara at naghanap pa nang kahina-hinalang kuwarto. Nakita niya ang kuwartong nasa ilalim ng hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay. Binuksan niya dito at tumambad ang iba't ibang imahe ng Panginoon, Sto. Nino, Mama Mary at iba pa. 'Parang bodega 'to ah?' aniya sa isipan. Napansing parang 'di pa tuluyang nabubuksang regalo pero nilagak na doon. "Bakit narito lang ang mga ito, hindi ba dapat ay dini-display?" mga tanong sa sarili habang sinisiyasat ang lugar. Bago pa siya mahuli ng mga iot ay kinailangan na niyang linsanin. Hindi ito ang pakay niya kaya ingat niyang sinara. May nakita siyang kuwarto na natatabingan ng isang malaking plorera sa malapit sa pintuan. Ingat niyang inusod ang plorera para mabuksan ang pinto nang biglang may magsalita. "Anong ginagawa mo d'yan, Ineng?" tinig na nagpahinto sa kanya sa pagpihit ng pinto. Kinabahan siya. Tumingin siya sa nagsalita. Matanda ito, bahagya pa siyang napausog ng pakita ang mukha nito. May takot na lumukob sa kaniyang kalooban. Pangit ang matandang nasa harapan gawa ng malaking hiwa sa mukha. Nakailang lunok muna siya bago nakuhang sagutin ito. "Naku, hindi ko pa mahanap ang banyo eh, nakailang pinto na po ako," pagsisinungaling sa matanda. "Halika at ituturo ko sa'yo," anito sa kanya. 'Sh*t!' mura sa isipan sa naantalang pagpasok. Malakas ang loob niyang 'yon ang kuwartong tinutukoy ni Debby. Habang nakasunod sa matanda. Narinig niya itong nagsalita. "Ineng, umalis ka na bago pa mahuli ang lahat," mahina nitong sabi. Mahina man pero dinig na dinig niya iyon. 'Anong ibig nitong sabihin na bago pa mahuli ang lahat?' nababaghang tanong ulit sa sarili. Tumingin siya sa matanda ngunit nagyuko ito. "A—ano pong ibig niyong sabihin," usisa niya pero hindi siya nito sinagot. "Iyan na ang banyo, Ineng," anito saka mabilis na umalis. Hahabulin pa sana ito pero tila biglang naglaho dahil hindi na ito makita. Habang nasa loob ng banyo ay hindi siya mapakali. Inayos ang sarili upang bumalik sa mag-anak ng kasintahan. Nagtatawanan na ang mga ito. Hindi na gaya nang kumakain silang halos walang magsalita. Habang papalapit siya naririnig niya ang dalawang lalaki malapit sa kinatatayuan niya. "Malapit na ang pag-aalay. Anong iyaalay mo?" rinig niyang usapan ng dalawa. 'Pag-aalay?' ulit niya sa kanyang isipan. Nakita rin niyang pumasok sa isang kuwarto ang pinakamatanda sa pamilya. Nang mapansin niyang parang hinahanap na siya ng kasintahan saka siya lumabas. Niyakap niya ito mula sa likod. "Hon, pwede ko na bang isukat ang gown ko?" malambing niyang turan sa kasintahan. Nagpaunlak naman ito at nabungaran ang gown sa isang kuwarto sa taas ng mansyon. Napamura siya sa kawalan ng makitang naroroon ang gown na sinunog niya. 'Ito 'yong gown pero paanong nangyari? Sinunog na kita!' aniya ulit sa sarili na tila kinakausap ang gown na sinusukat niya. Sinukat niya at saktong-sakto pa rin sa kanya. Hinubad niya ang gown kahit nandodoon ang kasintahan, panty at bra niya lamang ang natira. Tinanggal niya ang balisong sa kanyang hita nong nasa banyo siya. Ito ang plano niya ang tignan kung hanggang kailan ang itatagal ng lalaki. Nakita niyang sunod-sunod itong napalunok. Yumakap siya dito at hinalikan ng marubdob. Naging mapang-ubaya siya. Natatangay na rin ito nang bigla siyang ilayo. "It's not the proper time." Nagugulumihanan siya. Kailan ang proper time? Nagkakape at tsaa na ang mga kapamilya nito pero pinili niyang pumunta sa veranda. "Sa veranda lang ako, hon! Medyo nainitan ako," kaila sa kasintahan. Bukod kasi sa hindi siya komportable sa buong angkan nito ay gusto niyang mapag-aralan ang lokasyon ng mansyon ng mga ito. Igagala pa lamang sa labas ng mansyon ang mga mata nang mag-ring ang cellphone niya at si Moneth ang natawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito total malayo na man siya sa mag-anak. "Hello," aniya. "Chelsea," sagot ng kabilang linya. "Yes, Moneth. May balita na ba? Anong resulta ng blood sample?" sunod-sunod na tanong sa mababang tinig. Natitigilan ang nasa kabilang linya. "Moneth," ulit niya. Pagkukompirma kung nasa linya pa ba ito. "Chelsea, may nalaman ako at natatakot ako para sa kaibigan mong si Debby," anito na tila may hatid na masamang balita sa kaibigan. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Bakit napasama si Debby sa usapan nila? Bago pa man siya nakapagsalita ay muling nagsalita si Moneth. "Nagtanong-tanong ako sa mga tao tungkol sa sumpa ng singsing ng mga Artajo," putol sa usapan nang maulinigang may kausap ito. "Chelsea still there?" pangungumpirma nito. "Yes, tuloy mo Moneth. Ano ang nalaman mo?" excited na turan sa kaibigan. "Noong una ayaw nilang magsalita tungkol sa singsinh hanggang sa makarating ako sa kabilang bayan. Medyo liblib na lugar pero nag-take ako ng risk, ang tsismis kahit liblib nakakarating. Hanggang sa masumpungan ko ang isang albularyo!" anito saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Noong una ay ayaw ding magsalita, paalis na ako nang mabanggit nito na may isang mag-asawang pangit daw ang nakakaalam sa lihim ng mga Artajo. Dahil sa panghahamak ng mga tao ay naisipang tumira ang mag-asawa sa bundok na nasa likod ng mansyon ng mga Artajo," hindi maputol-putol na kuwento ni Moneth. "Doon daw nalaman ng mag-asawa ang lihim ng pamilya at nagsumbong sa pulisya pero sa kasamaang palad, ang pulis na nasa presinto noon ay isang Artajo. Matapos noon ay biglang naglaho na parang bula ang mag-asawa," pagtatapos nitong balita sa kaniya. Hindi siya makahuma sa binalita ng kausap. "Do you think—" putol ang sasabihin ng tawagin siya ni Vien. Nasa likuran niya pala ito. 'Sh*t!' muling mura sa sarili. 'Narinig kaya kami ni Moneth?' tanong pa sa isipan. "Sino ang kausap mo?" tanong nito sa kanya saka siya niyapos nito. Pinatay niya ang cellphone niya baka maisipang pakialaman ng lalaki. "Si Debby," pagsisinungaling niya. Sa kabilang banda, pilit sinusubukang tawagin pa rin ni Moneth si Chelsea dahil hindi pa niya nasasabi ang totoong pakay sa pagtawag. Para mapaalalahan nito ang kaibigan. Sabi ng matandang napagtanungan niya, lahat daw ng nakakaalam sa sekreto ng mga Artajo ay nawawala. Maaaring mangyari kay Debby kung hindi agad mapaalalahanan. Pero unattended ang cellphone ni Chelsea, inis siyang bumalik sa trabaho niya. Hinatid na siya ni Vien sa kanyang boarding house nang mapansin ang nakagaraheng sasakyan sa kapitbahay, ang sasakyang lagi niyang nakikita. Hinintay niya munang makalayo ang kotse ng kasintahan bago nagpasyahang lumapit sa sasakyan. Halos hindi mapakali si Denver sa loob ng kanyang sasakyan habang palapit nang palapit ang babae. Tatlong hakbang na lang ito nang makitang nagmamadaling bunutin ang cellphone sa maliit na bag na dala. "Hello?!" agad nitong sagot saka nagsimulang bumalik sa bahay nito. "Moneth sorry I need to closed my phone when Vien calls me. I was worried maybe he overheard our conversation." "Listen, Chelsea called Debby. Hurry up before it's too late. Sabi nang matandang pinagtanungan ko kanina—" putol pa nito. "Ano?!" gigil na niyang tanong sa kabilang linya. Talagang binabalot na siya ng kaba para sa kaibigan. "Lahat ng nakakaalam sa sekreto ng pamilya Artajo ay naglalahong parang bula," anito. Dinaluyon siya ng kaba sa dibdib ni Chelsea para kay Debby, umalis ito para hindi madamay pero mukhang hahabulin ito ng bagay na nalaman nito tungkol sa mga Artajo. Agad niyang tinawagan si Debby. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Hanggang sa sumagot ito. "Hello, Debby?" agad niyang turan. Walang sumagot. Hanggang may marinig siyang tinig. "Debby! Debby?!" sigaw sa kaibigan sa kabilang linya habang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD