(Zephyr’s POV) SUNOD-sunod ang naging bahin ng papa ko kaya tiningnan ko siya. "Papa, ayos ka lang?" "Ayos lang ako Zephyr. Palagay ko ay may nag-uusap sa akin." Pinunasan niya ang ilong niya. "Baka mga kaibigan mong bading?" pagbibiro ni mama. Napangiti na lang ako. Totoong may mga bading na kaibigan ang papa ko. Hindi na siguro ako magtataka kumbakit bading ako ngayon. Marahil napasa sa akin ang pheromonve ng mga bading. Nandtio lang kami sa sala at nanonood pa ng mga palabas sa telebisyon. Ganoon lang talaga kami lalao na at madalas na abala ang mama at papa ko sa mga trabaho nila. Minsan lang nangyayari to eh. Kung akala niyo ay only child lang ako, hindi. May kapatid akong babae na nakatira sa probinsiya namin sa visayas kasama ang mga lolo at lola ko. Bunso ko siya ng dalaw

