Warning: Ang kabanatang ito ay maglalaman ng mga maseselang eksena. Huwag gayahin sa ano mang paraan. Viewer discretion is advised. Napapapalatak si Lana nang makita ang pawisang si Alexei na seryosong-seryoso sa ginagawa habang nakasalampak sa may pinto ng tinitirahan niya. Sabado ngayon kaya naman nasa apartment niya ang kanyang nobyo. Nagpaalam lang siya na maliligo sandali dahil sa alinsangan ng panahon kaya naman iniwan niya ito sandali. "Alexei! Ano bang ginagawa mo d'yan? Pawis na pawis ka na, o!" Napalingon sa kanya ang lalaki. Nilalaro pala nito iyong pusang gala na paikot-ikot sa apartment niya. "O, tapos ka na?" "Mamaya makalmot ka n'yan, e!" pangaral niya bago kinuha ang pusa at sinipat ang mga kuko nito. Tumawa ang nobyo niya. "Chill, hindi ako aagawin sa'yo niyang pu

