XXX

2063 Words

Nang makatapos kumain ay sandaling nawala si Alexei. Nagpaalam ito sa kanya na may kukuhanin lang sa cottage nila. Tahimik ang gabi at medyo mahangin kaya napagdesisyunan ng dalaga na magtungo sa dalampasigan at tahimik na panoorin ang paghampas ng alon sa buhangin. May mangilan-ngilan pa rin na nagna-night swimming ngunit karamihan sa mga turista sa resort ay nasa mga kanya-kanyang cottage na ng mga ito. Marahan niyang pinadaan ang daliri sa buhangin, isinusulat ang pangalan nilang dalawa ni Alexei. Bahagya siyang napapangiti habang inaalala ang mukha ng nobyo. Lalo na kung gaano ito kakisig at kaguwapo sa paningin niya. Napasinghap siya nang may mga kamay na magtakip sa kanyang mga mata. Kaagad siyang napahawak sa mga iyon, bahagyang natatawa. "Alexei! Ano namang pakulo 'yan, ha?" M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD