"Putragis. Can you just please leave me alone?" angil ni Lana sa lalaking tahimik na sumusunod sa kanya. May sakit si Alexei at ilang araw raw ito mawawala kaya naman walang naghahatid-sundo sa kanya. Gusto niya sana itong dalawin ngunit ayaw ng lalaki at baka mahawa pa raw siya kaya wala siyang magawa. Akala ni Lana ay magiging ayos ang lahat ngunit heto at may ibang asungot na sumusunod-sunod sa kanya. Ilang araw na siya nitong sinusundan papasok at pauwi. Wala naman itong ginagawa maliban sa paninigurado na nakakapasok at nakakauwi siya ng maayos ngunit alerto pa rin ang dalaga. "I don't want to, Lana. Isa pa, bakit ngayon ka lang pauwi galing sa school? Dis oras ng gabi na, a. Alam mo naman siguro na maraming g*go sa paligid." She rolled her eyes. The nerve of this man! "You have n

